Chapter Twenty-two

2.1K 55 3
                                    

Wendy's POV

Naramdaman kong may humila sa kumot ko. "Caprio, wake up! Mag-swimming na tayo habang hindi pa tirik ang araw." Boses ni Genoa.

"Maaga pa." I said, inaantok pa rin ako.

Hinila ko pabalik ang kumot at tinakpan ng unan ang mukha ko.

"Exactly! Mainit na mamayang tanghali kaya bumangon ka na diyan." Pinilit niyang kunin ang unan na nakatakip sa mukha ko pero syempre hindi ako nagpatalo, kaya mas lalo ko pang hinigpitan ang paghawak dito.

Just let me sleep in peace, Genoa.

Laking gulat ko nang may biglang tumalon sa kama kaya pati ako nag-bounce. "Wendy!"

"Ten?!" Nakahiga na siya sa kama ko habang nakayakap sa 'kin. Nakangiti pa ang mokong while looking at my face.

Teka, hindi pa ako naghihilamos!

"Good morning, Wenwen!" I stood up quickly at tinulak siya palayo. I glared at Genoa na patawa-tawa lang sa amin, bakit niya pinapasok ang mokong na 'to sa room namin?

Binato ko si Ten ng unan sa mukha before I walked out.

Ugh!

Gusto ko lang naman matulog.

Timo's POV

"Good morning, Teatro Club!" Bati ko sa mga friends ko habang kumakain sila ng almusal sa iisang table. Na-late ako ng kaunti sa breakfast dahil kinausap pa ako ng manager ko sa phone.

Tumabi ako kay Genoa dahil katapat lang niya 'yung bacon na favorite ko, hehe.

Genoa pointed at the chocolate drink in front of me. "Chocolate drink? Ano ka bata?"

"It's really good! Tikman mo kaya." I protested.

Genoa rolled her eyes before biting her toast. "No, thanks."

Hmp!

"Wala ka talagang taste." I said.

Genoa choked on her food. Agad siyang inabutan ni Dylan ng tubig.

Ten laughed in front of us. "Anong walang taste e ikaw nga gusto niy---" Genoa cut him off. "Tyrone!"

"Ay sorry." Tinakpan ni Ten ang bibig niya.

I looked at them, confused. What are they saying?

So weird.

Hindi ko sila maintindihan kaya I just took a sip of my chocolate drink instead. "Yummy!"

Wendy's POV

I changed my pair of pajamas to white crop top and denim shorts after namin mag-breakfast. I could sense Genoa judging me from head to toe paglabas ko ng cubicle.

Nakasuot na si Genoa ng yellow na two-piece swimsuit. She really has a nice body, parang lagi nasa gym.

"Hindi ka magsu-swimsuit?" Genoa asked habang naglalagay ng sunblock sa mga braso niya in front of a mirror.

I shook my head. "Hindi naman kasing ganda ng katawan mo ang katawan ko."

"Tsk, who said that?" Lumapit siya sa akin.

"Tulungan na kita maglagay ng sunblock." Naglagay siya ng sunblock sa kamay niya at ipinahid ito sa likod ko.

"Thank you." I said, I also did the same to her.

Let Me Chase YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon