Prologue

9.3K 137 6
                                    

Wendy's POV

"Wendy!" Napa-facepalm ako nang marinig ko ang boses ng pinaka-annoying na taong kilala ko. Dire-diretso lang ako at kunwaring walang naririnig.

He jogged hanggang sa maramdaman ko na ang presensya niya sa likod ko. "Wendy Caprio!" Umakbay siya sa akin pero hindi ko pa rin siya pinansin.

"Don't call me by my full name, Tyrone Mercado. Nasa grounds tayo at ang daming tao." Marahas kong inalis 'yung braso niya sa balikat ko.

He tsked at me. "Nakakatakot ka naman. Sige na, hindi na." I rolled my eyes. Ano ba kasing kailangan ng taong 'to sa akin?

"Nag-lunch kana?" Tanong niya. "Not yet, may klase pa ako."

Nakabuntot siya sa akin hanggang sa tapat ng room ko. Hinarap ko muna siya bago ako tuluyang pumasok sa loob. "Ten naman, wala ka bang sariling klase?"

Sumilip siya sa loob ng room since wala pa naman yung teacher namin. Iilan pa lang din ang classmates ko na nandito.

May bigla siyang tinuro sa pinakalikod na bahagi ng room at kunot noo siyang tumingin sa akin. "Si Sandro ba 'yun?"

"Saan?" Sumilip din ako sa pinto at nakita ko nga si Sandro, nasa pinaka likod at as usual, nasa sarili niyang mundo.

"Magkaklase kayo?" He asked. "Hindi ba obvious?"

Nag-cross arms siya habang nakapalumbaba. "Hmmm, baka maging crush mo yan, hindi kaya?"

I gaped. "What are you talking about, Ten? Sinabi ko na sa 'yo, wala akong interest sa mga lalaki ngayon."

Nag-twinkle ang mga mata niya at pinisil ang pisngi ko. Marahas kong inalis 'yung kamay niya sa pisngi ko dahil baka kung ano pang isipin ng mga tao dito.

"Yie, kaya crush na crush kita e. See you later, Wen!" He dashed off and disappeared from my vision.

*

Pumasok na ako sa loob at umupo sa upuan ko near the window sa likurang bahagi ng room. 

'Yung lalaki kanina na gumugulo sa akin. He's Ten, his real name is Tyrone but I don't call him like that unless I'm already mad and I want to get rid of his face. He's my bestfriend and also my suitor. Ilang beses ko na sinabing wala siyang pag-asa sa akin pero wala e, ayaw niya talaga akong tigilan kaya hinahayaan ko na lang. Besides, he's the only friend that I have. Pakakawalan ko pa ba?

Natapos ang klase, naglabasan na lahat sa classroom except kay Sandro.

As cold as an ice guy, a gold medalist swimmer and a son of an idol. Ewan ko ba pero nai-intimidate talaga ako sa lalaking 'yun. He's colder than what you think. Dalawang beses ko pa nga lang siya narinig magsalita e, and because of that, I almost forgot the sound of his voice.

Iniwan ko na rin si Sandro sa room dahil wala rin naman akong mapapala sa kanya. Mula sa malayo, natanaw ko si Ten na papalapit sa akin.

"Hi, Wendy!" Sinalubong niya ako with a big smile. Wala naman ako sa mood para ngitian din siya, ang dami ko kasing homework na aasikasuhin mamaya at ayun ang kailangan kong problemahin.

Sinundan niya lang ako habang pababa sa hagdan. "Tapos na ba klase mo?" Tanong ko kay Ten. He hummed. "Oo yata." I stopped walking. "Yata?"

"Malay ko, basta lumabas na lang ako pagka-alarm ng phone ko."

"Para saan 'yung alarm?" I asked.

"Para sa oras ng uwi mo." My jaw fell. He's too obsessed with me, it's unhealthy. Hinarap ko si Ten at binatukan ang matigas niyang bungo.

Let Me Chase YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon