Chapter Twenty-three

2.1K 63 1
                                    

Wendy's POV

It's my 19th birthday!

Nakakapanibago dahil hindi ako binati ni Ten at exactly 12 AM. Every year kasi since I met him, siya ang unang bumabati sa akin through call. Hindi niya rin ako sinundo sa bahay ngayong umaga. Mag-isa tuloy akong naglalakad ngayon papasok sa Southmoor.

Is he busy o nakalimutan niya lang talaga na birthday ko?

Nakakatampo naman.

Anyway, my mom greeted me earlier bago kami kumain ng breakfast. She also baked a strawberry cake for me, my favorite!

I noticed someone familiar from a far habang naglalakad ako. Bitbit niya ang brown-leather bag pack sa kanang balikat habang nakapamulsa ang kaliwang kamay.

Yep, that's definitely Sandro.

I jogged hanggang sa magkatapat na kami. Sinabayan ko lang siya sa paglalakad and didn't say anything.

"Where's Tyrone?" Sandro asked when he noticed me.

"I don't know, hindi niya ako sinundo."

Alam kaya nito na birthday ko ngayon? I wondered.

"Give me your hand." Sandro lent his hand.

My eyebrows furrowed. "Bakit?"

"You're rubbing your hands together."


Napatingin ako sa mga kamay ko when he said that. "You're cold."

Napansin pala ni Sandro na nilalamig ako...

Isa lang ang bulsa ng blazer ng uniform ko. I put my left hand in it and let Sandro hold my right hand.

Magkaholding hands na kami ngayon habang naglalakad sa grounds. His hand is so warm.


Parang magic na nawala 'yung lamig na na-feel ko kanina.

"Happy birthday!" Bati nung classmate namin nang makasalubong namin siya.

"Thank you." Nagulat ako dahil nag-thank you rin si Sandro, sabay pa ang pagkakasabi namin.

Napatingin ako kay Sandro.

"Teka, teka!"

I stopped walking, Sandro did the same.

"Bakit ka nagpasalamat?" I asked him.

He looked at me, confused. "Why not? He greeted me."

"Ako ang may birthday!" I protested.

Wait...

Huwag mong sabihin...

"It's my birthday too, 15th of August."

My eyes widened in surprise. "Ehhh?!"

Birthday din pala niya ngayon pero wala akong kaalam-alam?

"19 ka na rin?" I asked him.

Sandro nodded.

I still can't believe this.

Bakit hindi ko agad tinanong ang birthday niya when we started dating para naman nakapaghanda ako?

Napatigil ako sa paglalakad nang mag-vibrate ang phone sa bulsa ko.

Let Me Chase YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon