Chapter 12

179 12 0
                                    

Chapter 12 - Rain

"Zeus baby.. ayaw mo ba sakin?" tanong ko kay Zeus habang nasa hardin kami.

Umiling iling siya.

"Bakit naman?" nilingon niya ako, nakakunot ang noo.

"I don't know. I don't like you," nguso niya.

Ngumiti ako ng malungkot. Hinaplos-haplos ko ang bagsak niyang buhok.

"Ayaw mo ba akong maging friend?"
Umiling-iling ulit siya.

"Payakap nalang baby, ha?" yakap ko sakanya kahit hindi pa siya sumasang-ayon.

Kahit madalas na akong pagalitan ni nanay dahil sa pago-over time ko sa paga-alaga sa dalawang batang ito at  kahit hindi gaanong mabait sakin itong si Zeus ay hindi ako magsasawang alagaan sila. Hindi lang dahil trabaho ko ito. Parang sobrang napalapit na sila sa akin. Kapag nga nasa resto bar ako ay lagi silang sumasagi sa isip ko; kung mahimbing ba ang tulog nila? Kung nagising ba sila?

Kinagabihan ay nagtext sila nanay na wala daw sila sa bahay. Birthday daw ng kumare niya sa Laguna, dun daw sila matutulog. Dalawang araw silang wala. Hindi ko alam kung ikapapasalamat ko yun o ano.

"Oh Sasa, ba't gising ka pa?"

"Ahm.. nagpapahangin lang po." sagot ko kay manong guard.

Hinapit ko lalo ang sweatshirt ko sa sarili ko. Malamig ang simoy ng hangin at malakas, siguro'y uulan.

"Apollo.. baka may makakita satin dito.." isang boses babae ang umalingawngaw sa dulo ng hardin.

Nagtago ako sa halamanan at pinakinggan ito ng mabuti. Sino 'yun?

"Nope. They're upstairs. They won't mind.." baritong boses ni Apollo ang sunod kong narinig.

Nanlaki ang mata ko.

Lumapit ako ng konti sa pinanggagalingan ng boses. Humilig ako sa likod ng pader para magtago.

"You sure, babe?" ani ng babae.

Hindi na sumagot si Apollo kaya bahagya ko silang sinilip.

Nakalapat ang likod ng babae sa pader habang si Apollo ay nakahilig sa harapan nito. Napaatras ako nang makita ang kanilang ginagawa. Hinalikan ni Apollo ang leeg ng babae, pataas hanggang sa nakarating sa labi nito.

Napalunok ako. Muntik na akong mapasigaw nang biglang bumuhos ang nagbabadyang ulan kanina.

Mabilis akong tumakbo sa kung saan may bubong para makasilong.

Ano ba yun? Sino ba 'yun? Girlfriend ba 'yun ni Apollo?

Umiling iling ako at inalis ang bumabagabag na imahe sa aking isipan.

Eh ano naman kung nobya niya nga iyon?

Hinubad ko ang sweatshirt ko. Tanging puting tanktop na lang ang suot ko. Medyo nabasa ang leggings ko pero ayos lang naman. Hinubad ko ang flats ko at ipinatong ito sa lamesa sa tabi.

Sana naman humina na ang ulan bago pa ako lamigin.

"Damn this rain!"

Halos mapatalon ako sa gulat nang may magsalita. Napalingon ako sa gilid ko at namataaan ang basang basa na si Apollo.

Nilingon niya ako. Bakas parin ang inis sa mukha.

"What are you doing here?" kunot noo niyang tanong.

Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Naabutan ako ng ulan eh, magpapahangin sana."

Hidden Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon