Chapter 25

150 9 1
                                    

Chapter 25 - Alondra

"Nag-away kayo ni Apollo?" tanong ni Chant sabay subo sa pizza na binili namin.

Umiling ako bago bumaling sa tahimik na si Apollo sa gilid.

"Hm-mm.." tango niya na parang hindi naniniwala. Hinayaan ko siya at itinuloy nalang ang pagkain.

"Where's the drinks?"

Sabay kaming napaangat ng tingin kay Apollo na seryosong nakatingin sa mga dala namin. Sinipat niya ang mga lagayan na ubos na ang laman.

"Oh. Ubos na pala. Bibili nalang kami.. ano bang gusto mo?" sinubo agad ni Chant ang kinakain niya at agad na tumayo.

"No need. Ako nalang." Mariing sabi ni Apollo bago tumalikod at dirediretsong naglakad papuntang bilihan.

Nagkatinginan kami ni Chant. Tinaas niya ang kilay niya. Nagkibit ako ng balikat.

Nakuha ko ang ipinapahiwatig niya pero hindi ko ito pinansin.

Apollo must be bored. Umiling-iling ako.

Maya't maya ang tingin ko sa may gate. Napapalingon ako sa tuwing may pumapasok. Nasaan na ba si Apollo? Kanina pa iyon ah? Gaano ba katagal bumili ng inumin? Isang oras? Traffic ba sa labas? Eh lalakarin lang naman yun ah!

Tumayo ako nang nainip na.

"Oh, sa'n ka?" tanong ni Cain nang napuna ang pagtayo ko. Binalingan ko si Porsche na abala sa pag-ngiti sa kausap niya sa phone.

Tinuro ko ang labas at mabilis na naglakad patungo doon.

Madilim-dilim na. Siguro'y maga-alas sais na. Kanina pa umalis si Apollo, maliwanag pa 'non.

Nagpalinga-linga ako. Nasaan na ba iyon? Saan ba iyon bumili?

Binilisan ko ang lakad dahil sabi ay maya-maya ay uuwi na. Hindi pa kami nakakapagligpit ng kalat kaya kailangan ay makabalik ako agad para naman makatulong sa pagliligpit.

Unti-unti nang humupa ang tao. Pagabi na kasi at medyo malamok na. Mahirap na baka madengue pa.

Pumunta ako sa 711. Nagbaka sakali akong baka tumambay siya doon pero wala.

Huminga ako ng malalim at pinagpatuloy ang paglalakad. Nasaan ba iyon? Madilim na! Kapag nakita ko talaga siya ay pagagalitan ko iyon!

"Sasa.."

Napalingon ako. Nakakunot ang kanyang noo. Ang isang kamay niya ay may hawak na gatorade habang ang isa naman ay malaking piatos.

Sinimangutan ko siya. Nilapitan ko na sabay sapak ko sa balikat niya. Humalukipkip ako sa harap sa kanyang harap.

"Bakit ba ang tagal mo? Gaano ba katagal bumili niyan, ha?" singhal ko sa kanya.

Tinignan niya lamang ako. Parang may kung ano siyang pinoproseso sa utak niya. Umiling ako at hinila na lamang siya. Baka sa tagal kong maghanap sa kanya ay naka-uwi na sila.

"Nagtext ako kila Porsche. I told them mauna na kayo."

Nilingon ko siya.

"Huh?"

Nagtext siya? Bakit hindi sinabi sa akin nila Chant?

"Nagtext ako kila Porsche," aniya.

Kumunot ang noo ko. "Bakit 'di nila sinabi sa akin?"

Ngumuso siya at nangunot ng noo.

"Why are you even here?" tanong niya. Imbis na sagutin ang tanong ko ay tanong din ang isinagot niya.

Hidden Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon