Chapter 19

155 10 0
                                    

Chapter 19 - Everything Will Be Okay

Inupo ko siya sa may gilid ng kalsada. Sa sobrang bigat niya ay hindi ko na kinayang kaladkarin pa siya. Itinukod niya ang magkabilang siko sa kanyang tuhod at hinilot ang kanyang sentido. Bakit kasi ayaw pang umuwi eh!

"Uwi na tayo." Sabay tayo ko ulit sa kanya pero pinigilan niya ako.

"Ayoko pa," napapaos niyang saad.

Napakamot nalang ako sa katigasan ng ulo niya.

"Bakit ba ayaw mong umuwi? Eh inaantok ka na."

Binalingan niya ako. Ang inaantok niyang mata ay dumapo sa akin.

"Upo ka muna," saad niya sabay hila sa akin paupo sa tabi niya.

Binalot kami ng katahimikan. Sinusulyapan ko siya paminsan-minsan. Pinagmasdan ko na lamang ang mga kotseng nagdaraan. Madaling araw na kaya iilan nalang ang mga sasakyan na buma-byahe. Binalingan ko si Apollo na nakamasid na pala sa akin.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. Ngumuso siya at umiling. Tumuwid siya ng pagkaka-upo kaya napagaya na din ako.

"You reminds me of someone.." bulong niya.

Nanatili akong nakatingin lamang sa kanya. Someone? Sino naman yun?

"And.. I miss h-her.." napapaos niyang sabi.

Napalunok ako. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kung ano sa aking loob.

"Sino?" nagulat din ako sa tanong na lumabas sa sarili kong bibig. Nag-angat siya ng tingin at sinuri ang mukha ko. Parang may hinahanap siya na kung ano pero hindi niya natagpuan.

"Summer.." sagot niyang hindi nakatingin sakin.

Summer? Yung babaeng kaibigan niya na gusto niya?

Nabuhay ang kuryusidad sa aking isipan. Gusto ko siyang makita... makilala. Gusto kong malaman ang nangyari.. Bakit wala na siya? Asan na siya?

"Maganda ba siya?" tanong ko nang hindi nakatingin sa kanya. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagsulyap niya saglit bago sinagot ang tanong ko.

"She's cute." Sumilay ang ngiti niya sa labi. Dahan-dahan akong napatango. Para bang may nalala siya na kung ano kaya siya napangiti.

"Mabait ba siya?" muli kong tanong. Maagap naman niyang sinagot.

"Yeah, she is." Nakangiti niyang sagot. Dama ko sa bawat ngiti niya ang damdamin niya para sa babae. Sa bawat pagsagot niya ay parang inaalala muna niya ang mga pangyayari noon kaya siya napapangiti. Nakaramdaman ako ng hindi pamilyar na pakiramdam. Inggit? Tampo? Hindi ko alam.

"Mahal mo?" bigla kong tanong. Nang seryoso siyang tumitig sa akin ay parang gusto kong bawiin ang tanong ko. Bakit ko ba kasi tinanong yun?

Hindi ako tumingin sa kanya. Nanatili ang mga mata ko sa kalsada. Ramdam ko ang mabigat niyang titig sa akin.

Umiling siya.

"Hindi ko alam.."

Napalingon ako sa kanya. Tumango ako dahil walang masabi. Ano ba ang dapat kong sabihin. Ah okay?

Maya-maya'y binalot ulit kami ng nakakabinging katahimikan.

"Tara na! Uwi na tayo." Ani ko sabay tayo na at pagpag ng pang-upo.

Tumayo na rin siya at maayos nang nakatayo. Parang nawala na ng kaunti ang kanyang tama ng alak at pagkahilo.

Hindi ko na siya pinayagan mag-drive pa. Baka pareho lang kaming madisgrasya. Nagtawag ako ng taxi at sinabi ang mansyon nila. Hindi muna siguro ako uuwi ngayon kila nanay.

Hidden Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon