Chapter 8

186 13 0
                                    

Chapter 8 - Girlfriend

"Wag niyo na uulitin 'yun ha? Understand, baby?"

"Opo." Nguso ni Athena. Tumango naman si Zeus.

"Good."

Buti nalang ay hinanap kami ni Manang at tinanong kila Zeus kung nasaan kami. Hindi pa nga daw aamin ang dalawa kung hindi binigyan ng laruan at pagkain. Mga bata talaga.

"Tinulugan mo ako kanina ah,"

Halos mabitawan ko ang platito sa sobrang gulat. Nilingon ko si Apollo na bagong hango sa banyo. Basa pa ang bagsak niyang buhok.

Agad akong ginapangan ng kaba sa presensya niya.

"Sorry. Kanina pa kasi ako inaantok eh," patuloy ko sa pagliligpit ng pinagkainan nila Athena.

"It's okay. I don't mind anyway." Hilig niya sa hamba ng pinto.

Tumango ako. Wala ba silang practice ng banda nila? Bakit siya nandito? Isa pa.. pumapasok ba siya? Baka. Hindi ko naman siya madalas makita dito sa mansyon.

"Mamaya darating ang nga kabanda ko. Magpaparactice tayo for battle of the bands next week." Aniya.

Nagulat ako.
Next week na agad? Tapos ngayon lang kami magpaparactice? Bagong sabak palang ako at hindi ko pa kabisado ang kanilang mga ginagawa! Hindi kaya pumalpak ako?

"You should change.." wika niya bago umalis. Tinignan ko naman ang suot ko.

Isang maong na jumper at sleeveless shirt sa loob. Anong susuotin ko? Eh ganito lang naman ang mga damit ko? Siguro magt-thirt nalang ako.

Tulog sila Athena kaya may oras pa ako para mag-ensayo ngayon.
Pagkapasok ko sa rehearsal room sa bahay nila Apollo ay kumpleto na sila. Ako nalang talaga ang hinihintay. Biglang pinagpawisan ang kamay ko.

"Hello." Bati ko.

Ngumiti naman sila pabalik. Lumapit sila isa-isa, yumakap. Napapangiwi na lang ako. Ganito ba talaga sila bumati?

Nanatiling seryosong nakatingin lang si Apollo sa amin.

"Someone's eyeing someone.." ngisi ni ahm.. 'yung kamukha ni Justin bieber.

Hindi ko pa nga pala alam ang mga pangalan nila ano? Hindi kasi sila pinakilala ni Apollo eh.

Pagkaupo ko sa sofa ay tinanong ko agad ang chinito na katabi.

"Anong pangalan mo?" ngiti ko. Bumaling siya kay Apollo bago ako sinagot. Nangunot ang noo ko.

"Chant." Lahad niya ng kamay. Tinanggap ko naman, mabilis din niya itong binitawan.

"Dude! Magpakilala kayo kay Sasa! Gago kasi 'tong si Apollo eh. Sinosolo."

Baling niya kay Apollo na ngayon ay matalim na nakatingin sa kanya. Tumawa lang si Chant at tumahimik na sa tabi.

"Porsche." Ngisi ng kamukha ni Justin bieber ng makalapit siya.

Ngumiti ako. May umubo bigla sa gilid, kahit hindi ko lingunin ay alam ko kung sino.

"Cain!" kaway ng matangkad na kabanda ni Apollo. Ngumiti ako, tumango.

Kung titignan ay halos pare-parehas lang sila ng hulma. Maganda ang hubog ng katawan, maaliwalas na kutis, matikas na tindig, perpektong mukha. Siguro ang pinagkaiba-iba lang nila ay sa mata at style ng buhok.

Si Chant ay chinito, hindi naman masyadong singkit. Yung tama lang. Matangkad din siya pero mas matangkad si Cain.

Si Porsche naman ay may magandang pares ng mata, kakaiba dahil sa sandaling tumingin ka ay may sumpang maaakit ka niya, idagdag pa ang pang bagong gising niyang buhok na nakapag-papatingkad ng maganda niyang mukha.

Hidden Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon