Chapter 36

146 7 0
                                    

Chapter 36 - Like The Old Times

Hindi ako kumalas sa pagkakayakap sa kanya. Nanatili akong nakayakap ng mahigpit. Hindi ako bumibitaw, hindi ako kumakalas. Hindi ko kayang makita ang mukha niya. Hindi ko kayang makita ang reaksyon niya. Natatakot ako. Natatakot ako na baka makita ko lang ang kanyang mukha ay gumuho lahat ng mga desisyon na ginawa ko.

"I'm sorry." nabasag ang boses ko.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at ibinaon ang mukha ko sa kanyang leeg. Naamoy ko ang bango niya na hinahanap-hanap ko. I will definitely miss this. I'll definitely miss him..

"What.. what are you talking about?" takang tanong niya. Bahagya siyang lumayo para makalas ang aming yakap pero hindi ako pumayag. Hindi ko kaya. Ayoko.

"Sasa! What the hell are you talking about?" mariin niyang tanong.

Bulong iyon pero bakit parang pakiramdam ko pasigaw niya iyon na sinabi? Napasinghot ako at kumalas na sa yakap.

Nanatili ang tingin ko sa baba.

Anong sasabihin ko? Nakikipag-hiwalay ako kasi sinabi ni Summer? Nakikipag-hiwalay ako kasi iyon ang kahilingan ng kapatid ko? Na iyon ang kagustuhan ng kapatid ko?

"Apollo.. kasi—"

"Damn it!"

Napa-angat ako ng tingin nang malutong siyang nagmura. Napatayo na siya at napahilamos na ng mukha. Kitang-kita ko ang pinaghalong iritasyon at galit niya. Galit saan? Sa akin? O sa naging desisyon ko?

"What happened? What—Why, Sasa.." dama ko sa tono ng boses niya ang halu-halong emosyon na nananalaytay sa kanyang isipan ngayon.

Halos hindi na humupa ang mga luha sa aking pisngi.

"Why..."

Halos warakin na ang puso ko ng marinig ko ang boses niya.

Bakit nga ba, Sasa? Bakit mo ito ginagawa? Para sa kaisa-isang kahilingan ng kapatid ko.

Suminghot ako at pinakalma ang sarili bago humugot ng malalim na hininga.

"Hindi naman ikaw yung may problema, Apollo eh.. Ako.. ako 'yung may mali kasi napapagod na ako sa sitwasyon natin."

"Damn!" halos mapapikit ako sa biglaang pagsigaw niya.

Nanatili sa aking daliri ang aking mga mata. Hindi ko siya matignan.

"Sino? Sino 'yung lalaki, Sasa?" mariing tanong niya na siyang ikinabigla ko.

Pero mas lalo kong ikinagulat ang pag-iling niya at pag-ngisi. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Ang kanyang mga mata ay hindi masasalamin ng kung anong emosyon. Blanko. Sarado sa taong titingin sa kanyang mata. Sarado na sa akin.

"Nevermind."

Ang kanyang titig ay tumatagos sa aking kalamnan. Kinuyom niya ang kanyang kamao bago nagwika,

"Can you please stop crying? Wala kang karapatan umiyak."

And with that. He walked away.

Pinagmasdan ko ang paglalakad niya palayo sa akin. Pinagmasdan ko ang pagtalikod ng kaisa-isang lalaking nagpahalaga sa akin.

Napahagulhol ako.

Wala na. This is for my sister's happiness. Pero paano naman ang kaligayahan ko? Ang kaligayahan namin ni Apollo? Hindi ko na alam.

Sa paglipas ng oras ay nanatili akong naka-upo doon. Nakatulala sa ganda ng tanawin. Tanawin na imbis na pampakalma ay mas nakapagparamdam sa akin ng pangungulila.

Hidden Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon