Chapter 15

194 10 0
                                    

Chapter 15 - Look Like This


Nagpaalam ako kay nanay na may trabaho ako sa isang lugar. Nagdahilan ako na ina-assign ako doon ng amo ko. Pumayag naman siya basta hindi ko kakaligtaan na padalahan siya.

Sayang naman kasi kung hindi ako sasama. Kasama 'yun sa napalalunan. At siguro kailangan ko din ng bakasyon, kailangan ko din ng pahinga. Puro na lang trabaho ang inaatupag ko. Buti na lang at pumayag si Miss Cally. Ewan ko ba kung paano pero nung nagpaalam ako ay hindi ko pa nasasabi ay tumango na siya agad.

"Yaya, sino ng kalaro ko? " pangungulit ni Athena habang pinagmamasdan akong nagi-impake. Nginitian ko siya.

"Manang will take care of you while I'm away, baby.."

"She's busy," nguso niya. Umupo ako sa harap niya at tinignan siya.

"She's not. Did you see the temporary cook? Siya na muna ang gagawa ng mga gawain ni Manang para mabantayan ka."

Hinaplos ko ang cute niyang pisngi. "Babalik agad ako,"

"You're with kuya?" pagtataka niya. Tumango ako.

Ngumiti siya at niyakap ako. "I want pasalubong!"

"Don't worry baby, I'll buy you one."

"Just one? I want more!" palakpak niya. Tumango ako. "Okay,"

Nang natapos akong mag-impake ay bumaba na kami ni Athena. Nadatnan ko sila Cain sa baba. Bakit na naman sila nandito?

Kumalas sa kapit ko si Athena at tumakbo sa kanila. Nagulat naman si Porsche nang tumalon sa kanya si Athena.

"Hello, baby!" bati niya dito.

Kumalas sa kanya si Athena at binalingan pa ang dalawa. Yumuko si Cain para mahalikan siya sa pisngi ni Athena bago yumapos naman kay Chant.

Namataan ko si Zeus na nasa tabi ni Chant, nakasalampak sa may gilid nito.

"Bakit kayo nandito?" baling ko sa kanilang tatlo.

"Itong si Porsche nagyayaya sa mall. Wala daw siyang maimpakeng damit." Ani Chant.

Bakit? Wala siyang damit? Imposible naman ata!

"It's just that, I don't wear old clothes," Maarteng saad ni Porsche.

Napabuntong-hininga na lang ako.

"Yun nga'ng mga inempake ko puro luma na. Sayang naman kung bibili pa ako," Saad ko.

"Really? I'll buy you, samahan mo lang ako." Nguso ni Porsche sa akin.

"Bakit kayo nandito?" napabaling kaming lahat sa nagsalita.

Napatingin ako kay Apollo na nakasuot ng isang vneck shirt at khaki shorts. Halatang kakagaling lang sa banyo dahil sa basang buhok nito. Mukha siyang mabango!

"Nagyayaya si Porsche sa mall. Bibili daw siya ng damit." Paliwanag ni Chant. Napabaling ako sa tulalang si Cain. Nakakapanibago ang pagiging tahimik ng isang 'to? Bakit kaya? May problema ba siya? Family problem? Broken hearted?

"What for?" nagtaas ng kilay si Apollo. Umupo na sa tabi ni Zeus na tahimik na naglalaro sa phone.

"Tss.. sinabi ko na, bruh."

"Sasa, samahan mo ako?" halatang iritado na si Porsche dahil ang dami nilang tanong at mukhang ayaw lang naman siyang samahan ng mga ito.

Bumaling ako kay Apollo na parang nag-aantay na balingan ko siya. Seryoso ang kanyang ekspresyon. Nag-iwas ako ng tingin at tumango kay Porsche.

Hidden Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon