Chapter 17

163 8 0
                                    

Chapter 17 -  Kiss

Maghapon kaming nagbabad sa dagat. Walang kasawaan ang mga lalaki sa speed boat habang ang mga babae naman ay panay ang sakay sa banana boat. Mabilis ko naman napalagayan ng loob ang mga kaibigan ni Cain pati na din ni Porsche. Katulad nalang ni Eurika na kaibigan ni Cain. Siya 'yung rebonded ang buhok. Si Hya na maputi, kaibigan ni Porsche at si Xantine na sinabi kong kanina na mukhang mataray. Kaibigan ni Porsche. Sabi ni Hya ay ganun lang daw talaga iyon.

Madalas sila ang magkakasama pag gumigimik ang magbabarkda. Magkakakilala na sila dahil madalas silang ayain sa gimik. Sila ang laging magkakasama, maliban nalang kay Xantine na minsanan lang.

Ang mga lalaki naman ay mabilis ko din nakagaangan ng loob. Si Desmond na clean cut ang buhok. Si Oreo na mukhang anime dahil sa kanyang buhok at si Theo na may magulong buhok na animo'y kakabangon lang sa higaan. Bagay naman sa kanya. Lahat sila ay kaibigan ni Cain maliban kay Theo na kaibigan ni Porsche.

Tumili ako ng bumagsak kami sa sinasakyan naming banana boat. Napatawa ako dahil sa pagkakahulog ni Hera na patihaya.

"Ang sakit 'nun ah!" angal niya.

May mga lumapit na sa amin na lalaki. Si Theo at Oreo.

"You okay?" tanong ni Theo kay Hera paglapit. Siniko ko si Hera at makahulugang nginitian.

Sinamaan niya ako ng tingin at tumango kay Theo. Kinikilig 'yan panigurado! Mabuti na lang at sinama ko siya dito at hindi na lang mga boy band sa ibang bansa ang pinagpapantasyahan niya!

Nang tirik na ang araw ay napag-desisyunan na naming umahon. Masakit na sa balat at ginugutom na rin ako.

Sabay kaming umahon ni Hera. Sinundot sundot ko ang tagiliran niya nang makarating na kami sa buhanginan.

Sinapak niya ako sa balikat.

"Type mo?" ngisi ko.

"Hindi ah!" pagtanggi niya. Kunyari naniwala ako. Namumula kaya siya kanina!

Lumapit na ako sa lamesa kahit tumutulo pa. Gutom na ako! Kapag pagkain ay walang makakapigil sa akin.

Dumampot ako ng paper plate at laing. Niluto ni Hera. Sabi ko sa kanya wag siyang pupunta ng walang dalang laing. Namiss ko ang laing niya eh. Palagi kasi siyang nagdadala ng laing sa pinagtatrabahuan namin at binibenta niya. Pero ako lagi ang nakakaubos, partida wala pa akong bayad.

Kumuha ako ng kanin at ilan pang putahing nakahain.

Nagulat ako ng may malambot na telang dumampi sa likod ko. Nilingon ko si Apollo na nasa likod ko na pala.

"Cover yourself." Mariin niyang saad sabay kuha na ng paper plate sa tabi ni Cain.

Nagkibit-balikat lang ako.

Binalot ko ng maayos sa katawan ko ang towel na binigay niya bago itinuloy ang pagkain. Ang sarap talaga! Kahit araw araw laing okay lang sa akin!

Pagkatapos kumain ay nagpahinga muna sila bago bumalik na sa dagat. Ang iba ay humiram ng surf board, ako ay nakuntentong nakatanaw.

Hindi madami ang tao. Iilan lang, siguro'y tago itong resort kaya konti palang ang turista. Malinaw rin ang tubig at malinis. Kung mayaman lang ako, babalik-balikan ko ang lugar na ito!

Matapos ang hapunan ay nagkayayaan na mag-bonfire. Ang mga alak na binaon nila Porsche ay inalabas na pati na rin ang natitirang junkfoods na baon.

Umupo ako sa tabi ni Hera, sa kanan ko ay si Porsche. Nakapalibot kami sa baga ng apoy. Madilim na at malamig na ang simoy ng hangin kaya nagdala halos lahat ang girls ng balabal. Ang mga lalaki naman ay naka-tshirt na hindi katulad kanina na mga topless.

Hidden Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon