Chapter 7

157 11 0
                                    

Chapter 7 - Panaginip

Hinubad ko ang sweatshirt ko at ipinampaypay. Hanggang ngayon hindi pa bumabalik ang dalawang bata na kalaro lang namin kanina. Malamang mamaya pa kami makakaalis dito 'pag mag-aayos na ng gamit pang hardin si Manong Bert.

Wala akong dalang phone, kung dala ko man hindi ko rin naman magagamit dahil walang load iyon. Hindi rin dala ni Apollo ang phone niya kaya wala kaming ibang choice kundi ang maghintay.

Pinasadahan ko ng tingin ang maliit na kubo o kwarto. Hindi naman madumi, marami nga lang nagkalat na gamit at mukhang puro gawa sa kahoy ang mga kasangkapan sa loob. Parang mga luma na. Dito siguro ang storage room.

Hinilig ko ang likod ko sa dingding. Ipinikit ang mata.

"May multo dito."

Napamulat ako nang marinig ang baritong boses ni Apollo.

Nilingon ko siya, seryoso siyang nakatingin sa kawalan.

Seryoso? May multo dito? Eh sa mansyon nila meron din ba? Kaya pala!

Umusog ako palapit sa tabi niya, may isang dipa na pagitan.

Takot ako sa multo. Sino bang hindi? Sa tuwing pinapakita sila sa TV ay kinikilabutan ako!

Nilingon niya ako, nakangisi.

"Joke." Ngisi niya sabay baling ulit sa kawalan.

Naningkit ang mata ko. Minsan na nga lang mag-joke hindi pa nakakatawa.

Umusog ulit ako, palayo. Pero mabilis niyang hinawakan ang braso ko. Napa-awang ang bibig ko sa kanyang ginawa. Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pagdaing.

Ang sakit. Nakapitan niya 'yung pasa ko!

Binalingan ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko bago siya tinignan.

Nakanguso siyang sinusuri ako, naniningkit ang mata. Nag-iwas ako ng tingin.

"Nagkita na ba tayo dati?"

Pinagtaasan ko siya ng kilay. Huh? Anong ibig sabihin niya sa "Dati"?

Nagkita na kami noon? Sa tingin ko ay hindi. Pamilyar siya pero sigurado akong ngayon ko lang siya nakilala.

Umiling ako. Hindi niya parin binibitawan ang braso ko. Pakiramdam ko parang hindi na maipinta ang mukha ko.

"Dito ka lang. Tell me anything. Kwentuhan mo ako." Halukipkip niya sabay ayos ng upo at sa wakas binitawan na ang braso ko.

Pasimple kong hinilot iyon. Ano namang ikikwento ko? Ang boring kong buhay? Baka antukin lang siya kapag kinwento ko.

"But.."

Napatingin ako sa kanya. Bumaba ang tingin niya sa braso ko kaya agad ko iyong iniwas sa tingin niya.

"..you need to tell me first, bakit may pasa ka?" turo niya sa braso ko.

Napaawang ang labi ko.
Akala ko hindi niya napansin. Sana pala hindi ko na lang tinanggal yung sweatshirt ko.

Kinagat ko ang ibabang labi ko.

"Ah.. wala lang ito." ngiting hilaw ko sa kanya.

Humarap siya sakin, ipinapakitang handa siyang makinig sa anumang sasabihin ko.

"Ah sir.."

"Apollo."

Ngumuso ako.

"Last warning, maid."

Kinagat ko ang labi ko bago nag-angat ng tingin sa kanya.
Tinitigan niya ako. Desididong makinig.

"Pinagbuhatan ako ng kamay ng tatay ko,"
Hindi siya umimik kaya nagpatuloy ako.

Hidden Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon