Chapter 21

166 10 0
                                    

Chapter 21 - You Like Him?

Sa mga sumunod na araw ay naging abala ako sa trabaho. Hindi na ako madalas nakaka-uwi ng bahay dahil madalas ay nakakatulog na ako sa mansyon sa sobrang pagod. Hindi naman alintana ni nanay ang hindi ko pag-uwi dahil hindi naman ako pumapalya sa pagpapadala.

Sumasama pa rin ako kina Cain sa mga resto kapag may tugtog. Pero madalas ay silang apat lang. Sila naman talaga ang orihinal na Fiber Castell. At hindi naman talaga ako kabilang doon. Kung tutuusin ay kayang-kaya nila na silang apat lang.

Sa mga sumunod na araw na iyon ay palagi nalang akong nanaginip. Panaginip na hindi ko makuha kung bakit gabi-gabi ko nalang napapaginipan. Nagigising nalang ako kinabukasan na hindi na masyadong naalala kahit pilitin kong alalahanin.

Nung isang beses ay hinanap ko ang papel na pinaguhitan ko ng mukha ng imahe sa aking panaginip. Sinikap kong ituloy iyun pero hindi ko talaga malinaw na maalala ang itsura ng tauhan sa panaginip ko. Tanging mga malalabong imahe lamang ang naaalala ko sa tuwing tinatandaan ko.

Pero ang tanging malinaw lang sa akin ay ang pangalang Coops at Summer na palaging nababanggit. Sino ba sila? Bakit wala akong natatandaan na may alam akong ganoong pangalan na kakilala ko? Parte ba sila ng buhay ko?

Kapag pinipilit kong alalahanin ay sumasakit lang ang ulo ko. Dagdagan pa ng hindi ko maintindihang kinikilos ni Apollo. Napaka-moody niya na parang babae na may dalaw. Pero kahit madalas sinusungitan niya ako, mas gusto ko pa din laging nakadikit sa kanya. Simula nung araw na napaaway sila sa bar dahil sa akin parang nag-iba 'yung tingin ko sa kanya. Kita ko sa mga mata niya nung gabing iyon na may pakialam siya sa akin. Ramdam ko sa init ng yakap niya nung mga oras na iyon ang malasakit niya sa akin. Kaya siguro ngayon, kahit anong pagsusungit niya ay hindi ko siya maiwanan. Parang mas lalong lumalalim ang pagkagusto ko sa kanya.

Nandito kami ngayon sa rehearsal room nila Apollo. Tulog na sila Zeus kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na makipag-kwentuhan sa kanila.

"Pst! Sasa!" napabaling ako kay Cain nang sitsitan niya ako.

Tinaas ko ang kilay ko. Sumenyas siya na lumapit kaya sinunod ko ang gusto niya. Nang makalapit ako ay agad niya akong inakbayan at pinaupo sa tabi nila Chant. Sabay sabay silang lumingon sa tahimik na si Apollo na abala sa pagla-laptop. Nangunot ang noo ko at hindi na napigilang magtanong.

"Bakit ba?" bulong ko. Mukha atang may sikreto itong mga ito na ayaw ipaalam kay Apollo eh.

Kumindat sa akin si Porsche na parang may ipinapahayag na kung ano bago ibinalik ang tingin sa phone niya. Paniguradong babae na naman ang katext nito.

"Birthday na ni Apollo bukas.." mahinang sabi ni Chant.

Nabigla ako.

Talaga? Parang wala namang nababanggit si Apollo? Pati mga katulong parang walang nababanggit?

"Hindi talaga siya nagse-celebrate simula nung..." putol ni Cain sabay sulyap kay Apollo na ganun parin ang pwesto.

"..simula nung nawala si Summer." patuloy niya. Napatango tango ako.

Bakit naman? Ganun ba talaga kaimportante sa kanya si Summer para hindi niya ipagdiwang ang araw ng kapanganakan niya?

Ngumuso ako. "Bakit? Wala naman kay Summer yung cake niya ah?" pagbibiro ko.

Napahalakhak sina Cain at Porsche kaya binatukan sila ni Chant. Napatingin tuloy si Apollo sa banda namin.

"Hindi yun! Ikaw talaga. Ayaw na niyang mag-celebrate kasi.." putol ni Cain.

"Kasi?" tanong ko.

"Kasi.. yung hiling niya na lagi niyang wini-wish sa tuwing birthday niya hindi natupad kaya simula noon ayaw na niyang magcelebrate.." anito.

Hidden Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon