Chapter 40

119 7 0
                                    

Chapter 40 - What Are You Pleading At?

Pilit kong imulat ang mga mata ko pero hindi ko magawa. Para akong masisilaw sa tuwing magmumulat ako.

"Is he coming?" rinig kong sabi ni Chant.

"Dunno. He's not answering his calls." inis na sabi ni Cain.

"He's coming," Ani Porsche.

"How sure, bro!" ngisi ni Chant. "He texted you?"

Narinig ko ang pagpapalitan nila ng mura. Hinilot ko ang aking sentido. Para akong masusuka na hindi ko maintindihan.

Pinilit kong tumayo. Nakita ko ang pagbaling nila Chant sa direksyon ko.

"Sasa! I said just sit there!" singhal ni Chant.

Ngumisi ako.

"I need to pee, baby..."

"Oh no. She's really drunk." tawa ni Porsche.

"Definitely."

Sinamahan nila akong apat papunta sa may restroom. Napapangisi na lang ako dahil para ko silang mga body guard. Nakita ko silang busy sa phone bago ako pumasok ng CR.

Hindi naman talaga ako naiihi. Gusto ko lang maghilamos para maibsan ang pagkalasing ko. Pero kahit ihilamos ko na ata lahat ng tubig eh hindi parin ako nahihimasmasan.

Inayos ko ang strap ng black dress ko bago lumabas. Napahawak ako sa dingding nang bigla akong mahilo.

The boys are busy with their phones, so I got that opportunity to sneak out.

"Hey.."

Tinignan ko ang lalaking lumapit sa akin. He's fine.

"Hi." Bati ko pabalik.

"You're alone?" ngisi niya sabay lapit sa akin. Napahawak ako sa kanyang braso nang mawalan ako ng balanse.

Sasagot na sana ako nang maunahan ako ng isang may baritong boses.

"No, she's not. She's with me."

Halatang nagulat ang lalaki ng tumingin siya sa may likuran ko.

"Oh, sorry dude. I just thought.." napakamot sa batok ang lalaki bago tumalikod.

Napa-irap ako. Ngayon wala na ang dingding ko. Wala na akong mapagsasandalan!

Tiningala ko ang lalaki. Napangisi ako. Why is he here?

"Let's go home." Malamig niyang wika bago hinigit ang palapulsuhan ko.

"No!" I grabbed my wrist back.

Tinignan niya ako ng masama. Sa unang pagkakataon nasilayan ko ng may emosyon ang kanyang mga mata. I missed those emotions that playing in his gooddamn eyes.

"No way. Hindi ako sasama sayo!"

Bakit nga ba siya nandito? Bakit pa siya nandito?

Nagtiim-bagang siya.

"Don't be so stubborn, err.." hindi niya itinuloy ang sinasabi niya. Girl? Yun na ang tawag niya sa akin diba? Hindi na niya ako matawag sa pangalan ko diba? Damn him!

Tinignan ko siya ng masama bago naglakad palabas, nilagpasan ko siya.

Pero bago pa ako maka-dalawang hakbang ay hinigit na naman niya ako. This time mas mahigpit na ang kapit niya.

Hinigit ko pabalik ang palapulsuhan ko pero hindi niya na ako hinayaan na makawala.

"Let go, Apollo!" inis kong singhal. Bakit ba hindi niya na lang ako hayaan?! Bakit kailangan lagi siyang nanggugulo?! Masaya na siya diba?! Pwes ako hindi pa kaya wag na wag niya akong pipigilan na magsaya!

Hidden Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon