Chapter 35

126 9 0
                                    

Chapter 35 - Break Up

Sa mga sumunod na araw ay hindi ko magawang humiwalay kay Apollo. Parang uhaw na uhaw ako sa atensyon niya. Parang gustong-gusto ko siya laging kasama.

"Say, pee!" sigaw ni Cain. Ginawa namin lahat ang sinabi niya at agad naman niyang ni-click ang hawak niyang camera.

Malapit ng matapos ang mga gigs nila. Kaya makakapagpahinga na din sila ng mahaba-haba.

"Sasa, can you fix my tie, please?"

Napalingon ako kay Porsche na nakangiting nakatingin sa akin habang hawak ang tie na nakakalas pa. Lumapit ako sa kanya at agad namang ko naman itong inayos.

Tiningala ko siya ng makita ko ang pag-ngiting-aso niya.

Humilig siya sa tainga ko.

"Sarap niyang asarin!" halakhak niya. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya pero pinagkibit-balikat ko iyon.

"Sasa, can you fix mine, too?" hinagod ko ang tie ni Porsche bago nilingon ang bahagyang nakangusong si Cain. Napatawa na lang ako dahil para siyang bata na nagpapaayos ng sintas sa kanyang ina.

Agad naman akong lumapit sa kanya. Habang inaayos ko ang tie niya ay kitang-kita ko ang pagpapalitan ng tingin ni Porsche, Cain at Chant ng mga makahulugang titig. Anong meron? Mga baliw talaga 'tong mga ito!

Nang matapos ay babalik na sana ako sa sofa sa tabi ni Apollo nang marinig ko ang pagtawag ni Chant sa akin.

"Sasa! Can you style my hair?" ngiti niya.

Tinignan ko si Apollo nang marinig ko ang mahina niyang mga bulong.

"Kaya mo na 'yan, malaki ka na!" aniya, pabulong.

Ngumisi ako. Lumapit ako kay Chant at inayos ang buhok niya. Binalingan ko si Chant na nakatingin sa akin mula sa salamin.

"Aborido na."

Napangiti ako. "Kayo kasi.." tawa ko.

"We're just teasing him. Para kasing ayaw kang ipahiram sa amin." ngisi niya.

"Matagal pa ba 'yan?" rinig kong iritadong sabi ni Apollo mula sa sofa.

"Fuck you, bruh!" ani Cain kay Apollo.

"Love sick, puppy!" ani naman ni Porsche.

Nakita ko ang pagkairita ni Apollo. Napatawa ako ng hinagisan ni Apollo ng throw pillow ang dalawa at lumanding sa ulo ni Cain at tumama sa iniinom na coke in can ni Porsche.

"Holy crap!" sigaw ni Porsche ng muntik na siyang matapunan ng coke.

"Serves you right." halakhak ni Apollo.

Nang matapos ako sa wakas ay umupo na ako sa may tabi ni Apollo. Nilingon ko siya pero nanatali ang tingin niya sa binabasang magazine. Lumapit ako sa kanya na halos magkadikit na ang balikat namin at nakisilip sa binabasa niya.

Girls. FHM ata ito.

"Go away.." aniya. Nilingon ko siya. Dahilan para matakpan ko ang paningin niya sa magazine na binabasa.

Ngumiti ako ng malawak at kinurot ko ang ilong niya.

"Ikaw naman! Inayusan ko lang naman sila."

Ngumuso siya. "They're trying to annoy me and they won!" iritadong sabi niya.

Ngumisi ako at hinalikan ang pisngi niya.

"Ikaw naman.. ayusin natin 'yang kilay mo, nagkasalubong na." Biro ko at hinagod ang kilay niya.

Hidden Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon