Chapter 43

122 9 0
                                    

Chapter 43 - My Apollo

Habang papasok ako sa bahay-kubo ay abot-abot na ang kaba ko. Nung huli kaming napag-isa ay may nangyari. Para akong highschool na kinakabahan sa isang oral recitation.

Mag-uusap lang kayo, Sasa! Magu-usap lang...

Ramdam ko ang pagsunod ni Apollo sa likod ko. Ramdam na ramdam ko din ang mga titig niya sa likod ko.

Nang makapasok na kami sa loob ay nilingon ko na siya. Sinarado niya ang pinto bago ako hinarap. Ang mabibigat niyang tingin ay nakatuon sa akin. Napalunok siya. Sinundan ko ng tingin ang pagbaba ng adams apple niya.

Humakbang siya at sinara ang distansya sa pagitan naming dalawa. Napakagat ako sa aking ibabang labi. Pakiramdam ko ay nagpapawis ako ng butil-butil.

"Sasa..."

Halos mapapikit ako sa pagtawag niya.

Isang simpleng pagtawag na nagpapabalik sa akin sa lahat. Noong mga panahon na kami pa.. noong mga panahon na ako pa... noong mga panahon na ako ang mahal niya.

"Anong pag-uusapan natin?" matapang kong sabi bago nag-angat ng tingin. Namungay ang kanyang mga mata. Nag-iwas ako ng tingin dahil para akong napapaso sa kanyang tingin.

Tumalikod ako para sana buksan ang bintana pero napahinto ako nang maramdaman ang mainit niyang bisig sa bewang ko.

Para akong nakalimot na huminga nang dumapo ang maiinit niyang palad sa tiyan ko. Napakagat ako sa aking ibabang labi. Shit!

"Sasa..." naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking tainga. Ang malapad niyang dibdib ay nararamdam ko na sa aking likod. Hindi ko na mapakalma ang aking puso.

"I'm sorry... I'm sorry, baby..." paos na bulong niya.

Ang kanyang labi ay bumaba na sa aking leeg. Napamulat ako at bahagyang lumayo sa kanya pero hindi niya ako hinayaan. Mas lalo niyang hinapit ang bewang ko sa kanya.

"Can I ask you something?" bulong niya sa tainga ko. Napatulala ako, hinihintay na dugtungan niya.

Ramdam ko ang pag-aalinlangan niya dahil sa pananahimik niya.

Ano ba ang itatanong niya? Bakit parang nagdadalawang-isip pa siya?

Huminga siya sa aking tainga, para siyang sumuko.

"If you were blind what is the first thing you want to see if ever you'll get the chance to see things in the future?"

Nangunot ang noo ko. Parang may kung anong imahe o pangyayari akong nabuo sa aking utak. Parang may kung anong dumaan ng mabilis sa aking isipan na hindi ko mahinuha.

Kung bulag ako ngayon at mabibigyan ako ng pagkakataon na makakita bukas o pagdating ng panahon ang gusto kong unang makita ay...

"Sunset." bulong ko.

Naramdaman ko ang pagka-estatwa niya.

"Why.." nanghihina niyang tanong.

Hinarap ko na siya. Nagpaubaya naman siya, parang hinang-hina. Inobserbahan ko ang mukha niya. Naningkit ang mga mata ko nang makita siyang pagod at tuliro.

"I don't know. May mga panaginip kasi ako na may dalawang bata na laging nagpupunta sa tabing dagat para lang manood ng papalubog na araw.. kahit panaginip lang iyon maski ako ay gandang-ganda.. manghang-mangha."

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Tinignan ko kung ano ang magiging reaksyon niya.

Ang kanyang mga mata ay masasalaminan ng pagtataka. Tinuloy ko ang pagke-kwento.

Hidden Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon