Chapter 22

165 11 0
                                    

Chapter 22 - Birthday

Maaga kong nadatnan sina Porsche, Cain at Chant sa sala. Tahimik lang si Apollo sa tabi nila habang nanonood ng HBO channel.

Wala talagang balak mag-celebrate ang isang ito. Parang ordinaryong araw lang ito sa kanya.

Nang makahanap ng tsempo ay iniwan nila si Apollo sa sala at nag-usap kami tungkol sa gagawin namin.

Bandang gabi gaganapin ang birthday party. 7pm. Nagpaalam si Apollo na pupunta siyang bahay ng kaibigan dahil may kukunin siyang kung ano doon. Magtatagal daw siya hanggang tanghali.

Nang wala siya ay tsaka kami nag-asikaso ng dapat ihanda. Mga bandang pasado alas dos na ng naka-uwi ito sa bahay.

Agad naming tinago ang mga nakakalat na decors dahil baka makahalata siya.

Talagang ini-sched siya nila Chant mamaya ng alas kwarto sa gym para maka-alis siya sa mansyon at makapag-handa ulit kami.

Maya-maya rin ay umalis na ito.

Maya't-maya kong binabalingan sila Athena na nilalaro ang mga decors para sa birthday ni Apollo.

Kinontsaba namin ang ilang katulong para sa paghahanda. Nung una ay ayaw nilang pumayag dahil hindi naman daw nagse-celebrate ang sir nila at baka mapagalitan lang sila pero agad nama namin silang nakumbinsi ng sabihin naming kami ang bahala sa kanila.

Abala ako sa pagluluto ng paborito daw na putahe ni Apollo sabi ni Manang, laing.

Nagulat pa nga ako nang sinabi iyon ni manang kasi pareho kami ng paborito. Kaya pala nung nagpadala ako kay Hera ng laing ay madaling naubos. Akala ko pa noon ako lang ang nakaubos 'yun pala ay nilantakan din niya.

Marunong naman ako magluto. Laging wala sila nanay sa bahay at hindi na nakakapagluto kaya madalas ay ako ang gumagawa. Si Hera talaga ang nagturo sa akin magluto ng laing. Nung nagustuhan ko kasi ang luto niya, sinikap kong pag-aralan kung paano para kapag hindi siya makakapag-luto ay kaya kong lutuin kahit papaano.

Abala sina Porsche at Cain sa decorations sa hardin. Napapahalakhak pa ako sa tuwing bumabaling ako sa kanila at nadadatnan na nagbabatukan dahil sa mali ang lagay o paling ang pagkakakabit.

Si Chant ay hindi na mabitawan ang phone. Madalas kasing tumunog. Sabi niya kanina ay siya ang tatawag sa mga kaibigan nila para imbitahan.

"Ya, where's kuya?"

Binalingon ko si Athena na biglang sumulpot sa gilid ko na hinihila ang hem ng tshirt ko.

Ngumiti ako sa kanya. "Nasa labas, baby. Isu-surprise natin siya mamaya."

"Surpries? Really?" maligaya niyang sabi.

Tumango-tango ako at sinilip ang niluluto. Tinalikuran niya ako at tumakbo papuntang sala kung nasaan si Chant.

Sa malawak na hardin nila naisipan ganapin ang birthday party. Para maluwag at hindi mahirapan ang mga katulong na maglinis.

Nang matapos akong magluto ng laing ay tumulong ako kila manang sa paghahanda ng fingerfoods. Yung laing na niluto ko ay para sa amin lang iyon, kina Cain at kay Apollo. Mga kaibigan lang naman nila ang bisita at tiyak na inuman lang ang magaganap.

Mga bandang quarter to 7PM ay maayos na ang lahat. May mga dumadating na din na bisita na halos puro kaedad namin. Halos kaibigan nila at nakakakilala sa banda nila.

Nakuha pang pumunta ni Porsche at Cain sa supermarket para dagdagan ang mga inumin. Ang dami na nga. Hindi na sila nakuntento!

Inilabas na ni manang ang fingerfoods at iilang kutkutin. Pinatulog ko muna sila Zeus sa kwarto nila. Maaga silang nagising kaninang umaga kaya hindi naman sila nahirapan matulog.

Hidden Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon