Chapter 42

123 8 0
                                    

Chapter 42 - Let's Talk

Hindi ako makatulog ng gabing iyon. Ano kayang pinag-usapan nila? Ano kayang mangyayari kapag hindi ako umalis doon?

Tinignan ko ang wall clock na nakasabit sa dingding, mag-aalas dos na pero heto't mulat parin ako. Bumangon ako at nagtungo sa kusina. Wala ng kahit anong ingay na maririnig. Umupo ako sa may high chair at tumulala.

May pagkakataon pa kaya akong makita ang tunay kong mga magulang? May paraan pa ba para maging masaya ako ulit? May kung ano ba akong koneksyon o dapat malaman kaya napapaginipan ko sila Summer at Apollo noon pa man?

Ilan lang iyan sa mga tanong na gumugulo sa isipan ko. Ang mga sagot ay hindi ko alam kung dadating pa.

"Hello nay.. naririnig mo ba ako?"

Napalingon ako kung saan banda ang pabulong na boses. Nangunot ang noo ko dahil pamilyar ang boses nito.

"Wait nay, hanap akong signal.. ayan nay.. okay na ba?"

Summer?

Sinilip ko siya sa may labas, sa may halamanan. Si Nanay? Bakit tinatawagan niya si nanay ng ganitong dis-oras ng gabi?

"Nay, may maganda akong balita!" maligaya ang kanyang tono.

Napakunot naman ang noo ko. Magandang balita?

"Oo nay! Syempre... opo... pumayag!" pinakikinggan niya ang sinasabi ni nanay sa kabilang linya.

"Niyaya niya akong magpakasal!" ngisi niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Kasal.. kasal? Si.. sino? Niyaya siya? Hindi kaya..

"Sabi ko naman sa inyo nay madali lang bilugin ang utak 'non! Opo... si Sum—eh si Sasa? Martyr talaga ang babaeng 'yun, nay. Po? Ah... Malaki talaga ang pakinabang sa kanya. Opo.. Huh?" humalakhak siya.

Nanlamig ako. Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig sa sinabi niya. Napawi lahat ng mga magagandang katangian ni Summer sa isang iglap.

Anong sinabi niya? 

"Madali lang naman silang paniwalain... Naman! Hindi naman po ako nahahalata.."

Napa-awang lalo ang labi ko.
Nag-aalab na ang inis sa puso ko pero pinilit kong makinig pa.

Pinagkakaisahan nila ako! Pero... si nanay? Pati si nanay?! Niloloko nila ako!

Kinuyom ko ang kamao ko.

"Nay, baka makahalata na 'tong si Cooper pero hindi naman po sila naghihinala... Ano po? Ah... Pinakita ko lang 'yung mga sketch ni Summer noon naniwala naman kaya ayos na.. Nay, ano nang gagawin ko?" kinagat niya ang labi niya.

Tumulo ang luha ko. Parang may kung ano na bumara sa daluyan ko ng hangin. Ang sikip-sikip ng puso ko.

Anong... anong sina—sinasabi niya? Sketch? Tangina!

"Bukas na po ang uwi namin... Oo naman nay! Sabi ko naman sa inyo ako ang bahala." Pinakinggan niya pa si nanay.

"Sige po." Sabi niya bago binaba.

Agad siyang nagpalinga-linga sa paligid na parang tinitignan kung may nakarinig sa kanya. Tangina! I heard all of your shits!

Agad akong umalis doon at pinakalma ang sarili sa kusina. Pinroseso ko lahat ng mga narinig ko. Bawat letra, bawat salita, bawat detalye ay ninamnam ko. Isinaulo ko lahat. Sa isang iglap nagbago lahat, sa isang tawag marami akong nalaman.

Niyaya siyang magpakasal ni Apollo.

Hindi totoong may sakit siya.

Hindi siya ang Summer ni Apollo.

Hidden Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon