Chapter 4

205 13 0
                                    

Chapter 4 - Welcome

Humarap ako kanila Zeus. Nakatingin lang sila sakin.

"Tara na! Palitan ko na kayo ng damit." pagmamadali ko sabay hawak ko sa kamay nilang dalawa. Kinarga ko si Athena at inakay ko naman si Zeus.

Sinikap kong hindi pansinin ang presensya ng lalaki. Nanatili siyang nakahilig sa doorframe. Naglakad ako patungo sa pintuan na kinahihiligan niya. Diretso lang ang tingin ko kahit ramdam na ramdam ko ang pagtitig niya sa akin. Napalunok ako.

"Excuse me.."

Agad naman siyang tumabi pero nakita kong marahan niyang hinaplos ang braso ni Zeus sabay luhod sa harap nito. Tinignan ko siya.

Halos mapasinghap ako nang maamoy ang bango niya sa aming harap. Jusko!

"How is your new yaya?" blankong tono niyang tanong kay Zeus.

Agad naman akong ginapangan ng kaba. Bakit niya iyon tinatanong gayong nandito lang ako!

Ngumuso si Zeus bago nagkamot. "Dunno."

Nag-angat ng tingin ang lalaki sakin. Ilang mura na siguro ang nabigkas ko sa aking isip dahil sa titig niya.

Agad kong binalingan si Athena at kunwari'y nilaro laro. Tumayo siya. Nanliit ako. Hindi ako maliit pero hanggang leeg niya lang ako.

"Tara na," maagap kong ani at umalis na.

Bahagya kong nilingon ang lalaki. Halos mabitawan ko sa aking bisig si Athena nang makita siyang nakatanaw sa pag-alis namin. Agad akong nag-iwas ng tingin.

Bakit ba ganun siya makatingin?

Nang nakatulog na ang dalawa ay lumabas na ako ng kwarto nila. Humikab ako bago tinignan ang relo sa akin palapulsuhan. Sobrang late na pala.

Bumaba ako sa kusina para uminom ng tubig. Inayos ko ang maluwag kong puting tshirt at ang short shorts kong itim. Nag-unat ako. Sobrang nakakapagod na mag-hapon!

Paakyat na ulit ako sa kwarto ko na itinalaga sakin dala-dala ang malamig na tubig nang may narinig akong kaluskos na nanggagaling kung saan. Ano yun?

Inayos ko ang kama ko. Narinig ko naman ang kaluskos kanina, ngayon ay mas malakas na.

Nagpalinga-linga na ako. Parang nangyari na ito ah!

Nakarinig ako ng pagdaing sa 'di kalayuan. Lumapit ako sa malaking bintana at bumungad sa akin ang lasing na si... Sir Apollo!

Nataranta ako.

Ang v neck grey shirt niya ay gusot-gusot na. Ang leather jacket niya ay nakasampay na sa balikat niya habang ang black jeans niya ay medyo nakababa na. Tinignan ko ang tinutuntungan niya na kapirasong kungkreto lang!

Nanlaki ang mata ko.

Mahuhulog siya sa isang maling hakbang lang! Inakay ko siya papasok sa malaking bintana pero nahirapan ako sa bigat niya.

"Sir.." hila ko sa grey shirt niya.

Napatingin ako sa kanya nang dumaing ulit siya pero halos mabitawan ko ito nang makitang nakatingin siya sa labi ko.

Agad ko naman siyang hinila pabalik nang mapagtanto na malalaglag siya.

"Shh.."

Tinigan ko lang siya.

"Manang might gonna hear us..and see me.. drunk.." malambing niyang saad.

Ngumiwi ako. Isang malakas na hila ang ginawa ko nang sa wakas ay makapasok na siya.

Hidden Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon