Chapter 30

160 8 0
                                    

Chapter 30 - Tayo Na

Panay ang kantsaw nila kay Apollo, kesyo daw "natamaan" na ulit siya sa wakas.

Napapailing nalang ako. Palibhasa wala atang lovelife itong mga ito kaya ganyan ang inaasta nila. Hindi ko pa sila kailanman nakikitaan na may kasamang babae. Well, meron naman. Madalas nga eh. Kaya lang ay alam ko mga ka-flings lang nila iyon. Wala naman ipinapakilala sila na kaibigan man lang o nililigawan. Hindi ko lang alam itong si Chant dahil madalas ay may katawagan.

"Mister loverboy!" halakhak ni Cain.

"Fuck you!" ani Apollo.

"Oh, tama na! Practice na!" saway ni Chant.

Inayos niya ang kanyang buhok na bahagyang nagulo ng akbayan siya ni Porsche.

Chinito si Chant. Hindi maipagkakaila iyon dahil ang kanyang mga mata ang una mong mapapansin. Kung dati ay medyo payat ang pangangatawan niya ay ngayon nagkalaman na. Nagkaroon pa nga ng magandang hubog. Halatang naggy-gym dahil gumaganda ang katawan. Pumapantay na nga siya sa kakisigan ng tatlo. He's handsome. Kaya lang...

"Sasa, juice?" napabaling ako kay Apollo. Binalingan niya ng tingin ang kaninang tinitignan ko. Nangunot ang noo niya ng mamataan na si Chant ang tinitignan ko.

Nginitian ko lang siya at inilingan. Hindi naman ako nauuhaw.

Pinanood ko ulit sina Cain, Chant at Porsche na abala sa pag-aayos ng instrumento. Bahagya akong napatalon ng maramdaman ang pag-upo ni Apollo sa tabi ko. Ang kanyang braso ay inilagay niya sa sandalan ng sofa— sa may likuran ko.

"Sinong tinitignan mo?" seryosong tanong niya.

Agad naman akong napalingon sa kanya.

Naningkit ang mga mata ko.

"Wala.. sila Cain, bakit?"

Ngumuso siya at hinilig ang ulo sa sandalan.

"Si Chant?"

Tinitigan ko siya. May nahimigan na kung ano. Bakit? Ano naman kung si Chant?

"Hmm.." ngumiti ako. May kung anong sumilay sa aking puso.

"Practice ka na. Dali! Papanoorin kita." ngiti ko ng malapad sa kanya.

Sinuklay niya ang buhok niya gamit ang kanyang daliri at aburidong pumunta sa harap. Napangisi lang ako.

Problema niya? Parang tinitignan lang si Chant eh! Wag mong sabihing..

Susulyap man ako sa ibang lalaki, siya lang naman ang lalaking hindi ko pagsasawaang tititigan. Kaya wala dapat siyang ipag-alala. At isa pa ay parang mga kapatid ko na ang tatlo!

Umayos na sila at pumwesto. Si Apollo ang lead vocalist. Habang si Cain ay sa bass. Si Porsche sa guitar at si Chant sa drums. Ang alam ko ay lahat sila marunong mag-gitara 'yun nga lang ay mas bihasa si Porsche pagdating doon.

"Ready?" tanong ni Chant kay Apollo.

Nanatili ang titig sa akin ni Apollo. Tumango siya ng hindi man lang nilingon si Chant.

Suplado!

Nginitian ko siya para maibsan ang kaba ko sa titig niya.

Sa sobrang seryoso ng tingin niya ay hindi ko magawang maging kampante sa kinauupuan ko. May kung ano talaga sa mga mata niya na hindi ko matagalan. Parang sa tuwing titingin ako ay hindi na ako makakawala. Parang sa oras na tumiitig ako ay hindi na ako makakaiwas pa.

"If you're not the one

Then why does my soul feel glad today..

If you're not the one

Hidden Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon