Chapter 16

171 10 14
                                    

Chapter 16 - Try Me, Then

"Nasaan na ba 'yung mga kasama niyo, Porsche?" iritadong tanong ni Chant kina Cain at Porsche.

Ang usapan ay alas kwatro ng umaga ang alis para maaga makarating. Pero, maga-alas singko na ay wala parin ang mga kaibigan na isasama ng dalawa. Buti nalang at nandito na si Hera. Kung hindi ay masesermunan ko talaga siya! Tinext ko sa kanya ang oras ng alis at mga kailangan niyang dalhin. Sabi ko na wag na siyang mamroblema sa kakainin at gastos dahil sagot na nila. Natuwa naman siya dahil libre. Si Hera talaga!

"Girl, ang gwapo niya magalit. Hala!" bulong ni Hera sa akin. Humagikhik kaming dalawa. Baliw!

Halatang iritado na si Apollo at Chant dahil parehas silang nakabusangot na ang mukha. Naiintindihan ko sila. Maaga kaming nagising tapos paghihintayin kami?

"They're here!" sigaw ni Cain.

Nakahinga kami ng maluwang nang sabihin iyon ni Cain. Finally! Akala ko ay maglalatag na kami dito ng banig!

Pinasadahan ko ng tingin isa-isa ang mga paparating na kaibigan nina Cain at Porsche. Sa bilang ko ay anim sila.

Tatlong babae at tatlong mga lalaki. Nilingon ko ang babaeng humalik sa pisngi ni Porsche. Balingkitan ang pangangatawan at rebonded ang buhok. Kasunod naman niya ang babaeng maganda ang hubog ng katawan. Maliit na bewang na kitang kita sa see-through niya na suot, maputi at makinis ang balat. Ang panghuling babae ang masasabi kong takaw-pansin. Mahaba ang bagsak niyang buhok, mapula ang manipis niyang labi pero.. iba ang aura niya. Mukhang mataray! Hindi niya man lang ako nginitian ng ngitian ko siya!

Ang tatlong kasama nila na lalaki ay halos magkakamukha. Ganoon ba talaga 'pag magkakaibigan?

Maganda ang hubog ng katawan, perpektong anggulo ng panga. Mapangakit na kurba ng mga labi. Nagkakaiba sila sa mga buhok. Ang isa ay clean cut, may messy at ang isa ay parang pang-anime.

Dinala ni Cain ang sasakyan nilang twelve seaters. Upuan ng driver, dalawang upuan sa harap. At anim sa likod, may upuan pa sa bandang mga pagkain. Doon pumwesto sila Cain at Porsche kasama ang isang lalaki. Si Apollo, ako, at isang babaeng mukhang mataray ay nasa pangalawang 3 seaters. Si Apollo ang nasa gitna. Ayaw pa nga niya nung una pero wala siyang magagawa. Gusto ko sa tapat ng bintana, ganun din ang babaeng katabi namin. Hindi ko nakatabi si Hera dahil doon siya pumwesto sa harap. Kakilala niya ata ang isang kaibigan ni Cain kaya doon siya tumabi. Matagal niya na daw kasi itong hindi nakikita at nakakausap kaya gusto niya maka-kwentuhan sa byahe. Agad naman akong pumayag.

"Okay! Let's do this!" sigaw ni Cain. Napahiyaw sila sa sobrang excitement.

Napuno ng halakhakan ang byahe. Maingay ang mga lalaki sa likod dahil sa kwentuhan. Paminsan minsa'y nagmumurahan. Humupa lang ang ingay nang tinamaan na ng pagod. Mahaba ang byahe dahil sa layo ng distansya. Samahan pa ng matinding traffic. Buti na lang at marunong lahat magmaneho, nagsasalitan sila kapag pagod na ang isa.

Nilingon ko ang naka-shades at naka-earphones na si Apollo. Nakahilig siya sa headrest. Mukhang tulog. Pinasadahan ko ng tingin ang mga kasama ko. Ang iba ay tulog na, ang iba naman ay tahimik na nakatanaw sa labas.

Humilig ako sa bintana. Umuulan sa labas. Doon kaya sa pupuntahan namin? Maulan din kaya? Sana naman hindi! Gusto ko sanang magbilad sa araw!

Hinaplos ko ang braso ko nang maramdaman ang pagtindig ng balahibo ko. Hindi nga pala ako nakapagdala ng jacket. Buti pa sila ay nakasuot, ako lang at ang wala.

Niyakap ko ang sarili ko para maibsan ang lamig na nararamdaman.

Maya-maya'y nagulat ako ng maramdaman na may brasong nakapulupot sa bewang ko. Nilingon ko si Apollo na ganun parin ang ayos pero ang braso niya ay nasa bewang ko na. Tinitigan ko siya at ang braso niyang nakapulupot sa bewang ko.

Hidden Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon