Chapter 34

136 8 0
                                    

Chapter 34 - Drawings

Bumalik kami sa dati. Pero minsanan na lang kami magkita dahil sa sunod-sunod na mga gigs nila. Madalas na silang kuhanin para tumugtog dahil na rin sa nakikilala na sila ng mga tao.

Nagte-text siya palagi, tumatawag tuwing gabi. Masarap sa pakiramdam dahil kahit pagod at puyat na siya dahil sa mga gigs nila ay hindi niya pa rin ako nakakalimutang itext o tawagan.

Isang beses nga dinig na dinig na ang antok niyang tono pero hindi pa rin niya ibinababa.

"Ibaba mo na!" kinagat ko ang ibabang labi ko.

Kumuha ako ng unan at niyakap ito.

Humalakhak siya, "I won't. And I don't want."

"Goodnight!" sabi ko at nagtonong inaantok para ibaba na niya.

Sandaling katahimikan ang nangibabaw hanggang sa nagsalita siya, "I miss you, Sasa.."

Napapikit ako sa lambing ng boses niya. Gusto ko sanang sabihin na I miss you, too pero ewan ko ba kung bakit pero hindi ko sinabi.

"Goodnight, Apollo."

Sa mga sumunod na araw ay mas sinuri ko sila nanay. Sa bahay na ako umuuwi pagkatapos kong alagaan sina Althea at Zeus. Hindi na ako sa mansyon nanunuluyan para na rin mas makasama ko sila nanay.

Sa tanang buhay ko ay naging malayo sila sa akin—mailap. Ni-ayaw nila akong kausapin ng masinsinan. Parang may tinatago. Parang laging may ayaw akong malaman. Madalas kasi kapag tinatanong ko sila sa nakaraan ay kaunti at pili lang ang kanilang sinasabi o ikinikwento.

Isang beses ay pumasok ako sa kwarto ni Summer para maglinis ng minsan ay lumabas siya ng bahay para mag-aliw. Nakita ko sa drawer niya ang nagkalat niyang baby pictures, drawings, at sandamakmak na damit na hindi naman nagagamit. Mukha pang branded ang karamihan.

Inisa-isa ko iyong tignan. Bakit ako walang baby picture samantalang si Summer meron? Siguro nga dahil malaki na ako ng ampunin nila nanay kaya wala na akong mga baby picture.

Nasaan na kaya ang totoong mga magulang ko? Mahirap na raw malaman iyon sabi ni nanay dahil nakita lang naman daw ako ng mga taga-DSWD. Wala raw talagang pagkakakilanlan sa akin.

Hinawakan ko ang mga drawings na nakatago sa pinakang-ilalim ng drawer ni Summer. Tatlong sketchpad ang nakita ko. May mga oslo din na may drawings ng kung anu-ano. May mga tanawin, damit, at mga.. at mga mukha.. mga parte ng mukha.

Binuklat ko ang isang sketchpad. Punong-puno ito ng mga guhit ng gowns, suits, at iba pang damit.

Siya ang nag-drawing nito? Mahilig din pala siya gumuhit katulad ko? Ang galing niya naman! Ang gaganda ng mga gawa niya! Bakit hindi niya ata naki-kwento sa amin? Alam ba ito nila nanay?

May tinatago palang talento itong si Summer!

Sunod kong binuklat ang isang sketchpad na kulay purple na may disenyo ng butterfly.

Napangiti ako. Oo nga pala! Bakit ko ba laging nakakalimutan na si Summer na kapatid ko at si Summer na nasa panaginip ko ay iisa?

Ito pala 'yung sketchpad na niregalo ni Cooper kay Summer noong birthday niya. Sobrang ganda pala. Parang gusto kong iuwi. Favorite ko ang kulay pati na rin ang design. Idagdag pa ang mga glitters na nakapalibot sa matingkad na butterfly sa gitna.

Napailing-iling na lang ako. Pati ba naman ito, Sasa?

Naningkit ang mata ko sa bumungad sa akin sa pagbuklat ko sa unang pahina.

Sinuri ko itong maigi.

Isang guhit ng buhok. Ulo na walang mukha. Buhok lamang talaga. Parang nakita ko na ang ganitong ayos ng buhok.

Sino nga ba ang ganito ang ayos ng buhok?

Binuklat ko ang sunod na pahina. Bumungad naman sa akin ang isang guhit ng labi at ilong. Nakangiting labi at ang matangos na ilong...

Sino ito? Kakilala ni Summer?

Binuklat ko pa ang sunod na pahina. Ngayon ay isang guhit ng pares ng mata at kilay naman ang bumungad.

Isang malaabong pares ng mga mata at malalagong kilay. Naningkit lalo ang mga mata ko at sinuring mabuti ang nakaguhit.

Naningkit ang mata ko.

Binuklat ko pa ang sunod at panghuling may nakaguhit. Isang perpektong mukha ang nakita ko. Nakangiting batang lalaki ang nakita kong nakaguhit. Isang batang lalaki na nakangiting nakatanaw sa papalubog na araw. Isang batang lalaki na parang pamilyar sa akin.

Napapikit ako.

Nang muli kong imulat ang aking mga mata ay tinitigan kong maigi ang nakaguhit. Napabaling ako sa maliit na pangalan na nakasulat sa bandang gilid.

Coops.

Coops.

Coops.

Parang sirang plaka na umuulit sa isipan ko ang pangalan na nakasulat. Coops.

Isa lang ang alam kong may pangalan na ganoon. Isa lang ang alam kong tinawag ng ganoon ni Summer.

Si Cooper.

Si Apollo.

Si Apollo ang batang ito?

Napangiti ako. Kaya pala mukhang pamilyar! Kaya pala parang kilala ko.

Bakit naman niya iguguhit si Apollo?

Bakit naman hindi, Sasa?

Oo nga, bakit naman hindi?

Umiling-iling ako at inalis ang gumugulo sa isipan ko.

First love ni Apollo si Summer. Hindi rin malabong ganoon din si Summer sa kanya. Si Cooper.

Napatingin ako sa huling pahina na bahagyang nakayupi. Parang sadyang itinupi para madaling makita.

Binuklat ko ito.

Akala ko ay drawing ulit pero nagkamali ako. Isang letter ang nakita ko. Sulat ni Summer para kay Apollo. Para kay Coops.

Binasa ko ang nakasulat.

Coops,

Sorry. Sorry. Hindi na ako nakapagpaalam. Sorry ulit, Coops. Sana kapag natanggap mo ito ay nakakakita ka na. Kung hindi naman ay ipabasa mo nalang kay manang.. Nagmamadali na kasi sila mommy at galit na din si daddy. Hindi ko na nagawang dumaan dyan sa inyo. Di bale, babalik naman kami. Magkikita pa tayo. Makikita mo pa ako. Paalis na kami ngayon. Nadadaanan na namin ngayon ang park. Sana sa pagbalik ko, nakakakita ka na. Nakikita mo na ang paglubog ng araw. Sana maalala mo pa ako. Sana hinihintay mo pa rin ako. Babalik ako. Hintayin mo ako ha! Huwag kang titingin sa iba, kung hindi bubulagin kita! Ako lang ha. Sabi mo sakin ako lang. Promise mo yun!

Coops last na, babalik ako. Babalikan kita.

Love,

Summer.

Hindi ko alam pero para akong tangang nakatulala parin sa sulat kahit tapos ko nang basahin. Hindi ko din alam kung bakit bigla na lang tumulo ang luha ko. Sobra siguro akong na-touch. O 'di kaya may kung anong yumapos sa puso ko na kung anong pakiramdam?

Nangako pala siya kay Summer. Nangako pala siya sa kapatid ko. Bakit parang...

Huminga ako ng malalim at niligpit na ang mga tinignan ko at ibinalik sa dating lagayan. Sinikap kong ayusin mabuti para hindi mahalatang may gumalaw.

Lumabas ako sa kwarto ni Summer na may bumabagabag sa kalooban at isipan ko.

Paano kung wala ako? Paano kung walang kami? Magkakaroon kaya ng sila? 

Hidden Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon