Chapter 14

162 10 0
                                    

Chapter 14 - Weird


Kinabukasan ay nadatnan ko sa sala sila Porsche. Narinig ko pang inaasar nila si Porsche dahil sa hindi ito nakapagperform at hindi nalasap kuno ang pagkapanalo. Sayang nga eh. Kamusta na kaya ang Lola niya? Sana naman okay na.

"Pero okay lang dude. Hindi ka naman kawalan." Halakhak ni Cain.

"Fuck you, Cain." Matalim na titig ni Porsche kay Cain.

Sabay silang naglingunan nang makita nila akong bumaba.

"Hi sassy Sasa!" ngiting malapad ni Chant. Tumango ako sa kanila at lumapit.

Umupo ako sa tabi ni Porsche sa harap ni Cain at Chant.

"Ahm.. guys? Pwedeng magtanong?" baling ko sa kanila. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy. Gusto ka na din naman malaman.

"Anything, my lady," ngisi ni Porsche.

"Sino si Summer?" mabilis kong tanong.

Nagkatinginan sila, parang nabigla sa tinaong ko. Agad ko namang dinugtungan.

"Yung tao ah. Hindi yung aso.." halakhak ko.

Nagkatinginan ulit sila. Hindi ko maintindihan ang kinikilos nila pero parang nagu-usap sila gamit ang mata.

"Hindi niya ba naike-kwento sayo?" usisa ni Chant. Umiling ako.

"Si Summer.. ang alam namin eh.. kaibigan siya ni Apollo noon. Childhood bestfriend niya." Saad ni Chant sabay baling kina Cain at Chant.

"Hindi kasi makwento si Apollo tungkol kay Summer. Ang alam lang namin talaga, bestfriend niya 'yun na gustong gusto niya, eh kaya lang nag-away ata sila eh. Hindi ko alam.. something like that.." tango ni Porsche.

"Anong itsura niya?" hindi ko mapigilan ang sarili kong maging kuryoso.

Siguro maganda siya, kasi nagustuhan siya ni Apollo eh.

"Sa totoo lang hindi pa namin nakikita yun.. kahit sa picture hindi pa namin nakikita. I bet she's pretty and hot, nagustuhan ni Apollo eh." Ngiti ni Cain. Sinapak naman siya agad ni Chant.

Napatangu-tango ako.

"Bakit mo natanong?" biglang tanong ni Chant. Umiling ako.

"Wala lang.."

Nahuli ko ang pag-ngisi nila bago dahan-dahang lumapit sa akin.

"Sus! Curious ka kung sino 'yun kasi gusto siya ni Apollo. Tama ba?" panunuya ni Cain. Uminit ang pisngi ko.

"Hindi ah!"

Napailing-iling nalang sila.

"Tangina, Cain. Tsismoso ka!" tawa ni Porsche.

"Well, hindi ka namin masisisi.. but beware." Pagbabanta ni Chant sakin.

Ngumuso ako. Ewan ko ba! Naiinis ako sarili ko dahil hinayaan kong magkagusto sa isang lalaking sobrang taas sa akin. Sa sobrang taas ay siya 'yung tipong tinitingala ko na lang.

"Huwag niyo na lang sabihin sa kanya," nguso ko.
Napahalakhak ang tatlo. Umakbay si Cain sa akin.

"Kargo ka namin." ngisi niya.

"By the way, yung prize nating pera gawin nalang nating pocket money." Saad ni Chant. Napabaling ako.

"Para saan?"

"Kasama sa prize yung Trip to Camsur. Hindi mo ba nakita?" pagtataka niya.

Ang alam ko ay pera at trophy lang ang maiuuwi namin, hindi ko alam na may kasama pa palang ganun!

Hidden Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon