Chapter 37

122 7 0
                                    

Chapter 37 - Drunk and Unconcious

Napatingin ako sa wall clock ng kwarto ko. Pasado alas siete na. Nasaan na si Porsche? Na-traffic? Eh wala namang traffic ang mga kalye papunta dito sa amin ah?

"Sasa! May naghahanap sayo!"

Nang marinig ko si nanay ay alam ko na agad kung sino ang naghahanap sa akin. It must be Porsche. Siya lang naman ang inaasahan ko ngayong gabi.

Hinagod ko ang skirt ko paglabas.

Halos mabuwal ako nang ang makita ko sa harap ng aming pinto ay si Apollo at hindi si Porsche. Halos hindi ako makahinga ng maayos. Parang may malaking bato na nakaharang sa daluyan ko ng hangin.

Ilang araw na ba simula ng nag-usap kami? Hindi. Hindi lang araw, kundi buwan. 2 months. Dalawang buwan na pero hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang lahat. Sariwang-sariwa pa sa akin.

Pero nang tignan ko ang kanyang presensya ay halos hindi ko na masalaminan ng emosyon na ipinakita niya sa akin ng araw na iyon. Wala. Parang ako nalang ang naiwan sa lugmok na kagalayan.

Nakita ko agad ang kanyang ranger sa labas. Bubuksan ko na sana ang pinto sa tabi ng driver's seat ng magsalita siya.

"Sa likod ka."

Nilingon ko siya nang may pagtataka. Hindi niya ako tinapunan ng tingin pabalik at agad na siyang pumasok. Bakit? May iba pa ba kaming dadaanan?

Pumasok ako sa kanyang kotse at agad na sumalubong sa akin ang pamilyar na amoy. Amoy Apollo. Napangiti ako sa naisip. Pero agad din naman na napawi ang ngiti ng makita ko si Summer. Yes, si Summer sa may harap. Sa may shotgun seat.

Nginitian niya ako. I smiled back. Pero alam ko na pakitang-tao ang ngiting iyon. I know deep inside hindi totoo ang ngiti ko.

Kasama pala siya?

Halos itago ko na ang sarili ko sa sulok. Pakiramdam ko hindi ako dapat nandidito. Bakit nga ba ako napunta sa sitwasyon na ito? Dahil ba kay Porsche o dahil na rin sa akin?

Maya't-maya akong sumusulyap kay Apollo. Umaasa na maambunan ako ng tingin niya pero hindi dumating. Natigang na ako lahat-lahat wala pa rin. Ito ang gusto mo diba, Sasa? Ang mapunta ang atensyan niya kay Summer?

"Coops.."

Abala ako sa pagtingin sa labas nang marinig ko ang mahinhin na boses ni Summer.

"Hmm?" sumulyap si Apollo saglit bago ibinalik sa daan ang tingin.

"Hmm. Nothing." Sumulyap si Summer sa banda ko kaya nag-iwas ako ng tingin.

Coops? Now he's Coops? Wala na ba ang Apollo ko?

I stared at them. I used to be in that seat. Trono ko dati 'yong kinauupuan ni Summer ngayon. I used to be in his side. I used to be his girl. Pero para sa ikaliligaya at kahilingan ng kapatid ko, isinantabi ko lahat.

Nang makarating kami ay madami ng tao. Well, not that in peak but the party's tarted!

Namataan ko sa labas sina Porsche, Cain at Chant at iilang hindi ko kilalang binata. Nang makita nila kami ay agad nila kaming sinalubong.

"Ang tagal niyo!" angal ni Cain.

"Sorry, may dinaanan lang kami ni Summer." Ani Apollo.

Nilingon ko si Porsche pero nagpatay malisya lang siya. So, ako ba ang tinutukoy ni Apollo na dinaanan? Oo. Ako yun.

Nilingon kong muli si Porsche. You owe me big, Porsche!

Hinagod ko pababa ang skater skirt ko na bahagyang tumaas. Nauna na silang pumasok. Parang magiging mahabang gabi ito. Huminga ako ng malalim.

Hidden Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon