Chapter 26

170 7 1
                                    

Chapter 26 - I Like You

Dinala ako ng mga paa ko sa may malapit na playground. Wala din naman gaanong bata dahil magga-gabi na. Umupo ako sa swing at inugoy ito. Ninamnam ko ang simoy ng hangin.

Inalala ko ang nangyari kanina. Hindi ko alam kung bakit ko iyon naramdaman. Naguguluhan ako. Dapat hindi. Dapat talaga hindi kasi wala naman akong karapatan. Pero bakit ganoon? Nagseselos ako? Ewan!

"Confused?"

Napatigil ako sa pagu-ugoy at nanlaki ang mata.

Nilingon ko si Alondra na nakatayo sa may gilid ng swing. Ang kanyang dalawang kamay ay nakasuksok sa bulsa ng leather jacket na suot niya.

Nag-iwas ako ng tingin, hindi siya sinagot.

Confused? Saan naman? Bakit niya iyon tinanong? Anong alam niya? Tsaka bakit ba siya nandito?

"Now I know." Biglang sabi niya.

Ang kanyang boses ay magbibigay sa iyo ng kung anong takot. Parang sa tuwing magsasalita siya ay maawtoridad at nakakakilabot. Salungat iyon sa malaanghel niyang mukha.

Umupo siya sa katabing swing.

"You know.. I'm a bitch. But not the bitch in this story. Trust me. There is someone else."

Ngumisi siya. Tinignan ko lamang siya dahil wala akong lakas ng loob na tugunan ang sinabi niya.

"You're pretty." biglang wika niya.

Bigla bigla na lang itong nagsasalita. Nanlalaki tuloy ang mga mata ko palagi.

Nang sinabi niya iyon ay tsaka lang ako lumingon sa kanya. Walang ekspresyon ang mukha niya pero sa kanyang mga mata ko nahanap ang lahat ng iyon.

Kumurap siya at nag-iwas ng tingin. Para bang may kung ano akong nakita na tinatago niya.

"Apollo is one of my few buddies. We've known each other since I joined their band. Sa tagal kong nakasama ang apat na 'yun, alam ko na ang diskarte, ayaw o nararamdaman nila sa isang babae."

Kumpirmado. Siya nga 'yung Ada na dating bokalista ng banda nila.

"Apollo is too distant before. Specially sa babae. Noong una ko siyang nakilala akala ko mannequin lang siya coz he didn't barely talk!" umangat ng bahagya ang sulok ng kanyang labi.

"He's silent.. Always. Ganun na talaga siya. Kaya halos magpa-party ako ngayon dahil ang daldal na niya!"

Binalingan niya ako. Naningkit ang mata ko nang sandali siyang manahimik.

"I heard about his past about this girl na iniwan siya, dinibdib niya ng husto iyon kaya naging malayo siya sa ibang tao. And now, may babae na naman na nagpapangiti sa kanya."

Ngumisi siya at umiling-iling. Ako ba ang babaeng tinutukoy niya?

"Parehas kayo. Confused.. and afraid."

Nanatili akong nakatitig lamang sa kanya. 

"Love is taking the risk. You must take the dangerous road even if you're afraid. Subukan mo.. wag kang matakot. Nakakatakot ang takot, pero hindi ito dapat katakutan."

"You know what?" Hinarap niya na ako ng maiigi.

"He's afraid of telling you that he likes you because of the thought that you'll might or eventually leave him in the future."

Napakagat ako sa ibabang labi ko nang titigan niya ako ng husto.

"You're afraid to confess because you might end up in lopsided love isn't it?"

Hidden Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon