Chapter 27

142 10 1
                                    

Chapter 27 - Ligaw

"Ikaw pa rin pala ang hanap-hanap parapap.. hmm..hmm.."

Kanta ko habang naghahanda ng agahan. Maganda ang gising ko kanina. Hindi maalis ang ngiti ko pagka-gising ko palang. Nakakaengganyong gumawa ngayong araw, hindi ko naman mahanap ang dahilan.

"Ah.. manang, nasaan po si Apollo?" tanong ko kay manang na abala sa paghuhugas ng baso. Pagkagising ko ay hindi ko siya nakita. Kapag ganitong oras ay gising na iyon pero ngayon ay hindi ko siya mahanap.

"Umalis. Maaga. Ang sabi, may practice daw sa banda," sagot niya.

Tumango lang ako at itinuloy na ang paghahanda. Matagal na akong umalis sa banda. Hindi naman kasi talaga ako kumakanta. Kaya lang ako napapayag noon dahil kailangan na kailangan ko ng pera. Umangal sila pero buo na ang desisyon ko. Kaya naman nila na sila lang. Magagaling sila at talagang may talento sa ganoong larangan. Kaya naman nilang maghanap ng kapalit ko kung sakaling gusto talaga nilang may ibang bokalista.

Kinahapunan ay maagang nakatulog ang mga bata. Umalis kasi sila kaninang alas onse papunta sa bahay ng kaibigan ni Miss. Malayo ang biyahe kaya pagdating ay pagod at antok na sila.

Agad akong nagpaalam kay manang na aalis na ako at doon muna ako kila nanay mamalagi. Tutal naman ay madalas kong hindi nagagamit ang day-off ko kaya sasamantalahin ko ngayon.

"Bumalik ka ng linggo ng gabi, huh hija?" pahabol ni manang.

"Opo." tango ko.

Agad akong pumara ng tricycle para maihatid na sa sakayan ng jeep. Hindi naman malayo ang bahay namin mula dito. Tatlumpong minuto ang biyahe, depende na lamang kung traffic.

Hindi na ako nakapagpaalam kay Apollo dahil wala naman siya sa bahay ng umalis ako. Siguro nasa practice pa iyon. Wala rin naman akong number niya. Madalas din naman na wala akong load at minsanan ko lang gamitin ang cellphone ko kaya nakaligtaan ko ng kuhanin ang numero niya.

"Dito na lang po.. salamat, kuya." Sabi ko sabay abot ng bayad.

Pinasadahan ko ang kabuuan ng compound. Wala namang pinagbago. Tanging ang nagbago lang ay ang kulay ng gate na naging purple.

Pumasok ako at tumambad ang mga batang nagkalat na naglalaro. May mga lalaki rin malapit sa may tindahan na nag-iinuman. Binalewala ko sila at nagmamadaling naglakad patungo sa bahay.

Bukas ang pinto pati na rin ang bintana. Hindi uso sa amin ang maagang natutulog. Ang pinaka maagang tulog namin ay maga-alas onse ng gabi kaya hindi nakapagtatakang marami pang kapit-bahay sa labas.

"Nay!" maligaya kong bati.

Agad silang napalingon. Parang chain reaction ang pagbaling nila sa akin. Abala sila sa panonood ng TV.

"Oh? Naligaw ka ata?" sabay baling agad ni nanay sa dalahin ko.

"Day-off ko po.. gagamitin ko na din yung mga nasayang kong day-off." Sabi ko.

Makalat ang bahay. Ang mga sinampay ay hindi pa naitutupi. Ang mga kaldero ay hindi pa nahuhugasan. Nagkalat din ang mga plastic ng kung ano sa lamesa. Hindi ba sila naglilinis?

Lumapit ako kay tatay at nagmano. Sinulyapan ko ang pinapanood nila. PBA. Kinawayan ko si Gavin. Saglit niya lang ako tinanguan bago ibinalik ang atensyon sa pinanonood.

Ano? Tumiwalag na siya sa federasyon niya? Napataas ang kilay ko.

"Nay, ba't parang ang kalat?" tanong ko.

Abala siya sa pagkalkal ng dala ko. Groceries iyon. Dumaan ako saglit sa savemore para bilhin ang mga iyon. Kaunti lang naman. Sapat sa pagkain para sa isang linggo.

Hidden Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon