Chapter 44

135 11 0
                                    

Diel's Note:

1 chaps to go plus the epilogue! Thank you for reading this! Kahit ang daming maling grammar, spellings and typos.

——————————
Chapter 44 - Sunog

4 months, 123 days. Sa loob ng mga araw na iyan ay maraming nang nagbago. Faber Castell is a bomb. Mas lalo ata silang ginanahan dahil nasa kondisyon na ang bawat miyembro. Natutuwa ako dahil halatang nag-improved at matured sila.

"Baby..." napalingon ako kay Apollo.

Ang isang mata niya ay nakapikit dahil sa paglalagay ng kung anong make-up sa kanya ng babae.

Lumapit ako. Tinaas ko ang kilay ko.

"Can you update my fans about me?" aniya nang nakapikit pa rin ang isang mata. Iniabot niya sa akin ang kanyang phone. Agad ko naman itong tinggap at umupo sa tabi ni Cain na abala din sa kanyang phone.

Pagkabukas ay bumungad sa akin ang mukha namin. Nakayakap siya mula sa likod habang nakapatong ang kanyang baba sa aking balikat, ang kanyang labi ay bahagyang nakadampi sa leeg ko habang ako ay hawak ang phone niya na nakatapat sa salamin.

Napangiti ako nang maalala na ito yung araw na nagpunta kami sa gym, ang araw na nakasapak siya ng lalaki at nabalita siya sa iba't-ibang pahina ng tabloid.

Nagpunta ako sa kanyang account. Pinicturan ko siya habang inaayusan ng babae, nilagyan ko ito ng caption na;

Getting ready to meet you all guys! <3 Pinost ko iyon sa kanyang Twitter and IG account.

Nag-scroll ako sa kanyang notifications. Halos lahat ay mga fans niya. Binuksan ko din ang kanyang messages. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ayaw niyang isa pribado ang kanyang account dahil laging baha ang messages niya.

@queenbangsie: sana makapunta kayo dito sa Korea! I love your band!

@bitchynaddie: Waaah! Hi Apollo myloves! I love youuuuuuuuuuuu!

@Apollonians: Ang gwapoooo mo talagaaaa!

Napatawa ako sa huling username, Apollonians talaga?

Halos isa't kalahing oras ang tinagal ng kanilang concert. Pawis, hingal at pagod silang pumasok sa backstage.

Isa-isa ko silang inabutan ng bottled water at towel.

"Thank you, Sassy.." ani Porsche.

Tumango ako.

Nilingon ko si Apollo na nakatitig sa akin habang nagpupunas ng pawis sa buhok. What?

Lumapit ako sa kanya at tumabi. Inihilig niya ang ulo niya sa balikat ko. Kinuha ko sa kanyang tuwalya para ako na mismo ang magpunas.

"Pagod?" ngisi ko.

"Yeah, but worth it. It's for our fans."

Tahimik niyang kinakalikot ang daliri ko nang bigla siyang magsalita.

"I want to take you somewhere.." naramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko.

"Saan naman?"

"Let's go." Aniya sabay akay sa akin palabas.

"Wait! Hindi ka pa ba pagod?" sabi ko.

Humarap siya sa akin. "I will never get tired of you." ngiti niya ng nakakaloko.

Napanguso ako. Kahit kailan talaga!

"Saan ba tayo pupunta?"

Paulit-ulit kong tanong sa kanya. Ngiti lang ang isinasagot niya sa akin.

Hidden Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon