Chapter 31

150 9 0
                                    

Chapter 31 - Cooper

Kanina ko pa pinapanood ang apat na mag-practice. Actually, kanina pa sila tapos at ngayon ay puro kalokohan na ang ginagawa.

"Bakit hindi niyo sinabi na nag-audition pala kayo dito sa DBE?" tanong ko kay Apollo na nahihingal pang naupo sa tabi kong upuan.

"It's a secret, baby.." aniya sabay kindat. Inirapan ko lang siya sa kanyang pagpapa-cute. Oo na siya na ang gwapo at cute!

Naramdaman ko ang kanyang braso sa aking bewang. Nilingon ko siya at pinagtaasan ng kilay ng gumalaw ang kamay niya pataas-baba sa gilid ko. Parang wala siyang pakialam dahil abala siya sa panonood sa tatlo. Inirapan ko siya at hinayaan nalang sa ginagawa.

Nakakatuwa na isang buwan palang simula ng ilabas sila ng DBE sa publiko ay mainit na ang pagtangkilik sa kanila ng tao. Top spot sa lahat ng nationwide music charts ang kanilang kanta. Marami ng nakakakilala sa kanila, marami na rin silang gigs, guestings, commercials, at invitations para mag-perform sa mga events at ngayon ay may inihahanda ang DBE na mini concert nila kasama ang ilang DBE artists.

Sa loob ng ilang buwan biglang nalang nag-iba ang ihip ng hangin. Nakakatuwa pero minsan napapa-isip din ako na malaking mundo ang pinasok nila Apollo. Natatakot ako na baka dahil sa kasikatan niya mawalan na siya ng oras sa akin.. sa sarili niya.

Ang pinangangambahan ko pa ngayon ay ang pag-uwi ng daddy ni Apollo mula sa States, si Mr. Venedicto Ynares. Hindi kasi alam nito kung ano ang pinagkaka-abalahan ng kanyang anak dito sa pilipinas. Hindi sinabi ni Apollo sa kanyang ama ang mundong pinasok niya dahil tiyak ay hindi nito magugustuhan iyon. Ayaw ng daddy ni Apollo ang pagtugtog niya, ang gusto nito at ipinipilit ni Mr.Ynares kay Apollo ay ang kanilang business ang pagtuunan ng pansin imbis na ang kanyang hilig.

"Sasa!" napalingon ako kay Cain nang tawagin niya ako.

Ngumisi siya.

"Watch!" mayabang niyang sabi.

Tumango ako at napahalakhak ng magsimula siyang humataw sa saliw ng isang pamilyar na tugtog. Ito iyong dating sinayaw nilang apat, 'yong ayaw pa sumayaw nung una ni Apollo pero humataw din naman kalaunan.

Napangisi ako ng sumabay sa kanya si Porsche. Pinanood ko silang mabuti.

Hindi ko alam kung iyong tugtog ba o ang mga steps o sila ang nakaka-engganyong panooring. Matagal ko ng napagtanto na hindi lang sila magaling tumugtog at kumanta kung hindi may ibubuga rin sila sa pagsasayaw. Hindi nga maipagkakaila na nakapasok sila sa isang sikat na company. Kung dati ay kalat pa at hindi ayos ang pagsasayaw nila, ngayon ay mas lalo itong nalinis at napabuti pa. Hinasa siguro sila ng husto!

Sa pagdating ng chorus ay nakisali na din sina Apollo at Chant. Napapailing na lang ako sa kahusayan nila. Nakakahanga talaga.

Dumampot ako ng mineral water at tinungga iyon. Nang matapos ang kanta ay agad silang sumalampak sa sahig at sa sofa.

Lumundo ang sofa sa gilid ko ng pasalampak na umupo dun si Apollo. Inagaw niya ang bottled water na ininuman ko, tinungga niya iyon ng walang pag-aalinlangan. Nginisian niya lang ako at kinindatan.

Napaawang ang bibig ko.

"Dadalaw ako mamaya sa bahay niyo.." aniya, lumapit sa akin at hinihilig ang ulo sa aking balikat.

"Hindi pwede. May shoot pa kayo diba? Sa isang magazine?"

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Kinuha niya ang kamay ko, pinagsalikop niya ang mga kamay namin. Napatitig ako doon. Parang ang bawat mahahabang daliri niya ay nakatadhana para sa maliliit kong daliri.

Hidden Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon