Chapter 41

124 8 1
                                    

Chapter 41 - Why

Halos maduling ako ng subukan kong titigan siya. Napapikit ako ng dumampi sa ilong at labi ko ang mainit niyang paghinga.

Ang kanyang magkabilang braso ay nagkukulong sa akin. How I missed his touch. Hindi ko siya magawang mahawakan. Sila ba ni Summer? Sila ba ng kapatid ko?

Sabi ko pumapayag ako ng ibigay si Apollo ng buo kay Summer. Kasi nabibilang na lang ang imamalagi niya sa mundo pero bakit parang kinakain ko na lahat ng sinabi ko?

Tumingala ako para mahalikan ang ilong niya. Kahit ilong niya lang. Kahit yun lang...

"Don't."

Napalunok ako. Nagngilid ang luha sa aking mata, "Sorry.." nabasag ang boses ko.

Hindi na nga pala siya si Apollo. Hindi na siya si Apollo ko.

Nakita ko ang pagtingala niya, ang pagtaas-baba ng adams apple niya.

Muli kong tinitigan ang labi niyang bahagyang nakaawang.

"Damn, Sasa.." aniya bago ako hinalikan.

Nagulat ako sa mabilis niyang galaw.

Halos mapapikit ako ng dumampi ang labi niya sa akin. Abot-abot na ang kaba ko. Halos kumawala na ang puso ko sa aking dibdib. Para akong lumulutang nang maramdaman ang labi niya sa ibabaw ng labi ko. Halos mapadaing ako nang maglakbay ang mga kamay niya sa katawan ko. Sa magkabila kong bewang, sa likod, sa pang-upo ko. Nang napasinghap ako sa pagpasok niya ng kanyang kamay sa tshirt ko ay nabigyan siya ng pagkakataon na mapasok ang loob ng bibig ko. Sinabayan ko ang ritmo ng kanyang mga labi. Halos mamula ako nang lumandas sa gilid ng aking dibdib ang kanyang kamay.

Ang kanyang labi ay naglakbay pababa sa aking panga patungo sa aking leeg.

"Apollo.." kinagat ko ang aking labi para pigilan ang paglabas ng pangalan niya.

May kung ano siyang ginagawa sa leeg ko. Nang bumalik sa aking labi ang kanyang mapupulang labi ay nawala na ako sa katinuan. He is damn a hot good kisser!

Dinala niya ako sa kanyang kama. Abot-abot ang kaba ko ng puma-ibabaw siya sa akin.

Napapikit ako. Akala ko'y hahalikan niya ako sa labi pero naramdaman ko na lamang ang pagdampi ng labi niya sa noo ko.

"Goodnight." Bulong niya bago humiga sa tabi ko.

Napatulala ako sandali bago dinapuan ng antok.

Kinusot ko ang mata ko nang maalimpungatan sa sinag ng araw. Kinapa ko ang katabi ko pero wala na. Nasaan na iyon?

Naghilamos ako bago bumaba. Nadatnan ko sila na nag-aalmusal. Pinasadan ko sila ng tingin. They are look fine. Wala namang kakaiba. Ako lang ata ang hindi kumportable.

Tinitigan ko si Apollo sa tabi ni Summer. Abala ang kapatid ko sa paglalagay ng kung anu-ano sa plato ni Apollo. Napalingon si Summer sa akin, nginitian niya ako bago kinawayan, "Sasa, halika! Kain na!"

Ngumiti ako at tumango. Lumapit ako at umupo sa tabi ni Chant. Kaharap ko sa lamesa sila Summer. Panay ang kwentuhan nila Porsche, Chant, Hera at Cain. Napatigil si Cain sa pagsubo ng makita akong umupo.

Kinindatan niya ako. Nakita ko ang paglipat ng mata niya sa bandang leeg ko. Nangunot ang noo ko. Nakita ko ang pagngisi niya at pagbulong kina Cain at Chant.

Sumipol si Cain.

"Someone has a lovebite," halakhak niya.

Halos mabilaukan ako. Ano daw? Lov-ve bite? Sino? Namula ako nang makita ko ang pagngisi sa akin ni Porsche. Ako? Saan? Paano...

Hidden Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon