Kabanata 1

199K 3.1K 14
                                    

"Annisa lumabas ka riyan!"

Ang malakas na kalampag ng pinto at malakas na pagsigaw ang gumising sa dalagang si Annisa. Inaantok na bumangon ito at nag tungo sa pinto upang pagbuksan ang kanyang land lady.

"Magandang umaga ho aling Candy." Pilit na ngumiti si Annisa sa ginang nag pagbuksan niya ito ng pinto. Nakabusangot at lukot ang mukha ng ginang. Naka suot ito na mabulaklaking bistida, at may sigarilyo na nakapasak sa bibig nito.

"Walang maganda sa umaga kung wala kang balak mag bayad ng renta mo Annisa! Aba pangalawang buwan mo na ito ha!?" Bulyaw sa kanya ng ginang.

Wala sa sariling napakamot ng ulo niya si Annisa. "Pasensiya na ho aling Candy medyo kapos ho sa pera eh, alam niyo naman hong may sakit ang bunsoy namin." Aniya.

"Hay nako Annisa puro ka dahilan! Basta next week ay nakabayad kana kung hindi ay mag hanap ka na ng malilipatan!" Sigaw ng ginang at nag martsa na papaalis sa kanyang apartment.

Nanghihina namang bumalik ang dalaga sa loob at humigang muli sa kanyang maliit na kama. Kung, minamalas nga naman umaga palang ay dinadalaw na siya. Ngayon pang may sakit ang kanilang bunso sa puso. Mahina daw ang puso nito at kinakailangan ng agarang operasyon. Pabalik balik rin ito sa ospital kaya nagkanda baon baon sila sa utang.

Hindi naman kasi ganoon kalaki at sweldo niya bilang isang instructor sa isang kolehiyo. Lalo pa't sa kanya lamang umaasa ang kanyang pamilya.

Naputol ang pagmumuni niya ng marinig niya ang pagtunog ng kanyang cellphone na nakapatong sa kanyang side table.

"Hello?" Walang gana niyang bati sa kaibigan niyang si Nika.

"Hello Nisa? Ayos ka lang ba? May sakit kaba?" Nag aalalang tanong nito. Isa si Nika sa matatalik niyang kaibigan, katulad niya ay instructor rin ito sa kolehiyong pinapasukan niya. Parehas silang nagtapos ng kursong secondary eduction. Ngunit mag kaiba lamang ng major. Siya kasi ay Social Studies habang ito naman ay Physical Education.

"Wala, marami lang akong iniisip na problema ngayon." Matamlay na sagot niya.

"Si Annisa ba yang kausap mo Nikang!?" Ani ng pamilyar na boses ng babae. Nasisiguro niyang ito ang isa pa nilang kaibigan na si Carly. Mukha atang doon nanaman ito natulog sa bahay ni Nika.

"Hello Carlinda." pang aasar niya rito, Carly short for Carlinda and she really hates that names of her.  Narinig niya ang pag ismid nito sa kabilang linya at ang pag tawa ni Nika. Mukha atang naka speaker siya.

"Dont call me that Annikang!" Naiinis na turan nito sa kanya. "Anyway bakit hindi mo nalang tanggapin yung alok kong tulong sayo?"

"Ano ka ba Carly marami na kayong naitulong ayokong umabuso." Aniya

"Abuso ka riyan!?" Magkasabay na sigaw sa kanya ng mga kaibigan.

"Alam mong handa ka naming tulungan diba?" Sabi ni Nika

"Para naman hindi magkakapatid ang turingan natin." sabi naman ni Carly.

Ngunit naging matigas si Annisa. Ayaw niyang laging umaasa sa kanyang mga kaibigan. Lalo pa't napaka laki ng naitulong ng mga ito.

"Bakit hindi ka na lamang humingi ng tulong sa Tatay mo? Diba ay mayaman yun?" Suhisyon ni Nika.

Bigla namang dumilim ang mukha ni Annisa. Kahit kailan ay hindi siya hihingi ng tulog rito. Iniwan na sila nito labing limang taon na ang nakaraan. Onse anyos pa lamang siya noon ng iwan sila nito habang pinagbubuntis pa lamang ng kanyang ina ang kanilang bunso noon.

"Hindi. Kahit kailan ay hindi ako hihingi ng tulong sa taong iyon." She said with a flat tone. She really hate it when someone mentioning her useless and coward father. Para sa kanya, isang malaking duwag ang kanyang ama upang iwan sila sa ganoong sitwasyon, na nasa panganib ang kanyang Ina.

"Sorry," Carly apologetic said. "Pero sayang talaga yung partime mo bilang waitress sa mamahaling restaurant na iyon Nisang." nanghihinayang sa sabi nito.

Kahit naman siya ay nanghihinayang. Kung hindi siya nataranta noon at natapunan ang isa nilang costumer ay baka hindi siya masyadong na
i-istress ngayon. Muli nanaman niyang na aalala ang nakakahiyang pang yayaaring iyon a week ago.

Hindi kasi sinasadyang natapunan niya ng mainit na kape sa hita ang isa nilang costumer kaya dali dali niya itong pinunasan kasabay ng paghingi niya ng sorry ng maramdaman niya ang pagtayo ng bagay na hindi dapat tumayo at ang pag mumura ng mahina ng costumer na iyon. Nakakapagtaka nga na hindi ito nag react nang matapunan niya iyon ng mainit na kape. Hindi man lang ba ito nasaktan? Ngunit ng dumapo ang kamay niya sa parteng iyon, doon lamang ito nag react. Pag katapos ng pangyayaring iyon ay sinisante siya ng manager ng resto, kaya ganun na lamang ang panghihinayang niya.

"Oh! And speaking of that Annisa, tumawag sa akin yung manager ng resto. Pinapatawag ka raw ng may ari ng resto na iyon may i aalok raw sa iyong trabaho." Masayang pag balita ni Nika. Si Nika kasi ang nag recommend sa kanya roon dahil malakas daw ito sa manager.

"Talaga? Kailan raw? Tamang tama ang balita mo Nika!" Masayang sabi niya.

"By this week daw ay tatawagan ka nila." Ani nito na nagpasaya sa kanya ng husto.

"Salamat!" Nagusap pa sila ng kaunti bago siya nag paalam rito.

Tama nga ang sabi ni Nika dahil pag kalipas ng dalawang araw ay tinawagan siya ng manager. Gusto raw siyang makausap ng May ari ng resto bukas ng hapon. Masayang masaya si Annisa marahil ay ito na ang sagot sa mga problema niya.

The Broken Billionaire (Billionaires Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon