Maybe its not always about trying to fix something that was broken.
Maybe it's about starting over and creating something better.
Duke Brian Herrera's story
"Happy birthday!" Sigaw ng mga tao sa paligid ni Annisa ng magising siya. Agad siyang napaupo sa kama. "Oh god! Ginulat niyo ko!" She hissed. Tumawa lamang ang mga ito.
"Happy birthday anak!" Her Nanay said and kissed her hair.
Inilibot niya ang tingin sa paligid. Naroon ang mga magulang niya at kapatid. Naroon rin ang mga magulang ni Duke, pati ang bunsong si Clair, naroon ang mga kaibigan niya at ni Duke. And especially, her three little angels are there.
"Blow your cake anak." Her tatay said. Agad namang lumapit si Ivan sa kanya, bitbit ang isang cake. "Happy birthday ate." Bati nito.
Ngumiti siya rito. "Thank you bunsoy." She sweetly said and hugger her brother.
"Don't forget to make a wish iha." Her Mom said. Tumango siya at ipinikit ang mga mata, bago humiling. Then, she blow her candles.
Nagpalakpakan ang lahat at sabay sabay na bati sa kanya.
"Mama! B day!" Lahat sila ay natigil sa pagbati ng magsalita si Baby Xander Gumagapang ito sa sahig papalapit sa kanya. Natawa siya at agad na kinarga ito. Sa tatlong bata ay si Xander ang pinaka madaldal at hyper. Si Xandra ay medyo tahimik at iyakin. May pagka spoiled brat kasi ito. Si Sandro naman ang pinaka tahimik. Hindi pa ito nagsasalita o gumagapang hindi katulad ng dalawa.
"Mama! Bday!" Muling sigaw ni Xander habang kinakawag ang mga kamay nito. Natatawang hinalikan niya ito. Inilapit naman ng mga yaya nila ang dalawa pang bata.
"Mymy." Xandra muttred. Isinubsob nito ang mukha sa kanyang hita at Mukhang inaantok pa ito.
"Ay! Sosyal! Mymy!" Carly Exclaimed. Natawa na lamang sila. Si Sandro naman ay tahimik na nakaupo lamang sa kanyang tabi.
Muli niyang inilibot ang paningin at nagtaka siya ng hindi niya napansin ang asawa. "Asan po si Duke?" Tanong niya sa daddy ni Duke.
Bahagya itong natahimik at tumingin sa asawa. "A-ah... Duke have an urgent meeting iha. Hindi niya pwede ipagliban kaya naman maaga siyang umalis. Don't worry, babawi iyon." Ilag na wika nito.
Tumango na lamang siya at itinago ang pagkadismaya sa asawa. Sa totoo lang ay naghihinala na siya rito. Halos dalawang buwan na itong laging abala. Araw-araw ay late na ito kung umuwi at lagi pang pagod. Pinagsawalang bahala na lamang niya ito, dahil naisip niyang pagod lamang ito sa trabaho.
"Oh, siya! Tayo na sa ibaba at kumain!" Anyaya ni Nanang Cora sa kanila.
Sabay-sabay silang lahat na bumaba upang kumain. Lahat ay nagkakatuwaan, ngunit siya ay hindi maitago ang lungkot. Its suppose to be her day. Ngunit ang asawa niya ay abala sa kompanya nito.
Mag tatanghali na ng matapos sila sa salo-salo. Hapon noon ay nagpapatulog siya ng mga bata ng tumawag sa kanya si Carly. Agad niya itong sinagot.
"Carly, napatawag ka-"
"Oh my god Annisa!" Carly shrieked.
Agad siyang nabahala sa boses nito. "Why? What happened?" Tanong niya.
"Nissa, please, i need your help. Please help me." Iyak nito sa kabilang linya. Hindi lamang ito umiiyak kundi humahagulgul.
"Carly please calm down! Ano bang nangyayari?!" Kinakabahang tanong niya rito.
"My biggest project... Annisa! My biggest project!" Iyak lamang ito ng iyak.
"Carlinda, would you please calm down!" She hissed. Maski siya ay kinakabahan narin sa inaasal nito.
Ring niya ang paghinga nito ng malalim. "Y-yung isang model ko para sa gagawin kong photoshoot.... Nisang hindi na siya makakapunta.." Depressed na depressed na wika nito.
Napakagat labi siya rito. Alam niya kung gaano pinahahalagahan ng kaibigan ang trabaho nito. Bawat proyekto na ginagawa nito ay ibinubuhos nito ang lahat lahat.
"Okay... Okay, calm down gagawan natin ng paraan. Ano bang maitutulong ko?" Tanong niya sa kaibigan.
Ilang sigundo pa itong tumahimik sa kabilang linya bago sumagot....
"Seriously, Carlinda?" She hissed in annoyance. Iniwan niya ang mga anak sa kanilang bahay para rito.
"What? You volunteered to help me. Wala nang bawian ito." Natatawang wika nito habang nakadikwatro sa sofa. Kung kanina sa kabilang linya ang umiiyak ito, ngayon naman ay para itong asong nakangisi. "You look good with that wedding dress." Puri naman sa kanya ng kaibigang si Nika. Tinapunan niya na lamang ito ng masamang tingin. "Ewan ko sa inyo! Dapat si Nika nalang ang pinasuot mo nito. Mukhang mas bagay naman sa kanya ito!" She hissed.
She is now wearing a wonderful wedding dress. Mukhang mamahalin pa ang damit na ito. Its a tube wedding dress na sumasayad na sa lupa ang haba nito. Hapit na hapit ito hanggang sa bewang niya. Sa dulo ng damit na ito ay mayroong mga puting paru-paru ang naka desenyo, hanggang sa dulo ng damit. Ang buhok naman niya ay ginawang bun style lamang, at nilagyan siya ng light make up.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Ang ganda ganda mo talagang bride, Annisa!" Carly shrieked. "Siguradong maglalaway ang groom mo nito!"
Agad namang nanlaki ang mata miya rito. "A-ano?! Wala kang sinabi na may ka partner ako Carly! No! Ayoko baka magalit ang asawa ko!" Akmang huhubarin niya ang damit ng pigilan siya ng mga kaibigan.
"Nag promised kana sa akin sa tutulungan mo ko diba'?" Malungkot na wika nito.
Napahinga siya ng malalim at masamang tinitigan ang kaibigan. "Fine!" She snapped.
Nagtatalon naman ang dalawa. Napairap na lamang siya.
Pinasakay siya ng mga ito sa isang puting Bugatti na kinabitan ng bulalak. Pinag pose muna siya nito sa harap ng sasakyan bago pinasakay. Nagtaka siya ng hindi ito nagsisakayan. "Hindi kayo sasabay?" Dungaw niya sa bintana.
Umiling naman ang mga ito. "Nope. Mag aayos pa kami." Ayon lamang at tumakbo na ang mga ito pabalik sa hotel kung saan siya inayusan.
Sumimangot na lamang siya at umayos ng upo. "Hello, beautiful bride." Nagulat siya ng bigla na lamang lumingon sa kanya ang driver.
"Chase? What are you doing here?" Gulat na tanong niya rito. Nakasuot ito ng three piece gray suit, and naka avendator pa ito. Ibinaba nito ang shades at kindatan siya. "Kasama rin ako rito." He shrugged. "So, lets go." Wika nito bago pinaandar ang sasakyan.
"Saan ba ang venue ng photoshoot? Ikaw ba ang partner ko? Bakit parang sobrang OA naman ng suot natin?" Sunod-sunod na tanong niya rito.
Mukhang namang naiinis na ito. "Aish! Wag kang tanong ng tanong, na ha-hastle ako!" Chase hissed. Nagpatugtug na lamang ito. "Makinig ka na lang ng kanta okay? Just relax." Saad nito bago naglagay ng face mask. Napakunot siya ng noo. "Bakit naka face mask ka?" Tanong nito.
"Ayoko ng amoy ng sasakyan. Pang mahirap. Nasusuka ako." Supladong saad nito. Napairap na lamang siya. "Arte mo!"
"Shhhh. Stay put ka lang kasi."
Gusto pa sana niyang magtanong ngunit mukha namang wala itong balak sagutin ang tanong niya. Sumandal na lamang siya at pinagmasdan ang paligid, hanggang sa bumigat ang talukap ng kanyang mata at unti unti siyang makatulog.