Nagising si Annisa sa marahan na katok sa pinto. Bagamat inaantok pa ay bumangon siya upang buksan ang ito. She saw Chance in front of the room starring blankly at her.
Medyo nahiya naman siya dahil kakagising niya palang at tiyak na magulo pa ang buhok niya.
"Can you help me with Duke?" Walang reaksyon niyong tanong sa kanya.
Tumango naman siya at sumunod rito papuntang sala.
Halos mapangiwi siya ng makita niya ang loob ng sala. Sobrang kalat nito, nagkalat ang mga bote ng alak na wala ng mga laman, magulo ang sofa at nagkalat rin ang mga plato at baso na ginamit nila. Mukha atang napasobra ang mga ito.
Nakita niya si Leo na nakadapang higa at tulog na tulog sa sofa. Si Chase naman ay naka upo sa Wheelchair ni Duke na nakatapat kay Leo at ipinatong pa nito ang mga paa sa pang upo ni Leo, habang si Duke naman ay naka upo sa sahig habang nakasandal sa sofa. They all look wasted.
Napailing na lamang siya habang nilalapitan si Duke.
"Hey Duke wake up." Mahina niyang tinampal ang pisngi nito, ngunit tanging ungol lang ang sinagot nito.
"Hindi na mag papagising yan." Pag singit ni Chance habang nasa tabi ng kakambal nito.
"Uuwi kayo?" Tanong niya rito.
Tumingin ito sa kanya bago tumango. At muling lumingon sa kambal nito.
"Hindi ka ba lasing? Baka mapano kayo sa daan." Sinipat niya ang wall clock at nakitang mag aalas dos na ng madaling araw.
"Hindi naman ako uminom ng marami. I can still drive." Sagot nito sa kanya.
"Uhm... How about Leo?"
"Maiiwan yan dito." Bagot na sagot nito bago lumapit sa kanya.
"Let me carry him to the guest room." Pag prepresinta nito. Tumango naman siya at inalalayan ito sa pagsampa kay Duke sa likuran ni Chance.
Nang maihiga na si Duke sa kama ay sumunod siya kay Chance upang balikan ang kambal nito.
"Si Hunter nasaan?" Tanong niya rito.
"Nauna nang natulog kanina. Pagod sa biyahe." Sagot nito habang inaalalayan ang kambal nito na makatayo.
"Hey dont r-rape me." Wika ni Chase. Mukha ngang lasing ito.
"Fuck off Chase!" Inis namang wika ni Chance.
Napangiti na lamang siya sa mga ito. Nang maka alis na ang kambal ay muli siyang bumalik sa sala upang kunin ang wheelchair ni Duke at kinumutan narin niya si Leo. Pag katapos ay muli niyang binalikan ang binatang si Duke.
Nanlaki ang mata niya ng makita itong naka higa sa sahig, habang pilit na bumabangon.
"Duke!" Inalalayan niya itong makaupo at isinandal sa gilid ng kama. Mapupungay ang mga mata nito at amoy na amoy niya ang alak.
"I fell." Mahinang sabi nito
"Mukha nga." Naaasar na sagot niya rito. "May masakit ba? Bakit kasi ang likot mo!" Singhal niya pa rito. Mukha namang okay ito at hindi nasugatan.
Duke just chukled while putting his hand to Annisa's face.
"I said I fell." Pag uulit nito. Titig na titig ang abuhing mata nito sa kanya.
"Ewan ko say-" hindi niya natapos ang sasabihin ng hatakin siya ni Duke papalapit rito, kaya ang resulta ay nakakandong na siya sa kandungan nito.
"I fell on you Annisa. Thats what I'm talking about. I fall hard to you." Namumungay ang mga mata nito.
BINABASA MO ANG
The Broken Billionaire (Billionaires Series 1)
RomanceMaybe its not always about trying to fix something that was broken. Maybe it's about starting over and creating something better. Duke Brian Herrera's story