Kabanata 40 is here. Okay, magpapasalamat lang ako sa mga walang sawang nagbasa at bumoto sa storyang ito. Maraming maraming salamat po! Sana kung maisipan ko pang magsulat ng panibagong storya ay suportan niyo rin. Again, thank you po ulit! (Throw hugs and kisses!)
---
"Grabe Annisa, para kanang manganganak!" Saad ni Carly habang inaalalayan siyang makaupo sa sofa.
Ngumuso lamang siya at hinimas ang pitong buwan niyang tiyan. Halos doble ang laki ng tiyan niya kaya medyo hirap na siya sa pagkilos. Minabuti narin niyang mag resign sa trabaho gaya' ng gusto ng kanyang asawa.
"Asan ba iyang hubby mo? Di' ba sunday ngayon at wala siyang pasok?" Tanong ni Nika sa kanya habang nilalapag nito ang kanilang merianda. Naisipan niya kasing tawagan ang mga ito dahil nabuburyo na siya sa kanilang bahay, at namiss niya ang mga ito.
She shrug and eat her siomaio. "He's busy." Simpling saad niya.
Nika creased her brow. "Busy? Didn't he know that your already seven months pregnant to his triplet child?" Tanong nito. Alanganing ngumiti lamang siya rito. Ayaw niya ng ipaalam ang problema nilang mag asawa sa mga ito.
"By the way, kailan ang uwi nila tita from states?" Tanong ni Carly na prenteng nakaupo sa isang bean bag.
"Maybe next month? May inaayos pa si tatay sa kompanya."
"Well, that's good. At least may makakasama kana rito kung busy man ang asawa mo." Carly shrug.
Ala sais na ng hapon nang umuwi ang mga ito. Agad siyang umakyat sa kanilang kwarto upang maligo. Hindi niya alam kung anong oras nanaman uuwi si Duke. Lasg month pa kasi ay madalas na ang pag uwi nito ng gabi. Laging rason nito ang pagiging abala nito sa kompanya. Noong kailang nagkita naman sila ni ng Daddy nito ay sinabi nitong smooth ang takbo ng kompanya at walang problema. Now she's wondering.
Matapos maligo ay agad rin siyang nag pahanda ng makakain sa mga katulong. Wala si Nanang Cora ngayon dahil dumating raw ang apo nito galing ibang bansa. Kasama nitong umalis si Mang Randy kaya wala rin siyang driver, which is okay dahil hindi naman siya nag lalabas. Matapos kumain ay pumanhik rin siya upang umidlip muna. Na nanakit na kasi ang balakang niya at masyado nang mabigat ang tiyan niya upang mag lakad o tumayo ng matagal.
Nagising na lamang siya ng marinig siya ng kalampag. Agad siyang napabalikwas ng bangon.
"Duke!" She shrieked when she saw her husband lying flat in the floor near at his wheelchair. Agad niya itong nilapitan at inalalayan. Agad niyang naamoy ang alak sa katawan ng asawa. She crinkle her nose. "Nag lasing ka nanaman?" Sita niya rito. Madalas kasi itong umuwi ng lasing o di' naman kaya ang pag kauwi agad itong dederetso sa mini bar upang uminon.
Hindi niya alam kung anong problema ng asawa. Napapansin niya kasing hindi na siya masyadong nilalambing o kinikibo ng asawa. Noong umuwi sila mula sa rest house ni Hunter ay naging clingy ito sa kanya.
Naging seloso rin ito. Ngunit nito ngang nakaraang buwan ay naging malamig naman ang pakikitungo nito sa kanya. Hindi niya tuloy alam kung kay Duke nito napasa ang pagiging moody dahil sa pagbubuntis.
Duke only respond with grunt. Inis siyang tumayo at tinawag ang guards upang magpatulong na buhatin ang asawa. Hindi niya alam kung si Duke ba ang nag drive o ang stay out nitong driver.
BINABASA MO ANG
The Broken Billionaire (Billionaires Series 1)
RomanceMaybe its not always about trying to fix something that was broken. Maybe it's about starting over and creating something better. Duke Brian Herrera's story