Pagod na isinandal ni Duke ang katawan sa swivel chair ng kanyang opisina. Sumasakit ang ulo niya sa mga papeless na pinipirmahan. Halos buong araw na kasi siya sa opisina dahil sa tambak na trabaho.
Isang linggo narin ang nakalipas ng makalabas ang bunso nila sa ospital. And as what he promised to Annisa, ipinadala niya rito ang mga magagaling na doktor mula sa amerika upang tignan ang kanyang anak. At sa awa ng diyos, bumubuti na ito.
Napapikit siya ng maramdaman niya ang kirot sa kanyang sentido. Kahapon pa masakit ang ulo niya, idagdag pang wala siyang kain mula kahapon.
Idinilat niya ang mga mata ng marinig niya ang marahan na pagbukas ng pinto. Inakala niyang ang sekretarya niya ang pumasok kaya laking gulat niya ng makita ang maamong mukha ng asawa. "Annisa? What are you doing here?" Gulat na tanong niya.
Matapos kasi ng pag uusap nila noong nakalabas si baby Sandro ay hindi na sila nagkibuan, maliban na lamang kung tungkol ito sa mga bata. Kaya laking gulat niya ng makita niya ito sa kanyang opisina.
"Dinalhan kita ng makakain. Sabi ni Seb hindi kapa kumakain. Hindi karin naka uwuki kagaba. The kids seems to miss you." She said. Inangat nito ang hawak na paper bag.
Tumango siya at akmang aabutin ang kanyang wheelchair, ng maramdaman niya ang pag kahilo. Agad siyang napahawak sa lamesa. Nag mamadali naman siyang nilapitan ng asawa. "Duke! Okay ka lang- ang init mo!" Gulat na wika nito nang hawakan siya nito.
Pagod na ngumiti siya. "You're too worried." Bulong niya.
Inis na pinalo siya nito sa dibdib. "Nagawa mo pang magbiro! Masakit ba ang likod mo? Ba't kaba nag palipas ng gutom?" Sermon nito sa kanya.
Mahinang natawa na lamang siya. He's too tired and too sleepy to answer. Isinandal siya ni Annisa sa kanyang upuan. "Wait me here okay? Pupuntahan ko lang si Seb para magpatulong. Uuwi na tayo." Wika nito bago siya iniwan.
Makalipas ang ilang minuto ang bumalik ito kasama si Seb. Pinagtulungan siya ng dalawa na mailipat sa kanyang wheelchair. Napaungol siya ng maramdaman niya ang matinding hilo. "Are you okay?" Annisa asked him.
Tumango na lamang siya at ipinikit ang mga mata. Hinayaan niya na lamang si Annisa na magtulak ng kanyang wheelchair. Hindi niya alam kung gaano siya katagal naka idlip. Nagising na lamang siya ng tapikin siya ng asawa upang ilipat sa sasakyan. Nagtulungan si Seb at si mang Randy upang ilipat siya sa loob ng sasakyan. Nauna ng sumakay si Annisa upang may umalalay sa kanya.
Nang mailipat siya sa loob ay agad siyang sumandal sa balikat ng asawa. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya. "Turn off the aircon." Ungol niya rito habang nangangatal sa lamig. Agad naman siyang sinunod ni mang Randy.In all the way to their house, Duke is just sleeping in his wife's shoulder. Ginising na lamang siya nito ng nasa bahay na sila. Agad siyang tinulungan ni mang Randy na ilipat sa wheelchair. Si Annisa naman ang nagtulak sa kanya patungo sa kanilang kwarto, kasunod ng nag aalalang si nang Cora.
Nang mailipat siya sa kama ay agad siyang napapikit. He felt another wave of dizziness, also the pang in his head. He also felt the spasm at his back. He groaned in pain.
"Are you okay? Saan ang masakit?" Nag aalalang tanong sa kanya ng asawa. "My back. My head- everything." He hoarsely said.
Narinig niya ang pag bilin ng asawa sa matanda upang magluto ng makakaib niya. Narinig niya rin ang mga yapak. Hindi siya makadilat sa sobrang hilo kaya minabuti na lamang niya ang pumikit hanggang sa makatulog na siya.
Tahimik na lumapit si Annisa sa asawa, na mahimbing na ang tulog. Inilipag na lamang niya muna ang basin ng tubig at bimpo sa side table bago umupo sa tabi ng asawa.
BINABASA MO ANG
The Broken Billionaire (Billionaires Series 1)
RomanceMaybe its not always about trying to fix something that was broken. Maybe it's about starting over and creating something better. Duke Brian Herrera's story