Kabanata 10

127K 2.5K 68
                                    

Umaga pa lang ay nag punta na sila sa mansion ng mga Herrera, nais sana ni Duke na sa mismong pag titipon nalang pumunta, ngunit mapilit ang dalaga. Idagdag pang, tumawag pa talaga ng madaling araw ang kanyang ina upang sabihing pumunta sila ng umaga. doon na rin daw sila matulog. Wala tuloy siyang nagawa kung hindi sumangayon na lamang.

'Hindi pa ako kasal pero under na ko.' bulong niya sa kanyang sarili.

Nang marating nila ang mansion ay hindi na matanggal ng dalaga ang tingin rito. The Mansion looks beautiful with this Spanish's inspired design. Ng makapasok sa loob ay mas humanga siya rito. The color of the walls, and ceiling is a combined color of gold and white, at lahat ng gamit rito ay halatang mamahalin. Ang iba pa nga ay mukhang antique.

The five floor mansion also had a elevator, na alam niyang sadya para sa binata. Nasa pangatlong palapag kasi ang kwarto nito.

"Annisa you're here!" Masayang bati ng ginang sa kanya.

"Oh my! My sister-in-law is here!" Kasunod naman nito ang bunsong kapatid ni Duke na si Claire.

"Hello po tita.... Helo Claire." bati niya sa dalawa ay nag beso pa sila. Kinamusta pa siya ng mga ito.

"Hindi niyo man lang ako napansin." ingot ni Duke sa kanila.

"Sorry dear. Excited lang akong makita ang manugang ko." masayang wika ng ginang pagkuwan ay binigyan ng halik sa pisngi ang binata.

"Hello brother of mine!" Tili ni Claire at kumandong sa kandungan ni Duke.

"Claire!" Naiinis namang wika ng binata sa kapatid nito.

Natawa na lamang siya, na alala niya kasi noong una niya itong makitang naka kandong sa hita ni Duke. Halos gusto niya na itong sabunutan papalabas ng office nito.

"Come here, ipapakilala kita sa Daddy ni Duke." kaagad siyang hinila ng ginang. Hindi man lang nito pinansin ang pag tawag ni Duke.

Lumabas sila sa garden at doon niya naabutan ang dalawang lalaking nag uusap sa isang table. Sa hula niya ay nasa mid 50's na rin ang mga ito. Kapansinpansin rin ang pagkakahawig ng mga ito. Ngunit ang isa rito ay may pagka singit.

"Honey! This is Annisa, Duke's future wife." pagpapakilala sa kanya ng ginang. Dinala siya nito sa isa sa mga lalaki na mayroon mapupungay na abohing mata na katulad ng kay Duke.

"Hello young lady, I'm Lord Arthur Herrera, Duke's father. And I prefer you to call me Dad." inilahad nito ang kamay sa kanya at malugod naman niyang tinanggap.

"And this is my twin brother, Baron Arkilios Herrera." pag papakilala nito sa katabi nitong lalaki.

"Hello beautiful lady, you can call me uncle Ark" ito naman ang nakipag kamay.

"Magandang umaga po sa inyo. I'm Annisa Erin Salazar, Duke's Fiancee po." nahihiyang bati niya sa mga ito.

"Duke's really good choosing a wife." puri sa kanya ng tito ni Duke.

"Of course! Kanino pa ba mag mamana iyon? Edi sa gwapo nilang ama." proud na proud na wika naman ng Daddy ni Duke.

Duke's uncle rolled his eyes to his twin
"K thanks." wika nito sabay higop ng kape. Hindi naman niya napigilang mapangiti. Duke has a wonderful family.

Pagkailan ng ilang minuto ay nakita nila si Duke na papalapit sa pwesto nila. Mayroong mga espesyal na daanan para kay Duke ang bawat lugar ng mansion. Mukhang pinasadya ng pamilya.

Nang makarating ito ay binati nito ang ama at ang uncle nito.

"Kailan ba ang kasal?" Tanong sa kanila ni Uncle Ark.

The Broken Billionaire (Billionaires Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon