"Sir your meeting will start exactly at 2pm." anunsyo ng kanyang secretary.
"Okay. You may go now." matamlay niyang wika rito. Agad naman itong tumango at lumabas ng kanyang silid.
Nanghihinang sumandal siya sa kanyang swivel chair. It's almost a week mula ng bumalik sila ni Annisa sa trabaho. And like what they expected, naging abala nga sila. Si Annisa ay nasa Davao ngayon para sa isang seminar. apat na araw daw sila roon. At bukas na ang uwi nito. Siya naman ay abala sa mga naiwan niyang trabaho sa kompanya nila. sobrang stressed na siya, at
dagdag pang wala ang kanyang fiancée.Napapitlag siya ng marinig ang tunog ng kanyang intercom. Agad niya itong sinagot. "Yes, Sebastian?" Tanong niya sa secretary.
"Sir, Miss Catherine wants to talk to you, personally." seryosong wika nito.
Marahas siyang napa buntong hininga. Isa pang problema niya ay ang kababatang si Catherine. Ilang araw na siyang kinukulit nito sa opisina. Hindi naman lingid sa kanya, ang pagtingin sa kanya ng dalaga. Ngunit hanggang kaibigan lang ang turing niya rito.
"Let her in." wika niya. Ayaw naman niyang pagtabuyan ito basta basta.
"Hello, Duke." nakangiting wika ni Catherine sa kanya. The lady is wearing a red fitted dress na sobrang iksi. Revealing almost of her thighs.
"What brings you here Cath?" Tanong niya rito, habang abala sa pag babasa ng mga papeless. Gusto niyang malaman nito na busy siya.
"Gusto ko lang sanang ayain ka sa party ng kaibigan ko mamaya Duke. Wala kasi akong date." nanlalambing na wika nito. Yumuko pa ito ng kaunti, revealing her cleavages.
Tumikhin siya at ibinaba ang hawak na papel. Pagkuwan ay tumingin sa dalaga.
"Stop it." matigas na wika niya rito.
"Stop what?" Maang-maangan pa nito. But he knew better.
"Stop seducing me for gods sake Cath. I already had a fiancee" matigas na wika niya rito. He is not a fool to not know that she is flirting with him.
Ang malambing na mukha nito ay napalitan ng matapang na anyo. Now she is already showing her bitchy side.
"Come on Duke. Bakit ba ayaw mo pang hiwalayan yung babae na yan ha? Is she that good in bed, na hindi mo mapakawalan?" Mapangasar na wika ng dalaga, na agad nagpa init ng kanyang ulo.
"I didn't asked her to be my wife, just to be my bed warmer, Catherine. I love her." matigas na wika niya rito. Ngunit tumawa lang ito sa kanya.
"I know better Duke. Sigurado akong pera lang ang habol niyan sayo. After all, she look like a gold digging bitch, masking to be a goody good teacher" she said with a grinned.
Agad na napantig ang tenga niya sa narinig. Malakas na ibinagsak niya ang naka kuyom niyang mga kamao sa mesa. Mukha namang nagulat ito, dahil napatalon ito ng kaunti sa inuupuan.
"Enough!" Nangangalaiti niyang sigaw. How dare she talk like that to Annisa!? "Leave Catherine. Hangang kaya ko pang mag pigil na masaktan ka. Please" pagbabanta niya rito. Kung nakakatayo lang siya, ay baka kinaladkad niya na ito papalabas ng kanyang opisina.
Ang gulat na mukha ng dalaga ay napalitan ng matatalim na titig. Anger and pain written in her face.
"Duke she's just using you for god sake! Wake up!" Naghehesterikal na wika nito.
"I said leave! Pwede bang wag mo na kong guluhin pa Cath!? You are talking nonsense!" Muling sigaw niya rito.
"I will prove you that I am right Duke. Just wait." determinadong wika nito at padabog itong umalis ng kanyang opisina.
BINABASA MO ANG
The Broken Billionaire (Billionaires Series 1)
RomanceMaybe its not always about trying to fix something that was broken. Maybe it's about starting over and creating something better. Duke Brian Herrera's story