Kabanata 26

93.2K 1.8K 23
                                        

Simula ng sabihin niya sa asawa ang pagiging professor niya kay Colton, ay lagi na siya nitong hinahatid hanggang sa kanyang klase. Noong una ay nagulat siya dahil ayaw na ayaw nga nito ng atensyon mula sa iba, na ngayon ay nakukuwa niya sa bawat paghatid nito sa kanya.

"Lets go." Duke said bago bumaba sa sasakyan at umupo sa wheelchair nito. She sigh before she follow her husband. Nang makababa siya ay agad siyang lumapit sa asawa na inaayos ang pagkakaupo.

"Hindi mo naman ako kailangan ihatid sa klase ko. Baka malate ka ulit." Wika niya rito. Paano kasi noong huling hatid niya rito ay nahuli ito sa mahalagang meeting kaya nag karoon ng kaunting aberya.

"Baby, I own the company. They don't care if I'm late." He said.

Hindi na lamang siya nakipagtalo at sabay silang nagtungo sa faculty ng mga teacher. Mabuti at umaga iyon kaya walang masyadong mga estudyante malaya ring nakakapasok si Duke dahil family friend pala nila ang may-ari ng paaralan.

Nang makarating sa faculty room, ay agad silang binati ng mga co-teacher niya. Nika also greet them bago ito nauna sa klase nito. Nang makuha niya na ang mga gamit niya ay nagtungo na sila sa kanyang kwarto na nasa first floor.

"I can't pick you up later, may meeting ako." He said. Tumango lamang siya at binigyan ito ng mabilis na halik sa labi.

"Okay lang. Mag bo-bonding naman kami nila Nika at Carly." Wika niya rito.

"Okay. Aalis na ko. I love you." He said and kiss her hand.

"Hmm. Ingat. Love you too." Kinikilig na wika niya rito. Nang makaalis si Duke ay pumasok na rin siya sa klase niya.

Inulan siya ng tukso ng mga estudyante niya, na hindi nalalayo sa edad niya. "Si ma'am kinikilig!" Wika ni Berna sa kanya.

She just smiled. Nagtama ang tingin nila ni Colton na mayroong na itong uuyam na ngiti sa kanya. Agad niyang iniwas ang tingin rito at nagsimulang mag turo. As much as possible ay pinipilit niya maging civil rito kahit minsan ay naiinis na siya. Masyado kasi itong papansin at epal.

"Ma'am." Just what she said, Colton raised his hand.

Inis na napabuntong hininga siya. "What is it Mr. Valdez?" She casually said.

Ngumisi ito sa kanya. "Is your husband, still having.... You know.." Makahulugang wika nito. Nag karoon ng mga bulong bulongan sa klase ang iba ay sinasakyan ang tanong ni Colton, ang iba naman ay walang pakielam

Inis na napasinghap siya rito. "That's too personal Mr. Valdez. And I think you don't have the rights to meddle with my marriage life." Matigas na wika niya rito. Ngunit ngumisi lamang ito bago muling umupo.

Buong oras ng klase niya ay hindi niya pinagtounan ng pansin si Colton. Inis na inis siya rito at gusto niyang burahin ang mga ngisi nito sa labi.

Nang matapos ang klase ay pinaiwan niya ito. Hindi niya na kasi kaya ang pasimpleng panlalait nito sa kanyang asawa.

"Hindi kaba talaga titigil ha?" Inis na wika niya rito ng sila na lamang ang nasa silid.

Ngumisi ito at sumandal sa teachers table. "What? I'm not doing anything here." Tila inosenteng sabi nito na mas lalong nagpainit ng kanyang ulo.

"Stop pestering me and Duke for gods sake!" She hissed.

Biglang nagdilim ang anyo nito. "Your crippled husband is the one who's pestering me Annisa. Kung hindi dahil sa kanya ay baka nasa akin na ang kompanya ngayon." Galit na saad nito.

Matapang na tinitigan niya ito. "Duke have nothing to do with your company problem, Colton! Sarili mo mismo ang problema mo! You know what? Your such an immature!" Galit na saad niya bago lumabas ng silid. Agad siyang nagtungo sa faculty room upang mag pahinga at mag pa hupa ng galit. Akmang tatawagan niya ang asawa ng tumawag ang nanay niya. Agad nawala ang galit niya.

The Broken Billionaire (Billionaires Series 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon