Kabanata 52

119K 1.6K 46
                                    

Nang magising si Annisa ay agad niyang inilibot ang tingin sa paligid. Nasa loob parin naman siya ng sasakyan ngunit wala na si Chase sa loob at nakahinto na sila sa tapat ng isang malaking simbahan.

"Wow." Saad niya sa ganda nito. Mayroong mga pink, blue, white at red roses ang nakapalibot sa bukana ng simbahan. May isang pulang carpet na mayroong mga petals ng ibat ibang rosas ang nakalatag sa sahig papaakyat sa loob ng simbahan. Nakasarado pa ang pinto ng simbahan na denisenyuhan rin ng mga ibat ibang rosas.

Para sa isang photoshoot, masyadong magarbo ito. Pakiramdam niya tuloy ay ikakasal talaga siya. Napalingon siya sa likuran niya ng bumukas ang pintuan ng sasakyan. Nabungaran niya ang kaibigang si Carly kung kanina ay naka jeans at t-shirt lang ito, ngayon ay naka off shoulder dress na ito. Peach ang kulay ng dress nito na hapit sa katawan naka light make up rin ito at nakatirintas sa isang gilid ang buhok.

"Ang tagal mong nagising!" Carly hissed!

"T-teka. Bakit naka dress karin? Asaan si Chase? Dito ba ang venue? Bakit sobrang bongga naman ata nito? Asan yung partner ko?" Sunod sunod na tanong niya. Naguguluhan na talaga siya.

"Walang photoshoot na magaganap. Halika na. Kanina pa siya nag aantay." Saad nito bago siya hinatak papalabas ng sasakyan. Nang makalabas sila sa sasakyan ay napansin niyang mag dadapit hapon na pala.

"A-anong walang magaganap na photoshoot? Sinong nag aantay? Teka nga bakit ba hindi mo ko sinasagot?!" Inis na wika niya. Ngumiti lamang ito at niyakap siya. "Ikakasal ka ulit." Bulong nito bago siya muling hinatak.

Mas lalo siyang naguluhan. Ngunit hindi niya maitago ang kabang nararamdaman. Hindi kaya...

"God! Kanina pa kayo inaantay!" Agad siyang napatingin sa itaas ng hagdan ng marinig niya ang boses ni Nika. Katulad ni Carly ay naka peach na off sholder dress rin ito. "Hi Nissang!" Masayang niyakap siya nito.

"A-ano bang nangyayari." Tanong niya rito. Naguguluhan na talaga siya.
"Kung ano man ang tumatakbo sa isip mo, iyon ang mangyayari." Nakangiting wika ni Carly.

"Ang iniisip ko ay ipapasok niyo ako sa kumbento, iyon ang mangyayare?" Sarkastikong wika niya sa mga ito.

"Gaga!" Sabay na wika ng dalawa bago nagsirawanan. "Duke planned this. Binabalak niyang pakasalan ka uli, and this time ay sa simbahan na."

"Oh god." Naluluhang wika niya. Agad naman siyang pinagbawalan ng mga kaibigan na umiyak. Ni-retouch narin siya ni Carly bago inilahad sa kanya ni Nika ang isang ponpon ng mga
ibat -ibang kulay ng rosas.

"Are you ready?" Carly asked her with a big smile. Kinakabahang tumango lamang siya.

Sabay na binuksan ng kanyang kaibigan ang double door ng simbahan. Napasinghap siya sa mga nakikita. All of their family and friends are here. Nakaabang sa kanya ang mga magulang. Her Dad wearing a gray suit, her mom who's wearing a elegant blue dress. Parehas na nakangiti ang dalawa sa kanya habang may nag babadya ng luha sa mga mata.

"Ready kana anak? Ikakasal kana uli." Her tearily said. Tumango lamang siya rito bago inakap ang dalawa.

Nang matapos sila sa yakapan ang humarap na sila sa aisle kung saan nag aantay ang mga bisita at ang asawa. Inilibot niya ang tingin sa paligid. Mayroong kagaya sa labay ay napapalibutan ng ibat-ibang kulay ng rosas ang simbahan. Lahat ng mga bisita ay nakaputi, maliban sa kanyang Ina na naka asul at sa mga kaibigan na naka peach.

Sa dulo ng aisle ay nag aantay ang kanyang asawa, wearing a dark blue tree piece suit. Nakaupo ito sa wheelchair nito habang karga karga sa bisig si Baby Xandra. Pinaglalaruan nito ang bulaklak sa dibdib ng kanyang daddy. Sa tabi naman nito ay ang mga magulang. Ang daddy nito na naka suot ng kulay gray na suit, at kagaya ng kanyang ina ay naka pulang dress.

The Broken Billionaire (Billionaires Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon