Kabanata 17

102K 2.2K 49
                                        

Mag a-apat na araw na sila ng dalaga sa Bohol, and so far ay narerelax naman siya. He never think about works and problem, and just enjoying his vacation with Annisa.

Sa apat na araw nilang pamamalagi doon ay, marami na silang lugar na pinuntahan, together with Annisa's family.

Noong minsan nga ay tinanong niya ang ama ni Annisa, kung sino ang namamahala ng Salazar Shipping Company, ang sabi nito ay ang matalik na kaibigan raw niya muna ang namamahala rito. Just like him, he temporarily gave his trone to one  of his cracked brain friend, Hunter Andrada. Sa kanilang lima, ito ang mas seryoso sa pagpapatakbo ng kompanya, kaya ito ang pinagbilinan niya.

He only have two days more before they come back to Manila. Sinusulit niya na ang mga panahong masosolo niya ang dalaga. Just like now, ay magkatabi sila sa sofa at tahimik na nanunuod. Nakasandal ang dalaga sa kanyang dibdid. Solo nila ang bahay dahil umalis ang mga magulang ng dalaga kasama si Ivan. May aasikasuhin daw ang mga ito.

Naputol ang kanilang panunuod ng makarinig sila ng katok mula sa pinto. Agad na tumayo ang dalaga upang buksan ang pinto. At dahil sa malapit lamang ang sala sa pinto ng bahay ni Annisa, nakita niya kung sino ang dumating. Agad siyang napa kunot ng noo.

"Good Morning Nissa." masayang bati nito.

"K-Koko anong ginagawa mo rito?" Bakas sa mukha ng dalaga ang gulat sa pagdating nito.

"Well a-ayain lang sana kitang mamasyal sa hacienda namin, kung okay lang." paanyaya nito sa dalaga.

"Pasensya na Koko pero hindi ako pwede ngayon." tumingin sa kanyan si Annisa, kaya napatingin rin sa kanya ang binata.

Nakikita niya sa mga mata nito ang disgusto nito sa kanya. He wants to huffed to him.

"Maybe you can bring him." suhisyon nito. Magsasalita pa sana si Annisa, ngunit inunahan niya na ito.

"Sure. We will go to your hacienda." he coldly said.

"Great! Well if you want, I can send my driver here to pick you up." may ngisi sa mga labi nito, na alam niyang mapangasar.

"No need. We have car." malamig na wika niya rito. May kutob siya sa lalaking ito.

"Okay. I have to go Nissa, see you." paalam nito sa dalaga at umalis na.

"Bakit mo naman tinangap yung alok niya Duke? Sigurado ako, mag magmayabang lang iyon." tanong sa kanya ng dalaga.

He just shrug. "Let him be."

Nang matapos ang pinapanuod nila, ay nag handa na sila para sa pagpunta nila sa hacienda.

Sumakay sila sa Lexus na ibinigay ng Ama ni Annisa, at nagtungo sa hacienda.

Mukhang kilala ang dalaga rito dahil agad silang pinapasok. Nang nasa tapat na sila ng mansion ay sinalubong sila ni Koko kasama ang may katandaang ginang.

Tinulingan siya ng dalaga sa pagbaba ng kotse bago ito lumapit sa ginang.

"Hello po, Tita Czarina." masayang wika ng dalaga at niyakap ito.

"Kamusta ka na iha? Ang tagal mong nawala sa bayan natin ha?" Sinuklian ng ginang ang yakap nito.

"Nagtatrabaho po ako sa Maynila bilang professor Tita."

"Ganun ba?" Tumingin ang ginang sa kanya. "Sino itong gwapong kasama mo iha?" Tanong ng ginang.

Agad na pumwesto ang dalaga sa kanyang tabi, at hinawakan ang kanyang balikat.

"Siya nga po pala si Duke, Tita. Mapapangasawa ko." masayang wika nito. Nakita niya naman ang pag ismid ng tahimik na binata sa tabi ng ginang.

Lumapit siya sa ginang upang batiin ito. "Good day ma'am. I'm Duke Herrera, Annisa's fiancée." kinuha niya ang kamay nito at hinalikan ang likod ng palad.

The Broken Billionaire (Billionaires Series 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon