Abala si Annisa sa pag aayos ng kanyang sarili. Ngayong gabi siya ipapakilala ni Duke sa mga matalik nitong kaibigan, kaya kinakabahan siya. Although nakilala niya na ito ng ihatid siya ng mga ito sa condo ni Duke noon. Ngunit ang sabi ni Duke ay meron pa siyang isang kaibigan na hindi pa niya nakikilala.
Sinipat niya ang sarili sa salamin. She is now wearing a body hugging Black dress na umabot sa tass ng kanyang tuhod. Tinirnuhan niya ito ng itim rin na 3 inches heel at hinayaan ang maalon niyang buhok na nakalugay. Nag lagay rin siya ng light make up. She is really not used to apply make up but she want to look beautiful in front of Duke.
Hindi man niya aminin ay alam niyang nag karoon na ng puwang ang binata sa puso niya dahil hindi naman ito mahirap mahalin. Duke is really a great guy kaya labis siyang naiinis sa mga babaeng umapi rito dahil sa kapansanan nito.
She was interrupt by a knock on her door kaya dali dali niya itong binuksan. Bumungad sa kanya ang kanyang land lord na may subo nanamang sigarilyo sa bibig.
"Nasa baba na yung boyfriend mong pilay." Sabi nito. Sa mga oras na yun ay gusto niyang ipakain rito ang sigarilyo nito. How dare she to insult Duke!
"Sige ho bababa na ko." Malamig na wika niya. Gusto niya itong ikutan ng mata kung hindi lang ito nakatatanda sa kanya. Her Mother used to teach her to respect on older.
Iniwan niya ito sa pinto upang kunin ang kanyang shoulder bag. Inaasahan niyang umalis na ito kaya nagulat siya ng makita itong nasa tapat parin ng pinto. Naka cross ang matatabang braso nito sa dibdib at naka taas ang kilay. Nagkibit balikat nalang siya at isinarado ang pinto ng kayang kwarto. Aalis na sana siya ng muling magsalita ang kanyang land lady.
"Matalino karin no? Swerte karin roon sa pilay na yun. Aba! Mantakan mo ngang binayaran ang utang mo at nag advance payment pa! Hindi ka na lugi roon!" Wika nito.
Uminit ang ulo niya sa sinabi nito. 'How dare you!' Gusto niyang isagaw rito, ngunit pinigilan niya ang sarili. This night is especial for her, ayaw niyang masira ito.
Hinarap niya ito ng may blankong ekspresyon. Ayaw niyang sayangin ang oras sa isang kagaya nitong mapanghusga.
"Gusto ko nga po palang sabihin na aalis na ko sa apartment bukas na bukas rin. Wag po kayong mag alala hindi ko na kukunin yung binayad ni Duke na pera sa advance payment niya sa inyo. Gamitin niyo nalang iyong pera sa pamilya- ay oo nga pala wala kayong pamilya. Gamitin niyo nalang pambili ng sigarilyo niyo." Masunog sana ang baga mo. Mapang asar na wika niya at tinalikuran ito.
Narinig niya pa ang pa ang galit sa sigaw nito.
Nang makababa siya ay naabutan niya ito sa waiting area. Kausap nito ang cute na cute niyang kapitbahay na si Allara, mukhang nag kakatuwaan ang mga ito dahil rinig niya ang mga hagikhikan nito.
Unang nakapansin sa kanya ay ang batang si Allara.
"Teacher ganda!" Pagtawag nito sa kanya tumayo pa ito at sinalubong siya ng yakap. Noong summer ay siya ang naging tutor nito.
"Hello Allara." Bati niya rito.
"Teacher ganda mag aasawa ka na po?" Tanong nito sa kanya habang namimilog ang mga mata.
Matalim naman niyang tinitigan ang binata na naka ngisi pa sa kanya.
Dinala niya si Allara sa pwesto ni Duke. "Wag mong pinapansin itong baliw na to Allara." Tanging sagot niya sa bata.
Ilang minuto lang ay tinawag na ito ng yaya niya kaya nag paalam na ito sa kanila.
Kakarating lang ni Duke sa boarding house na tinutuluyan ni Annisa. Buti na lamang ay wala itong hagdan papasok sa loob kaya hindi siya nahirapan.
BINABASA MO ANG
The Broken Billionaire (Billionaires Series 1)
RomanceMaybe its not always about trying to fix something that was broken. Maybe it's about starting over and creating something better. Duke Brian Herrera's story