Kabanata 48

106K 1.7K 85
                                    

Nang magising si Annisa ng umaga, ay wala na si Duke sa kanilang kwarto. Bumaba na lamang siya upang mag handa ng agahan. Tulog parin naman ang triplets kaya may oras pa siya upang mag handa ng agahan.

Bahagya pa siyang nagulat ng maabutan niya ang asawa na nag lalapag na ng mga pagkain sa lamesa kasama ang ibang mga katulong. Tumikhim siya ng bahagya upang mahuka ang atensyon nito.

Agad na lumingon sa kanya ang asawa at ngumiti. "Good morning wife." He said. "Nag handa na ako ng breakfast. Lets eat?" Paanyaya nito. Walang salita siyang lumapit sa lamesa at umupo. Duke did the same. Pinanuod lamang niya ang asawa na pag handaan siya ng pagkain. Medyo namumula parin ang mukha nito, at inaantok pa.

Walang pag aalinlangang hinawakan niya ang noo nito. Bahagya pang napaatras si Duke. "May sinat ka pa." She calmly said.

Ngumiti naman ito at umiling. "I'm feeling fine." He said. "Okay. Pero hindi ka papasok ha?" She said.

Duke playfully salute. "Yes wife!"

Tinikom niya ang bibig upang maitago ang ngiti. Gusto niyang pisilin ang pisngi ng asawa, ngunit naalala niyang nag papakipot nga pala siya. Hindi na lamang siya nagsalita ang nagpatuloy siya sa pagkain.

Nang matapos silang kumain ay nagtungo siya sa kwarto ng mga bata upang tignan kung gising na ito. Lumambot ang puso niya ng makita ang mga ito na gising. The three of them is laughing. Nakakatuwang pagmasdan ang mga ito. Lalo na si baby Sandro. Kung titignan mo ay parang wala itong sakit at mukhang normal lamang.

Hindi niya maiwasan ang mapaluha. Her triplets. There triplets. There angels. Malaki ang pagpapasalamat niya sa diyos dahil ibinigay sa kanila ang mga batang ito.

Naputol lamang ang pag titig niya sa mga bata ng pumasok si Duke sa kwarto. She smiled at him. "Duke, look at them. They laughing." Masayang wika niya sa asawa. Duke smiled and wheeled his self to their kids. Mas lalong lumawak ang ngiti nito ng masaksihan nito ang mga ngiti ng mga bata. "They are. They look happy." He said while looking at the kids.

Napakunot siya ng noo ng makitang naka bihis ito ng pang opisina. "Where are you going?" Tanong niya rito.

Nag angat ito ng tingin sa kanya bago ngumiti ng alanganin. "I need to go to work." Mahinang wika nito. "Go to work? Diba' may sakit ka?" Inis na tanong niya

Huminga ng malalim si Duke na tila naiirita. Napataas siya ng kilay. "May emergency sa office. Hindi ko pwedeng balewalain iyon."

Mas lalo siyang nainis rito. "Bahala ka." Malamig na usal niya bago ito tinalikuran.

Napahinga ng malalim si Duke habang pinag mamasdan ang papaalis na asawa. Kanina lamang ay maganda na ang mood nito kung hindi lamang nito nalamang aalis. Ayaw naman sana niyang mag tungo sa opisina. He still feeling dizzy, and he wants to spend his whole day to his family. But Seb called him, panicking, saying that Catherine is in the office. Seb said that she is in rage. Galit galit daw ang dalaga at gusto siyang makausap. Nagbanta paraw ito na didiretso sa kanilang bahay kung hindi siya magpapakita.

Naiinis siya sa babae na iyon. Akala niya ay tumigil na ito dahil nalaman na ng ina nito ang kagagahang ginawa nito. But she still bothering them. Wala tuloy siyang nagawa kung hindi kitain ito. Keysa naman na asawa niya pa ang makaharap nito.

Matapos niyang mahalikan ang mga anak ay agad rin siyang lumabas ng silid. Naabutan niya pa ang asawa na papasok sa kanilang kwarto. Inirap siya nito bago pumasok sa kwarto. Napailing na lamang siya.

Agad siyang bumama gamit ang elevator ng kanilang bahay. Naabutan niya sa mang Randy sa bungad ng elevator. Tumango siya rito at hinayaan itong itulak ang wheelchair niya. Nawala na tuloy siya sa mood.

The Broken Billionaire (Billionaires Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon