Ano ng gagawin ko? I'm lost!
Kalma.
Balik sa room 407. Hanapin ang mga kaklase, baka meron pang nakatambay don.
Tama ganun nga. Ang talino mo Vienna! Nag-iimprove ka na. Ginagamit mo na si brain.
Naglalakad na ako pabalik sa room pero punyeta talaga, nalilito ako sa daan! Para silang magkakamukha na hindi ko maintindihan! Meron pang jeep sa loob. UP pa ba to? Baka naman nasa sakayan na ko ng jeep.
Kinakabahan na ako. Nakakalimutan ko na ang rules ko kapag nawawala ako. The calmness, poise and posture, at mood.
Nangingiyak na ako. Punyeta talaga yung punyaterang lalaking yun na may nakakapunyaterang ngiti!
"Brain, help me find my way back room. Gumana ka kahit ngayon lang---"
"Hahahaha! Para ka talagang tanga no?", napalingon ako sa nagsalita.
"Brecken!", buti nalang napigilan ko ang sarili ko. Muntikan ko ng itapon ang sarili ko at yakapin siya. Mas magmumukha kang tanga Vienna! Galit ka uy!
Sumimangot ako at nag-cross arms.
"Saan ka nanggaling? Kanina pa kita hinahanap. Hinintay pa kita tapos ang tagal mo. Ang sabi ni sir, iguide mo ako tapos iniwan mo ko? Anong kapunyaterahan yung ginawa mo?", sabi ko with a bad mood voice.
"Hahaha! Ako talaga yung nang-iwan huh?", ngumiti siya pero hindi yung punyaterang ngiti niya kundi malungkot na ngiti. Ang adik diba? Ngumiti pa, malungkot naman. "Sorry, Vienna. Sorry kung iniwan na naman kita. Sorry kung pinaghintay ulit kita. Pero nandun ako, hindi ako umalis. Hindi mo lang ako nakita. I'll always be your guardian. I'll always guide you."
Natulala nalang ako. Ano yun? Biglaang paghugot? Iba yung impact huh? Tamang-tama ako. Damang-dama ko. May iba e. Pero dahil ako si Vienna, nakabawi agad ako at umarte ng normal.
"Ano ba yan? Bigla bigla ka nalang humuhugot. May 'I'll always be your guardian ka pang nalalaman. Malamang! Tour GUIDE kita e.", sabi ko at tumingin ako sa relo ko pagkatapos. "Tignan mo, dahil sa kadramahan at kabugukan mo, malelate na tayo at take note, sa canteen mo palang ako nadadala.", sermon ko sa kanya.
"Tsk. Oo na. Mas naging late pa tayo dahil sa litanya mo. Pwede ka namang igala mamayang uwian e. Atat ka lang.", sabi niya. Inirapan ko nalang siya. In the end. Balik pa rin kami sa bangayan namin.
~~~~~
Nakapasok na kami sa susunod naming subject. Dalawang oras na kaming nandito.
Nakikipaglaban na ako sa mga talukap ko na nagbabadyang bumagsak. Ang tagal matapos nitong klase namin. Last class na namin to. Two hours lang naman talaga to e. Kaso nago-overtime siya kasi, ewan ko! Pagod akong mag-isip. Pagod na rin ako kakaintindi sa sinasabi ng matandang to.
"Class dismissed.", nagsitayuan kaagad ang mga kaklase kong atat na atat ng umuwi. Ako naman, inaayos ko pa ang mga gamit ko. Atat na atat na rin ako. Kailangan ko na ang kama ko ngayon. Siya ang true love ko. Uuwi't uuwi ako sa kama ko.
Nasilayan ko pa ang pagtitig sa akin ng prof ko. Tsk. Baka utusan pa ako. Bago palang ako dito at wala akong alam sa school na. Binilisan ko ang pag-aayos at lalakad na sana palabas ng hindi tinitignan ang prof ko pero...
"Ms. Chan."
"Yes sir?", isang plastik na ngiti ang ipinakita ko sa kanya.
"May sasabihin ako kay Mr. Brecken and I think you need to hear it also.", sabi niya. Napatingin ako kay Mr. Brecken na nakatitig lang din sa akin. Kumalabog naman ang dibdib ko. Ewan ko ba. Napapraning lang siguro ako. Hindi naman siguro ako bibigyan ng mabigat na gawain diba?
"Mr. Brecken will be your tourguide for one week. He will help you to adjust in your new environment. And also, he will help you to make friends. You're parents told me that you're approaching anybody unless they approach you first. So, Mr. Brecken is here for you.", sabi ni Sir habang nakatingin sa akin.
Tumango-tango ako kahit labag sa loob kong kailangan kong makisalamuha sa kanya ng isang linggo. Buti nalang ay mas nananaig yung pag-iisip na tutulungan ako ng taong to na magkaroon ng kaibigan. I'm not a friendly person but I'm approachable. Hindi naman ako nangangain. Sana nga lang ay talagang makatulong si Mr. Brecken sa akin.
"Any violent reactions? Pinapasabi lang ito ng adviser niyo pero kasama rin naman ako noong nakausap ko ang magulang mo, Ms. Chan."
"No violent reactions po.", agad na sagot ni Mr. Brecken. Tumingin pa siya sa akin at nginitian ako. Kung wala lang prof sa hatap namin, hindi ako makakapagpigil na sungangalin siya. Masyado siyang plastik para sa isang lalaki. O baka naman ganito lang talaga siya mang-inis?
Umiling lamang ako sa tanong ni prof. Hindi ko sinuklian ang ngiti ni Mr. Brecken.
"Do your job well.", sabi ni Sir kay Mr. Brecken.
"Yes, Sir."
"Very good. Maaasahan ka talaga sa mga ganito, Thaddeus.", sabi ni Sir. "O siya, alis na ako.", tuluyan na siyang umalis sa harap namin. Naglakad na rin kami palabas. Sumabay ako sa paglalakad niya.
"Thaddeus? Thaddeus ang pangalan mo?", hindi ko na napigilan ang sarili kong itanong iyon sa kanya.
"Oo. Thaddeus Brecken is my whole name.", parang wala lang sa kanya yung tanong ko. Hindi siya nagduda kung bakit bigla kong tinanong o kung bakit ako biglang nacurious.
"T-teka, taga-saan ka? Saan ka galing? May probinsya ka ba?", panibagong tanong ko sa kanya.
"Manila pa rin. Pero dati noong bata ako taga-Laguna ako.", sagot niya sa akin.
"Kailangan kayo lumipat sa Manila?", tanong ko. Nacucurious ako. Alam ko naman na hindi lang siya ang nag-iisang Thaddeus.
"Actually, it's just me."
"Paanong ikaw lang?"
"Pinalayas ako.", nagkibit-balikat pa siya at para bang normal lang sa kanya yung sagot niya.
"Huh? Bakit?", siguro ay masyadong mabigat ang ginawa niyang kasalanan para mapalayas siya?
"Bakit ba ang dami mong tanong? Wala ka na dun. Hindi naman tayo close ano?", kumulo agad ang dugo ko sa biglaan niyang pagsusungit.
"Nagtatanong lang! Kung ayaw mong sumagot de huwag.", sabi ko at di ko na naiwasan ang pag-irap.
Inunahan ko siyang maglakad. Thank God hindi ako naligaw sa paghahanap ng exit kung hindi masisira ang pagtataray moment ko. Naabutan niya pa rin ako sa sakayan ng jeep pero hindi na kami nagpansinan. Sumakay na ako ng jeep and with that, we parted ways.
Hindi ko alam kung bakit naisip kong siya si Thaddeus. Oo, baka kapangalan lang niya. But I can feel that I'm connected to him. Naisip kong maybe, he's that young Thaddeus that I lost and maybe, I found him. Maybe. But I think it can't be.
Yung kilala kong batang Thaddeus ay parang anghel sa mukha at ugali pero siya? No comment nalang sa ugali.
Nakauwi na ako sa bahay. Hindi ako nag-dinner ngayon. Dumiretso ako sa kwarto ko at nahiga sa ibabaw ng true love ko. Ng kama ko. I missed it so much and I didn't have a hard time to fall asleep.
BINABASA MO ANG
The Devil was Once an Angel
RomanceNarinig niyo na siguro ang tungkol kay Lucifer, diba? Ngunit hindi tungkol kay Lucifer ang istoryang ito. Ito ay tungkol kay Vienna Addilyn Chan at sa kanyang guardian angel. Ang kanyang guardian angel na hindi niya tiyak kung tunay o gawa lamang ng...