Chapter 15: Jealous

11 1 0
                                    

"Do you read books?", agad na tanong niya sa akin ng inilapag na ang kape sa harap namin. Umorder rin siya ng cake kahit hindi ako nag-request.

Tumango ako sa tanong niya. "Oo, pero madalang lang. Nagbabasa ako but it's not my hobby.", sabi ko at humigop sa kape.

"What's your hobby?", tanong niya.

"Drawing, painting. Sculpting, pero sa mga sabon lang. Nagtatry din ako sa mga prutas.", sabi ko at napatawa nalang ako dahil sa naiisip kong umuukit sa mga malalambot na bagay. Masyado akong naduduwag kaya hindi ko tinatry na umukit sa mga kahoy.

"I'm also sewing tapestries at nagko-cross stitch din. But, it's not my passion.", sabi ko ng huminto na ako sa pagtawa. Sumubo naman ako sa cake at napatunghay ng napansin ko ang pananahimik niya. Kumunot ang noo ko sa pagkakatulala niya at sa pagsilip ng munti niyang ngiti.

"A-ah, s-sorry. I-I'm freaking you out again. I just can't stop myself. I'm amused with your laugh.", pagpapaliwanag niya at nag-iwas siya ng tingin. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Maybe, my laugh's horrible.", sabi ko at natawa ulit.

"No. It's pleasant in the ears."

Panandaliang napawi ang ngiti sa labi ko pero ngumiti ulit ako para iwasan ang pagka-ilang. There is something with him.

Narinig ko ang pag-ubo ng taong nasa likod ko pero hindi ko ito pinansin.

"Naddi."

Agad akong napalingon sa kanya. Bakit nandito siya? Magi-isang oras palang kami dito pero nandito na siya? At paano naman niya nalamang nandito ako? Parang ang aga naman niyang matapos? Ano, yun na yung overtime niya?

"Paano mo nalamang nandito ako?", tanong ko sa kanya.

"Actually, I'm here to join Jireh to buy some coffee for our co-councelors. I guess you're busy with your new friend. Bother to tell me, who is he?", seryosong tanong ni Thaddeus at halatang pinipigil niya ang pagkunot ng noo niya. Oo nga naman, bakit ko naman nasabing ako ang sadya niya rito?

"Uh, Thaddeus, this is Ericson--"

Napatigil ako sa pagtawa ni Ericson sa akin.

"It's Elison, Vienna. Elison ang pangalan ko.", sabi niya. Walang bakas ng pagkainis sa mukha niya dahil sa hindi ko pagkakatanda sa pangalan niya. "Okay lang. Sounds like naman e.", dagdag niya.

"See? You're dating someone you don't even know the name."

Napatingin ako kay Thaddeus na matalim na nakatingin kay Elison. Hindi na niya napigil ang pagkunot ng noo niya. Galit siyang tumingin sa akin. Napatayo ako sa sinabi. He can't control his words!

"We're not dating, Thaddeus!", at ano naman sa kanya kung nagde-date kami. I like him but there's no us! I'm not committed to him. He's jealous like a boyfriend. "You're over acting!", bulong ko.

"U-uh. V-Vienna, I'm sorry. Hindi ko alam na may boy--"

"He's not my boyfriend, Elison.", pinutol ko ang sasabihin niya. Hindi ako nahihiya kay Thaddeus dahil hindi naman ako nagsisinungaling. Totoo ang sinasabi ko at bawal siyang maging bitter o magalit dahil friends lang naman talaga kami.

"Ipagpatuloy mo nalang ang ginagawa mo sa Student Council. Uuwi na rin ako.", sabi ko kay Thaddeus at nakipaglaban ako sa talim ng titig niya sa akin. "Elison, uwi na ako. Thanks for the coffee.", sabi ko at pilit na ngumiti. Tumalikod na ako at hahakbang na sana palayo.

"Ihahatid na--"

"Wag na Elison.", napalingon ako sa sinabi ni Thaddeus. Hawak niya sa braso si Elison. Halatang mahigpit ang pagkakahawak niya dito at narinig ko ang pag-daing ni Elison.

"Thaddeus.", kalmado pero puno ng diin ang tono ng boses na gamit ko. Kailangan niya akong sundin. Nakakahiya kay Elison.

"Ano? Kailan mo ba nakilala ang lalaking to, Naddi?", tanong ni Thaddeus sa akin na punung-puno ng iritasyon. Binitawan niya na si Elison pero hindi pa rin ito umaalis sa tabi niya.

"Kanina. And it doesn't matter, Thaddeus. He's just paying what he owed. Tinulungan ko siya, that's why.", pinapakalma ko ang sarili ko. Hindi katulad ng pagtatalo namin ni Thaddeus dati. Kalmado ako at hindi ko siya pinapaulanan ng mura.

Gusto ko ng umalis dahil baka lumaki pa ang issue. Ang immature niya. He's arguing with me because of this shit.

"Elison, pare, mauna ka na. Ako na ang maghahatid sa kanya.", kalmado na ang boses niya. Tumingin si Elison sa akin, gulong-gulo pa rin sa nangyayari at sa kung ano ba talagang relasyon namin ni Thaddeus. Tinatanong ng mga mata niya sa akin kung susundin niya ba si Thaddeus. Tinanguan ko lang siya at kinuha niya na ang gamit niya para umalis.

Minuwestrahan ko naman si Thaddeus na sumunod sa akin. Huminto ako sa parking lot. Kumaway pa sakin si Elison bago siya tuluyang umalis.

"What's your problem?", tanong ko agad pagkaalis ng kotse ni Elison.

"Who's that guy?", imbis na sagutin ako ay tinanong niya ulit ako. Mas tinaasan niya ang boses ko.

"I already answered that question. Now answer me!", pinagtaasan ko siya ng boses pero hindi man lang siya nasindak.

"Nothing! I don't know! Naiinis ako dahil sa nakita ko. You're laughing with him. He can make you laugh.", pasigaw niyang sinabi sa una pero pahina at pakalma niyang binitawan ang mga huling salita.

"Ano naman? Hindi ko na itatanong sayo kung nagseselos ka kasi halata naman. Pero punyatera, bakit kailangan mong awayin yung tao?", para siyang bata! Tinitigan niya ng masama si Elison. Elison is just being a friend.

"Why didn't he fight me back? He's scared. That guy is a coward."

"Of course not. Mas malawak lang ang pag-iisip niya kaysa sayo kaya hindi ka niya pinatulan. He can contol he's temper but you can't!", I'm being hard on him. Masyadong masakit kung ako ang pagsasabihan na mas malawak ang pag-iisip ng iba kaysa sa akin. Pero totoo naman e.

"Alam mo naman diba na nagseselos ako? Damn it! Yes, Naddi. I'm jealous! Bakit hindi mo maintindihan?"

"Naiintindihan ko ang feelings mo para sa akin but it doesn't mean na lilimitahan mo ang pakikipagkaibigan ko sa iba."

"Iyon na nga! I can't control my feelings so please! Ikaw ang mag-adjust."

Halos matawa ako sa sinasabi niya. He's hopeless! Naalala ko lang na nag-aaway kami at kailangan kong magseryoso.

"Ayokong palakihin ang away. You should not stop me in being a friend to anyone.", sabi ko at umiling-iling. Ayoko siyang pagsabihan magdamag. Gusto ko ng umuwi. Hindi na siya bata. Matanda na siya. Bahala siya sa buhay niya. Pero hindi ko siya kukunsintihin sa lahat ng pinuputok ng butchi niya. He can be his self but I'm not going to answer all his whims.

"Bye, Thaddeus.", those were my last words for him this day. Pumara ako ng jeep at nagtungo na sa bahay.

The Devil was Once an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon