"Waaah! Thaddeus! Bakit mo ako hinagisan ng putik?"
Pero imbis na mag-sorry siya sa akin, binelatan niya ako tapos hinagisan na naman niya ako ng putik kaya gumanti na ako.
Tumakbo siya kaya hinabol ko siya. Alam ko namang lampa ako kaya nadapa ako. Bumalik siya at nag-aalalang tumingin sa akin. Nagdudugo ang tuhod ko. Ang sakit. Umiiyak ako tapos nagulat ako ng hinawakan niya ang sugat ko at sa isang iglap nawala ang sakit, ang dugo. Pinagaling niya ang sugat ko.
~~~~~
Shocks! Ang sakit ng ulo ko. Ano bang panaginip yun? Or should I say, a flashback. Kasama ko na naman si Thaddeus sa panaginip ko. Kaso ang weird? Parang nadagdagan na yung details, di na makatotohanan. Kakapanood ko lang to ng movie tapos lagi ko pang iniisip si Thaddeus kaya nagsama-sama na sa utak ko.
Yun lang siguro yun.
Nagulat ako sa pagputak ng isang punyaterang uwak sa may bintana ko. Sa sobrang inis ko, binaba ko nalang kagad yung bintana. Naipit ata yung pakpak niya kaya may naiwan na black feather. Kinuha ko ito at itinago sa drawer ko.
Bumaba na ako ng kwarto pagkatapos kong maligo at magbihis. Ang bilis ko lang kumain. Ganun talaga siguro pag inspired! *insert twinkling eyes here*
"Ang bilis mo naman Addilyn?", tanong ni Mama.
"Opo, kailangan po kasi maaga ako e. May gagawin pa po kasi ako."
"Tsk tsk. Sa tingin ko, nagkaayos na kayo nung Ivory ano?", tanong ni Papa.
"Anong ibig sabihin non, Addi? Kayo na ba nung Marcus?", tanong naman ni Mama.
"Pa, nagkaayos na po talaga kami ni Ivory, wala naman po pala talagang dapat ayusin kasi wala naman pong problema. Tsaka Ma, Thaddeus po. Hindi Marcus."
"Hahaha! Nag-uulyanin na ang Mama mo.", sabi ni Papa.
"Tigilan mo ko Rick! Ano Addi? Kayo na nga?", tanong uli ni Mama.
Natahimik ako. Di ba niya na-gets? Syempre hindi. Iiling palang sana ako kaso nag-react na si Mama.
"Nako! Ipakilala mo yang Thaddeus na yan, mamaya na! Hindi pwedeng maging kayo ng hindi man lang namin nakikita ang mukha niya."
"Ma, m-manliligaw---", naputol ang sasabihin ko dahil sa pag-react na naman ni Mama.
"Lalo na kung manliligaw palang! Naku! Kami noong kabataan namin, hindi pwedeng mag-boypren kapag hindi alam ng magulang!"
"Sige na Ma. Ang highblood naman oh. Ipapakilala na nga e."
Kinuha ko na ang bag ko at hinalikan ko na si Mama sa pisngi. Lumabas na kami ng bahay at hinatid na ako ni Papa. Wala namang mahalagang pinag-usapan. Puro lang sa pagka-beastmode ni Mama ngayong umaga.
Nakarating na kami ni Papa at hinalikan ko na ulit siya sa pisngi.
"Anak, kapag kailangan mo ulit ng makakausap, nandito lang kami ng Mama mo. Kasi minsan kapag akala mo na okay na ang lahat, nagsisimula palang pala."
"Ano ba yan Pa! Biglaang hugot?", natawa nalang kaming pareho. Nagpaalam na uli ako at pumasok na talaga ako sa gate ng school.
~~~~~
"Vienna Addilyn Chan!"
"Ivory Czarine!"
"Vienna, mamaya punta ka sa condo namin, dala ka foods.", pagyaya sa akin ni Ivory.
BINABASA MO ANG
The Devil was Once an Angel
RomanceNarinig niyo na siguro ang tungkol kay Lucifer, diba? Ngunit hindi tungkol kay Lucifer ang istoryang ito. Ito ay tungkol kay Vienna Addilyn Chan at sa kanyang guardian angel. Ang kanyang guardian angel na hindi niya tiyak kung tunay o gawa lamang ng...