Chapter 17: Everything is Gone

16 1 0
                                    

"Let's go home, Ivory. You're drunk."

~~~~~

Marahan kong tinapik ang pisngi ni Ivory. "Nandito na tayo.", pero parang wala naman siyang narinig dahil na rin sa paghilik niya. Mahimbing siyang natutulog.

Bumaba si Elison mula sa driver's seat at binuksan ang pinto ng backseat. Inalalayan niya si Ivory na makababa.

Nauna akong maglakad papasok ng building habang nasa likod ko si Elison habang naka-akbay sa kanya si Ivory. Nasa akin ang susi at ako rin ang magbubukas ng unit nila Ivory.

Pumasok kami sa elevator at pinindot ko ang floor na dapat naming puntahan. Tumunog ang elevator na hudyat na nasa tamang palapag na kami.

Hinanap ko ang room number nila Ivory at kinabit doon ang susi ngunit hindi ko pa napipihit ang doorknob ng may mapansin ako mula sa peripheral vision ko. Lumingon ako para matiyak kung ano iyon.

Nakita kong hinahalikan ni Ivory ang nakatulalang si Elison! Kaya pala sila huminto!

"I love you.", sabi ni Ivory at nakatulog ulit.

Lumingon si Elison sa akin. Namumula ang mukha niya. Hindi ko na napigilan ang pagtawa ko. Hindi ko maintindihan ang itsura niya. Para siyang babaeng nawalan ng virginity.

"She's probably your first.", sabi ko.

"Oo. Balak ko sanang ibigay ang first kiss ko sa babaeng makakasama ko habang buhay. Pero parang din na mangyayari yun.", lalo akong natawa sa sinabi niya. Meron pa palang lalaking nagpapahalaga sa first kiss nila?

Sa wakas ay napihit ko na ang doorknob. Binuksan ko ito at nagulat ako sa nakita kong sumalubong sa amin.

"Good evening.", bati ko kay Thaddeus.

"My evening is not good. It's 10 and you're still outside? With a man? Anong klaseng babae ka?", tanong niya. Matalim siyang nakatingin sa akin. Napantig ang tenga ko sa sinabi niya. Anong klaseng babae ka?

"As you can see, hinatid lang namin ang kaibigan natin, na 'condo-mate' mo para maging sure kami na ligtas siya. Siya ang nagyayang uminom. Kaya mawalang galang lang pero pwede na ba namin siyang ipasok sa loob? Hindi na rin naman kasi kami magtatagal.", sabi ko sa kanya at nakipaglaban ng titigan sa kanya.

"Ilagay niyo nalang siya sa sofa.", sabi niya.

Ganoon nga ang ginawa ni Elison, nagpaalam na rin kami kaagad.

Habang nasa byahe, tahimik lang kami nang biglang nagsalita si Elison.

"Alam mo Vienna, halata naman sa inyo na mahal niyo ang isa't-isa e. Mahal ka niya kaya siya ganyan. Gusto ko sanang malaman niyo na, wala akong balak makigulo sa inyo Vienna. Wala akong balak manligaw sayo."

"Walang kami Elison.", sabi ko. Totoo naman e. Pero hindi naman ibig sabihin noon ay magpapaligaw na ako sa iba. Ayoko rin naman sa ibang lalaki.

"Wala 'pang' kayo.", in-empasize niya talaga yung 'pang'.

Naihatid niya ako ng buo at ligtas sa bahay. Dumiretso ako sa kwarto at hindi ako kaagad nakatulog.

Dahil sa sinabi ni Elison, naalala ko yung sinabi ni Thaddeus. Napalayas daw siya sa kanila dahil sa pagmamahal niya sa akin dahil isa iyong kasalanan. Kahit naguguluhan pa talaga ako sa sinabi niya, naniniwala ako.

The Devil was Once an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon