Chapter 12: Mistake

19 1 0
                                    

Pagkagising ko, ang sakit na naman ng ulo ko. Nagulat pa ako dahil sa nakita kong uwak sa may bintana ko! Tinaboy ko ito at sa pagpagaspas niya ng kanyang pakpak ay may naiwang itim na feather sa lapag ng kwarto ko. Sinarado ko ang bintana at kinuha ko ang feather at itinago sa side drawer ko. Pangatlo na to ah.

Hindi ko alam kung ano yung nagbibigay sa akin ng urge para itago ang mga itim na pakpak sa drawer ko.

Maaga naman akong nakapasok sa school at nandun na nga ang mga friends ko. Ang punctual talaga nila.

"Naddi.", hindi na ako nakalingon at halos masalubsob ako sa pagtakbo para lang mahabol ang bilis at laki ng hakbang niya! Bigla ba naman akong hinigit!

Napatunghay ako at nakita ko nalang ang sarili ko na nakatayo sa gitna ng green field while he is holding my hand. Marahas ko yung binawi sa kanya pero nakangiti pa rin siyang nakaharap sa akin.

"Ano bang problema mo! Punyatera! Ang aga aga, ang galing mo talagang manira ng araw ano? Ano hidden talent mo yan? Yan ang mga talent na hindi na dapat ilabas kasi mapapatay ka ng wala sa oras!", litanya ko sa kanya habang pinupukol ko siya ng matalim ng titig.

"Then, kill me now. It's my pleasure to be killed by you, Naddi.", sabi niya sa akin at nakangiti pa rin siya sa akin.

"Yan ang problema sayo e. Hindi mo alam kung nagbibiro pa ba yung tao o kung seryoso na. Lahat kasi niloloko mo. Ginagawa mong biro. Nanggagago ka na naman e.", mas mahinahon na ang boses ko. Ewan ko ba kung bakit stress na stress ako at kung saan ko ba nahugot yung mga pangaral ko sa kanya.

"You cuss too much. You really had a dirty mouth. The next time you say bad words, I'm gonna punish you.", tinitigan ko lang siya ng masama at wala akong sinabi. Hindi ako natatakot sa punishment na sinasabi niya. "Oo na po. Sorry na. Hindi na po ako manggagago. Sorry na, Mommy. Forgive your Baby Thaddeus na.", sabi niya sa malambing na boses.

"Para kang bakla!", sabi ko at tinalikuran na siya para maitago ang ngiti ko. Ayoko siyang ngitian! Halos madapa ako sa pagkakahigit niya sa akin! Gusto ko siyang sampalin dahil sa ginawa niya.

Ay teka! Lumingon ako at hinarap siya na hindi man lang gumalaw sa kinatatayuan niya.

"You said 'manggagago', right? Did I heard it right? You said gago? You also cuss?", hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Kung ano ang ginagawa at sinasabi ng Mommy ay tama sa paningin ng Baby, kaya ginagaya ko.", sabi niya at ngumisi.

"Kasalanan ko pa, ganun?"

"Medyo.", sabi niya at nagkibit-balikat.

"Pa-baby ka pa dyan. Dalawang taon kang mas matanda sa akin, uy! Act your age nga, Thadds.", sabi ko at tinalikuran ko na talaga siya. Naglakad na ako papunta sa room namin.

"Oo na. Dami mong sinasabi.", sabi niya at sinabayan na ako sa paglalakad.

Hindi ko akalain na ang mala-anghel niyang mukha ay may masungit na pagkatao. People change nga naman. Ang bait niya dati. Ang kasalanan niya lang ata sa akin e yung paghagis niya ng putik sa akin at pagbelat niya. So, I got pissed and I tried to chase him pero lampa ako at nagkasugat. Then... he heal it? No, imposible. Ginamot siguro yun ni Mama o ni Papa. Movies really affect the way I think.

"Hey, you stare too much."

Binawi ko kaagad ang tingin ko sa kanya.

"You assume too much", ganti ko sa kanya. Narinig ko ang munti niyang pagtawa at hindi na ulit kami nagkibuan. Nakarating na kami sa room at halos kasabay lang namin na dumating ang prof.

~~~~~

Natapos na ang klase at nagdiretso agad ako sa library. May assignment kasi ako at wala akong libro kaya manghihiram ako ng libro sa library.

Agad akong nanghiram at nalaman kong bawal palang iuwi ang libro. Kailangan pa ng borrower's card. E may pupuntahan pa ako para mag-avail. Kaya ang ginawa ko, doon na ako gumawa dahil medyo maikli lang naman. Pero mahirap.

Two hours past. Natapos na yung assignment ko. Buti nakaya ng brain cells ko. Lumabas ako ng library pagkatapos kong isauli yung libro at ayusin ang gamit ko.

Nagulat ako sa nakasalubong ko! Thaddeus? Maggagabi na ah?

"Oh. Maglalibrary ka?", tanong ko. Syempre hindi ko naman ipapahalata na may pakiramdam ako na ako ang sadya niya. Paano kung hindi?

"No. I waited for you.", sabi niya at kumunot ang kanyang noo. Napakaperpekto talaga ng mukha niya. Hindi mo alam kung anong lahi ba to. Wala naman akong makitang lahing banyaga sa kanya pero kakaiba talaga lahat ng features niya.

"Talaga? Bakit?", tanong ko.

"I'm courting you, remember?"

Oo nga pala! "Seryoso ka talaga, ano?"

"Of course.", sinabayan niya na ako sa paglalakad. Nakayuko lang ako habang nakatingin sa mga paa naming sabay na humahakbang. "I've never been this serious, my whole life. For a person, for a woman. Iniiwasan kong gumawa ng mali. Iniiwasan ko kasi takot ako. But when I saw you, I became brave. I decided for myself. It's a big mistake but I already made it for you. You're a mistake but I chose you."

Napatunghay ako sa sinabi niya. I'm a mistake?

"Teka, ako ba ang may kasalanan kung bakit ka napalayas sa inyo? Tinalikuran mo ba talaga ang kapamilya mo para hanapin ako? You're unbelievable!", napatigil kami sa paglalakad at hinarap namin ang isa't isa. Hindi ko alam kung ano na ba ang dapat kong maramdaman sa halu-halong emosyon na bumabalot sa akin.

Guilt. Anger. Sadness. Confused. Shocked.

"Am I a mistake?", my voice broke. Hindi ko alam kung bakit nangingilid ang luha ko. Nagbabara at sumasakit ang lalamunan ko.

"No, Naddi. It's a mistake but I believe it's not. Mahirap ipaliwag Naddi. Hindi mo maiintindihan. I'm serious, pinili ko to at papanindigan ko to, Naddi. Naging matapang ako dahil sayo Naddi. I chose you. Stop crying.", sabi niya at pinunasan ang iilang patak ng luha sa pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Hinawakan niya ako at inakay na para magpatuloy sa paglalakad.

Feeling ko, ako yung may kasalan kung bakit siya napalayas sa kanila. Pero hindi ko maintindihan kung ano bang ginawa ko. Ilang taon kaming hindi nagkita at hindi ko akalaing kilala pa niya ako. Wala kaming koneksyon simula noong lumipat na kaming Manila. Naguguluhan ako pero ayoko ng magtanong. Natatakot ako sa sagot at baka mas magpagulo pa ito ng isip ko. Sigurado rin naman akong hindi na siya magsasalita ng tungkol doon.

Naiinis at naguguluhan ako sa naging desisyon niya. Bakit niya pinili ang isang babae kaysa sa pamilya niya? Isang babaeng hindi man siya sigurado kung kilala at pipiliin din siya. Paano kung nakalimutan ko siya? Hindi worth it yung paghahanap at pagpili niya sa akin. Hindi niya ba naisip yun?

How could he make a mistake for me?

It means, he really loves me right?

"Ang lalim ang iniisip mo ah. Just promise me that you'll be by my side. That's enough Naddi.", sabi niya at pinisil pisil ang kamay ko.

The Devil was Once an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon