Chapter 7:Naddi

31 1 0
                                    

Tinawagan ko si Thaddeus pero hindi siya sumasagot.

Pwede mo naman siyang iwan Vienna e. Pwede mo siyang pagalitan bukas. Pwedeng hanapin mo na lang siya bukas pagpasok mo.

Pero bakit? Hinihintay mo na naman siya?

Am I waiting for the same Thaddeus again?

Tinawagan ko ulit siya pero wala pa rin. Okay na! Sobra na Vienna. Sobra na yung ginagawa mo sa sarili mo! Months pa lang kayong magkakilala ni Thaddeus.

Naglakad na ulit ako at napagpasyahan ko na talagang exit na ang hanapin ko.

Mabagal at mabigat ang bawat hakbang ko. Bakit ganito yung nararamdaman ko? Gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang hanapin. Gusto ko siyang hintayin. Gusto ko. Gusto ko siya.

Pero bakit? Ang bilis naman ata. Nakakaappreciate ako ng kagandahan ko kagwapuhan ng tao ng isang tinginan lang pero hindi ako nagkakagusto.

"Vienna..."

"Yan na naman Vienna. Sa sobrang pag-iisip mo sa kanya, naghahallucinate ka na. Wala siya. Iniwan ka nga e.", bulong ko sa sarili ko. Oo na, mukha akong tanga. Okay lang yan. Gabi na at konti nalang ang estudyante.

"Vienna. Wait lang."

"Sige Vienna. Huminto ka at maghintay ka sa wala. Sanay ka na naman e. Pero this time, maawa ka sa sarili mo at umuwi ka na ng bahay para may mapala ka pa. Nandun ang magulang mo. Ang tunay na nagmamahal sayo.", bulong ko na naman sa sarili ko. Nakayuko lang ako habang naglalakad at sa mga paa ko lang ako nakatingin. Pero habang naglalakad ako, may dalawa pang pares ng paa ang sumabay sa paghakbang ko kaya napatunghay ako.

"Tsk. Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka lumilingon. Lagi ka nalang ganyan. Kanina rin sa building 6 di mo ko nilingon kaya umalis na ako. May--- teka! Bakit ka umiiyak!"

Tama kayo. Siya nga yung nakakapunyaterang lalaki na iniiyakan ko ngayon. Yung lalaking ilang beses akong iniwan at ilang beses ko ring hinintay.

"Punyeta ka! Alam mo bang ang daming nangyari nung wala ka! Iniwan mo ako sa building 6 at dahil sayo may namura akong babae na hindi ko kilala! Napahiya ako sa klase dahil lutang ako kakaisip sayo at nawala na naman ako ngayon! Pero bakit? Hinihintay pa rin kitang hayop ka!?", hindi ko na nabilang kung ilang beses ko siyang sinuntok at sinampal. Buti nalang nanghihina ako kaya hindi malakas yung pagbigwas ko sa kanya.

"Sorry na. Bakit ba kasi hinintay mo ako?"

"Ewan ko! Hindi ko rin alam! Nag-alala ako kung bakit wala ka sa klase kaya hinahanap kita ngayon. Kasi gusto kitang makita bago ako umuwi! Gusto ko... gusto kong... gusto kita Thaddeus."

Nagulat siya sa sinabi ko. Lalo naman ako! Hindi ko na rin maintindihan ang sinasabi ko. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko!

"Anong sabi mo? Ulitin mo nga yung sinabi mo Vienna?", tanong ni Thaddeus at hinawakan niya ako sa balikat ko.

"Wala! Wala akong sinabi! Uuwi na ako.", sabi ko at tinalikuran ko na siya. Naglakad ako ng mabilis pero sinundan niya ako at hinawakan sa braso. Iniharap niya ako sa kanya.

"Vienna! Kailangan kong marinig!", pagpilit pa niya sa akin.

"Sinabi ko na! Wala ng ulitan."

"Gusto mo ako?", tanong niya. Hindi ako sumagot. Yumuko lang ako. Hindi ko aiya tinitignan. Nahihiya na talaga ako!

"Gusto mo ba ako?!", ulit niya.

Tumango lang ako. Narinig ko siyang tumawa sa kaya napatingin ako sa kanya at tinitigan siya ng masama.

"Bakit?---"

Nagulat ako at hindi ako makagalaw sa ginawa niya. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Bakit?", tanong ko.

"Gusto kita Vienna. Matagal na. Sobra akong masaya na nalaman kong our feelings for each other is mutual. It's worth it na binalikan at hinanap kita. You're worth it. You're worth fighting for, Naddi..."

Lalong namilog ang mga mata ko. Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at nakita ko ang ngiti sa mukha niya. Hindi na yung nakaka-P na ngiti. Yung ngiting sincere.

"Thaddeus? Ikaw si...", sabi ko habang nakaturo sa kanya.

Tumango siya at niyakap ulit ako.

"Thaddeus!", niyakap ko na rin siya pabalik. Umiiyak na ako. Kaya pala... kaya pala pamilyar yung nararamdam ko. Yung sayang nararamdaman ko kapag kasama ko ang kaibigan ko. Nandito na siya. Siya nga yun. Kaya pala parang konektado kami sa isa't-isa.

Namiss ko siya.

Ngayon, malinaw na sa akin ang lahat. Nakita ko na siya at hindi ko na dinedeny ang nararamdaman ko.

Oo na, gusto ko na siya.

Namiss ko ang childhood bestfriend ko.

"If I'm worth fighting for. I'll fight with you. You're worth the wait. I'll wait as long as I live. I'll wait for you again and again. I'll wait forever because you're worth it."

Ngumiti siya sa akin at niyakap ako.

That's the greatest day of my life. It's really great to know that it's worth it to wait for the right person. It's the best decision I ever made.

But this decision will lead us to a sin that death is the punishment.

~~~~~

I love moooooorning! Haaay! Iba talaga pag inspired!

Lumabas kaagad ako ng kwarto pagkaligo at pagkabihis ko.

"Oh Addilyn, ang aga mo namang nagising?", tanong ni Papa habang nagbabasa siya ng dyaryo.

"Ah, nagmamadali po kasi ko Pa. May aasikasuhin lang.", pagpapalusot ko. Dahil ako mismo sa sarili ko ay hindi ko alam kung bakit ang aga kong nagising at kung bakit gusto ko na kaagad pumasok.

"Ano naman yang aasikasuhin mo?", tanong ni Mama.

"Ah...eh...yung assignment ko po. Magpapatulong kay Ivory.", mukhang naniwala naman kaagad sila sa sinabi ko. Mabilis kong natapos ang pagkain ko. Atat na atat nga akong pumasok. Hindi naman ako ganito, madalas 5 minutes before class ako umaattend.

"O Addilyn, tapos ka na?", tabong ni Papa noong napansin niyang inaayos ko na ang bag ko.

"Opo Pa. Alis na po ako. Bye.", sabi ko sa bay halik sa pisngi ni Papa at ni Mama. Hinatid naman ako ni Papa sa school.

"Vienna!", bati sa akin ni Ivory noong nakita niya ako.

Kumaway lang ako sa kanya.

"Si Thaddeus?", tanong ko.

"At bakit hinahanap mo kaagad siya?", pinanliitan niya ako ng mata.

Si Ivory nga pala. Isa ito sa magiging problema namin ni Thaddeus. Paano namin masasabi sa kanya na nalaman na namin na kami ang magkababata at may gusto kami sa isa't-isa? Alam kong gusto ni Ivory si Thaddeus at masasaktan siya kung sakaling malaman niya.

"Ha? Wala! Ang malisyosa mo naman!", pagde-defend ko sa sarili ko.

"Ano ba yun Thadds? May tinatago kayo sa akin e?", si Thaddeus naman ang kinausap niya. Bakit ba ang galing mambasa ng babaeng to? Bakit lagi nalang niyang alam kapag may mali sa akin?

Bumuntong hininga si Thaddeus at nagkibit-balikat.

"Ako at si Naddi ay---"

Pinandilatan ko siya ng mata at kulang nalang ay lumuwa ito para tumigil siya sa binabalak niya. Pero parang hindi siya magpapapigil. Lagot ka sakin Thaddeus kapag umiyak si Ivory!

The Devil was Once an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon