"Because...", tinaasan ni Ivory ng kilay si Ebony.
"Because?", tanong ni Ivory.
"Because... I don't want you to expect that you'll be together forever. Don't expect things. Just enjoy the moments.", sagot naman ni Ebony habang naka-poker face parin.
"Ano? Ang bitter mo no?", sabi ni Ivory pero hindi na siya pinansin ni Ebony.
Makalipas ang ilang oras, alas kwatro na. Nag-ayos na kami at nagpaalam na kaming aalis na kami ni Thaddeus.
"Alis na kami. Salamat!", pagpapaalam namin. Umalis na kami at namasahe papunta sa bahay.
~~~~~
Pagkababa namin sa harap ng bahay ay nakita namin doon sila Mama na nag-aabang.
"O kamusta Addi! Ito ba yung manliligaw mo?", nanlaki naman ang mata ko. Hindi ko alam kung bakit ako nahihiya sa sinasabi ni Mama kahit totoo naman at nanggaling na rin naman kay Thaddeus na manliligaw siya. Napatingin ako kay Thaddeus na nakangiti at tumango kay Mama.
"Aba'y kay gwapong bata. Parang anghel!", dagdag pa ni Mama. Hinila ko nalang siya sa loob. Nakakahiya na yung pagsalubong niya sa bisita, kay Thaddeus.
"Ano bang problema mo? Kinakausap ko pa yung manliligaw mo.", sabi ni Mama sa akin pagkapasok namin sa loob. Kasunod lang din namin si Thaddeus at Papa.
"Nakakahiya kaya! Teka, bakit parang tahimik si Papa?", tanong ko kay Mama.
"E kasi, unang beses magdala ng lalaki ang unica hija niya.", sagot ni Mama. Kaya pala. Ganun naman talaga halos lahat ng tatay diba? Kailangan chill lang ako sa kinikilos ni Papa.
Naupo kami sa dining area. Kakain na naman?! Hay! Sabagay, kanina pa naman yun. Dinner na to at hindi ako kumamain kapag dinner na. Girl thing.
"Thaddeus? Anong surname mo?", tanong ni Papa.
"Thaddeus Brecken po ang full name ko.", sagot ni Thaddeus.
"Ilang taon ka na?"
"Eighteen po."
"Eighteen pero first year college ka palang? Parang late kang nag-aral."
"Isang taon po kasi akong hindi nakapag-aral, nagtrabaho po muna ako para makapag-ipon. Pinalayas po kasi ako sa amin."
"At bakit ka naman napalayas sa inyo?", nakikinig lang ako sa tanong ni Papa. Na-curious din ako bigla. Bakit nga ba napalayas si Thaddeus?
"Hindi po ako bagay doon. Makasalanan daw po ako.", sagot ni Thaddeus. Ano?
"Hijo, lahat ng mortal ay makasalanan. Hindi mo maiiwasan yun. Pero ang palayasin ka sa inyo dahil lang sa kasalanan mo, halatang masyado yung mabigat. Ano ba ang kasalan mo?", tanong ni Papa.
"Nagmahal po ako."
Lalong kumunot ang noo ko at napaparami na ang subo ko ng chocolate cake dahil sa tensyon at kabang nadarama ko.
"Ano? Nagmahal ka? Dahil dun?", sabi ni Papa.
Tumango si Thaddeus at nag-iwas ng tingin. "Sa totoo lang po, hanggang doon lang po ang dapat kong sabihin. Ayoko po munang pag-usapan ang tungkol don. Hindi pa po ngayon. Salamat po sa pag-intindi.", sabi ni Thaddeus at ngumiti sa Papa ko. Tinitigan lang siya ni Papa.
"Last question, choice mo na kung sasagutin mo o hindi. Pero, sino ba yung mahal mo? May iba ka pa bang gusto bukod sa anak ko? Seryoso ka ba sa kanya?"
"Ang anak niyo lang po ang minahal ko ng ganito.", tumingin siya sa akin at tinitigan ako ng para bang kilalang-kilala na niya ako. Lalo akong naguluhan sa sagot niya.
BINABASA MO ANG
The Devil was Once an Angel
Storie d'amoreNarinig niyo na siguro ang tungkol kay Lucifer, diba? Ngunit hindi tungkol kay Lucifer ang istoryang ito. Ito ay tungkol kay Vienna Addilyn Chan at sa kanyang guardian angel. Ang kanyang guardian angel na hindi niya tiyak kung tunay o gawa lamang ng...