Chapter 13: Partners In Crime

9 1 0
                                    

"Ang lalim ang iniisip mo ah. Just promise me that you'll be by my side. That's enough Naddi.", sabi niya at pinisil pisil ang kamay ko. "Promise me, Naddi."

Tumango ako. "I promise.", siguro sa pananatili ko sa tabi niya, mararamdaman niyang I care for him. That I feel the same. Para worth it lahat ng ginawa niya para sa akin. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala! Bakit ba talaga, Thaddeus?

"Partners in crime?", tanong ulit niya.

"Oo. Partners in crime!", pinilit kong maging masaya sa tabi niya. Nagpaka-jolly ako at nagpakadaldal. Gusto ko ring isantabi lahat ng katanungan ko.

"Good! May naisip ako."

Sabi niya at hinila na ako. Halos masubsob ulit ako kakahabol sa yapak niya.

Huminto kami sa isang boutique. Pumasok kami rito at bumili ng damit. Dalawang black jacket lang ang binili namin. Sinuot kaagad namin ito at nilagay ko na rin ang hood. Kung ano man ang pinaplano niya, hindi ko alam.

"Ano bang plano mo?", tanong ko. Hindi niya ito sinagot. Ngumisi lang siya sa akin. Huminto ulit kami sa isang store at may binili siyang mga pangspray at flashlight. Umalis agad kami doon pagkatapos niyang magbayad.

"Huy! Thaddeus, ano ba? Maggagabi na.", naiirita na ako sa pagbabaliwala niya sa akin.

Hinila pa rin niya ako patungo sa likod ng school. Hinarap niya ako sa isang malaking pader at binigyan ng isang red na spray can. Liwanag mula sa buwan nalang ang nagsisilbing ilaw namin kaya binuksan ko ang flashlight na binigay niya kanina lang. Binuksan niya rin ang sa kanya. Tinapat niya ang ilaw na may nakasulat na 'No Vandalism'.

Parang nagegets ko na. Bago ko pa man siya mapigilan, inispray niya na agad ang kulay black na tinta at tinakpan ang sign. Gumuhit siya ng kung anu-ano at iba't-ibang kulay na rin ang ginagamit niya.

"Huy! Ano bang ginagawa mo Thaddeus? Masama yan!", pigil ko sa kanya kahit burarang-burara na ang pader. Hindi ko na gaanong makita kung ano yung dinodrawing niya.

"Doon ka sa kabilang gilid. Magdrawing ka rin, Naddi.", utos niya habang nakangisi.

"Hoy! Tumigil ka na nga baka may makakita pa sa atin."

"Sandali nalang to, Naddi.", sabi niya at nagpatuloy sa ginagawa. Nakatutok lang ang flashlight ko sa kanya. Ang flashlight naman niya ay nakatutok sa ginagawa niya na hindi ko maintindihan.

"Hoy! Bawal yan!", nasilaw ako sa pagtapat ng flashlight sa mukha ko. Tinakpan ko ito at hindi ako agad nakagalaw. Bago pa man makalapit sa akin yung tanod ay hinila na ako ni Thaddeus paalis doon at mabilis niyang dinampot ang mga gamit namin habang tumatakbo kami.

Noong nakalayo na kami ay hinampas ko siya ng malakas sa braso.

"Ano yung ginawa mo? Nakita mo naman na malaki yung pagkakasulat ng no vandalism tapos nagpintura ka nalang bigla! Anong nangyayari sayo Thaddeus!?", sermon ko sa kanya.

"Nakakasawa ng sumunod sa rules nila. I will be honest, it's fun to make bad things, Naddi. It's true. This is not me. But I chose this. It's just a minor mistake, Naddi. Sigurado akong hindi iyon big deal sa kanila. Pwede silang bumili ng puting pintura at papinturahan ulit iyon. Wag kang makonsensya, Naddi. Hindi ka naman nakiride e.", sabi niya at yumuko. "Akala ko pa naman partners in crime tayo.", sabi niya na nagtatampo.

Oo nga, sinabi ko yun sa kanya, na partners in crime kami. Masama yung ginawa namin pero maliit na pagkakamali lang yun. Masarap ang bawal. Masama yung pag-vavandal pero para bang naghihinayang ako na hindi ako nakijoin sa kanya. Nakakasawa nga namang maging mabait. Masama ang sobra. Ang sobrang sama at sobrang bait. Sa ilang taon kong naging masunurin sa magulang ko, hindi ba't sobrang bait ko na? Kaya bakit bawal gumawa ng minor crimes para equal?

"Oo nga, partners in crime tayo.", sabi ko. Napatunghay siya at nginitian ako.

"Hoy! Sila yung nagsulat sa pader!", sigaw nung tanod habang nakaturo sa amin. Hinawakan ko ang kamay ni Thaddeus at hinatak ko na siya para makalayo.

"Grabe! Nakakahingal!", sabi ko noong nakalayo na kami sa mga nanghahabol sa amin.

"Next crime, partner?", tanong ko sa kanya.

"Uwi na tayo. Mag-123 tayo?", sabi niya.

Sumakay kami sa punong jeep. Sa bandang likod kami umupo. Bumaba na kami ng hindi nagbabayad. Nagtawanan pa kami at nagpaalam na sa isa't-isa.

I need a break. I've been bad this day.

~~~~~

"Kasalanan ang ginawa mo.", sabi ng isang lalaking nakasuot ng nakaputi at mahabang damit. Nakatalikod siya sa akin at nakalugay ang hanggang balikat at kulot niyang buhok.

Hindi sumagot ang lalaking may itim na pakpak na natatakpan ng lalaking nakatalikod sa akin. Itim na pakpak lang ang nakita ko sa kinakausap ng lalaking nakatalikod.

"Hindi mo siya dapat niligtas. Oras na ng paghahatol sa babaeng iyon. Siya ay dapat na pumarito na kung hindi mo siya niligtas!", mariin at medyo pasigaw ng lalaking nakatalikod.

"Mali ang nararamdaman mo para sa babaeng iyon. Ilang taon ko ng pinapapigil sa iyo ang nararamdaman mo ngunit wala na akong magagawa pa. Hindi mo na mapipigilan pa ang nadarama mo. Binigyan na kita ng maraming panahon para ituwid ang iyong pagkakamali. Ito ay malinaw na paglabag sa aking utos. Ikaw ay pinapatawan ko ng kaparusahan. Ipapatapon kita sa mundong mortal at maaari mo ng gawin ang lahat ng gusto mo. Gagawin na kitang tao at makakaramdam ka na ng sakit, lungkot, dusa. Magugutom, mauuhaw, at masusugatan ka rin. Makakaramdam ka rin ng mga emosyon katulad ng nararamdaman mo ngayon, ngunit hindi na ito ipinagbabawal sa mundong mortal. Hindi ko rin ipagkakait sa iyo ang pag-ibig at kasiyahan na maaari mong maramdaman.  Ikaw ay may kakayahan na ring magdesisyon at maaaring makasama at makabuti sa iyo. Ikaw ay dadaan sa mga pagsubok na ako mismo ang magbibigay sa iyo at para mapatunayan ang iyong sarili, kailangan mong gawin ang tama."

Nanatiling tahimik ang lalaking may itim na pakpak.

"Sa pagtapak mo sa mundo ng mga mortal, hindi kita papabayaan. Papalapitin ko sa iyo ang mga taong maaaring makatulong sa iyo. Paalam. Pinapalaya na kita, Thaddeus.", sabi muli ng lalaking nakatalikod.

"Salamat, Ama.", iyan ang huling sinabi ng lalaki.

Kasabay sa pagkahulog ng lalaki mula sa kalangitan ay ang pagkahulog ko rin. Naramdaman ko ang malamig na hangin at ang mabilis kong pagbagsak. Si Thaddeus ay nahulog sa gilid ng kalsada. Sa isang aksidente. Sa aksidenteng pinanggalingan ko. May mga tao roon ngunit walang nakapansin sa presensya niya. Nahulog din ako sa kalsada at naramdaman ko ang lamig at gaspang nito ngunit wala akong naramdamang sakit.

Pinapanood ko ang mga tao na hindi rin ako nakikita. Isa na naman ba itong panaginip? Nakita ko si Thaddeus na nanghihinang tumayo. May nakabunggo siyang babae at inalalayan siya nito na makatayo. Si Ivory. Sa ganitong paraan sila nagkita. Dadalhin sana ni Ivory si Thaddeus sa ambulansya ngunit mabilis itong nakaalis. Dala ang walang buhay na lalaki at ang walang malay na babae. Ako. Nasa loob ako ng ambulansyang iyon at nakikipaglaban pa.

Natutumba na si Thaddeus. Dinala ni Ivory si Thaddeus sa kanyang kotse at pinaandar na ito kung saan.

The Devil was Once an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon