Chapter 25: I Need You

10 0 0
                                    

Vienna Addilyn Chan's POV:

Nagising nalang ako noong tamaan ng sikat ng araw ang mata ko. Nakatulog na ako sa damuhan kakaiyak kagabi. Umaga na. Hawak-hawak ko pa rin ang natitirang ala-ala ni Thaddeus. Ang itim niyang pakpak.

Pag gising ko ay nakaramdam na naman ako ng sakit sa puso ko. Pumatak na naman ang mga luha ko. Kahit sobrang hirap ay pinilit kong tumayo. Kailangan kong magpakatatag para pagbalik niya, kaya ko pa.

Naniniwala akong babalik siya kahit wala siyang sinabi. Lagi namang ganun e. Alam kong hindi niya ako basta nalang iiwan. Alam ko at nararamdaman kong babalik siya dahil mahal niya ako.

Nakauwi ako ng umagang iyon. Wala nga pala ang magulang ko. Muli akong umiyak pagkakulong ko sa kwarto. Kailangan ko ng karamay. Baka hindi ko kayanin. Tinawagan ko si Ivory at Elison.

"I-Ivory? Kailangan kita.", nasabi ko nalang habang umiiyak. Hindi ko naitago ang bawat paghikbi ko. Namatayan ako at ako ang dahilan.

[Ha? Teka, umiiyak ka? Nasan ka? Papunta na--]

Binaba ko na ang tawag at napahagulgol. Ilang sandali lang ay may humintong sasakyan sa labas ng aking bahay, tanaw ko iyon mula sa aking kwarto.

"Vienna! Open up! Please! Mamatay ako sa kaba!", sigaw ni Ivory mula sa labas habang kinakalampag ang main door.

Pinagbuksan ko sila at yakap ang isinalubong sa akin ni Ivory. Kasama niya si Elison na nakatingin lamang na nag-aalala at naguguluhan. Pumasok kami sa loob at naupo sa sala.

"Wala na si Thaddeus!", bulalas ko at napahagulgol muli sa balikat ng kaibigan ko.

"Thaddeus? Sino si Thaddeus?", tanong niya.

Nagulat ako at umurong ang luha ko. Ang dami ko ng hindi maintindihan!

"H-hindi mo siya kilala?", tanong ko. Umiling lamang siya.

"May boyfriend ka ba na hindi mo naikwento sa amin?", tanong niya. Natulala lamang ako at wala akong naisagot. Totoo nga ba si Thaddeus? O maghihintay ako sa wala?

"Hoy, Vienna. Okay ka pa?", tanong ni Elison.

"Pero, kaibigan natin siya.", giit ko.

"Wala tayong kaibigan na Thaddeus.", pilit ni Ivory.

Wala nang nakakaalala sa kanya? Tunay ka ba? Bumuhos na naman ang luha ko. Siguro'y baliw na nga ako.

Bigla kong naaalala ang nangyari kagabi. Kung paano kami huling nag-usap, kung paano ko siya sinaksak at pinatay, at kung paano siya sunduin ni Ebony.

"S-si Ebony, kilala mo siya?", tanong ko. "Yung kapatid mo.", dagdag ko.

"Vienna, kinikilabutan na ako. Only child lang ako Vienna. Ano bang nangyayari sayo?", sabi niya at kinapa ang noo at pisngi ko. "Ang taas ng lagnat mo ah!", sigaw niya.

"Ang mabuti pa Ivory, dalhin mo na siya sa kwarto niya at punasan ng maligamgam na tubig. Bibili muna ako ng pagkain at gamot.", wika ni Elison.

Iniakyat ako ni Ivory sa aking kwarto at ginawa ang sinabi ng Elison. Pagkatapos ay dumating na rin naman si Elison dala ang binili niya ngunit hindi ako gaanong nakakain. Wala akong gana. Uminom lang ako ng gamot at agad na nakatulog.

~~~~~

"Ikaw ay nagtagumpay Vienna, kasama na namin si Thaddeus ngayon at nililinis ang kanyang puso.", nandito ulit ako sa lugar na puro damo, halaman at mga puno. Nakaluhad at nakayuko sa Kanya.

Siguro, sa paglinis ng puso niya ay mawawala na rin ako.

"Totoo si Thaddeus at ang nangyari sa inyo. Ikaw na lamang ang makakaalala nito at si Thaddeus ay maibabaon na sa limot ng ibang tao."

Sa usapan naming iyon ay sinabi Niya sa akin ang lahat. Pinaalala at binigyang linaw. Kung paano nagsimula, kung ilang taon na akong minamahal ni Thaddeus, kung ano ang naging kondisyon, kaparusahan at solusyon, kung ano ang maidudulot nito, ang estado ni Thaddeus ngayon.

At hindi ako nagkamali, maaaring bumalik si Thaddeus. Kung pipiliin niyang bumalik at kung maaalala pa niya ako.

~~~~~

Pagkagising ko, isang kwintas ang nakasuot sa akin. Gawa ito sa dyamante, ito ay hugis pakpak ng anghel.

"Ito ang patunay na totoo ang pag-uusap natin. Ang dyamanteng ito ay naglalaman ng mga luha mo at ang magpapatigil sa kalungkutan at pagluha mo para kay Thaddeus. Ngunit kung sakali mang hindi ito naging epektibo, sa pagluha mo ay maiipon iyon dito, ito ay madadagdagan sa bawat pagpatak ng luha mo. Ito rin ang patunay na totoo si Thaddeus, na nililinis namin ang kasalanan niya hanggang sa maging kasinglinis na siya ng dyamanteng ito."

Naaalala ko pa ang sinabi Niya sa akin. Hindi ko iyon nakalimutan hanggang sa naka-graduate na ako ng college at kahit tumuntong na ako sa edad na 20.

Naghihitay, umaasa at naniniwala pa rin na babalik siya.

Lumaki ang sukat ng kwintas na suot ko. Hindi nga ito naging sapat upang patigilin ang mga luha ko. Ngunit sa loob ng dalawang taon ay napagod at naging manhid na ako.

Ramdam ko pa rin ang sakit at lungkot ngunit wala ng luha ang pumapatak mula sa aking mata. Masyado na akong napagod. Ngunit nanatili pa rin ang pagmamahal ko para kay Thaddeus.

Sa loob ng dalawang taon, marami na ang nangyari, nandya't minahal na rin ni Ivory si Elison, naging sila na at isang taon na silang magkasintahan.

Naging mas tutok na rin ako sa pagpipinta. Doon ko ibinuhos ang lungkot at pangungulilang naramdaman ko. Nagtayo ako ng sarili kong museum sa tulong na rin ng aking magulang. May trabaho na rin ako bilang landscape architect. Nakaya ko ring maging interior at exterior designer. Marami ng nangyari at nabago. Maliban lang sa pagmamahal ko kay Thaddeus.

Doon ko ipininta ang lahat. Ang storya namin ni Thaddeus.

Noong bata pa kami, ang nga uwak sa bintana ko tuwing umaga at mga itim na pakpak nilang naiiwan. Ang pagva-vandalism niya, ang muli naming pagkikita sa ilalim ng buwan, meron ding painting lang ng mukha niya. Halos lahat.

"Miss Chan, may meeting po kayo kay Mr. Gray mamayang 10am.", sabi ng sekretarya ko.

Tinanguan ko lamang siya.

"Krisha, ibili mo naman ako ng breakfast, di pa ako nakakakain e.", utos ko.

"Yes, Miss Chan, same order po?", tanong niya na tinanguan ko lang.

*kriing kriing*

I answered the phone call, it's Ivory.

"Yes?", tanong ko mula sa kabilang linya.

[Beh, gusto mo ng client? Pasa ko sayo! Nakakabanas e! Ang daming alam!] Reklamo niya.

"Sure. Check ko lang ang sched ko pagdating ni Krisha. I have a very busy schedule, pero okay lang.", sabi ko. Gusto kong maiba ang iniisip ko. Gusto kong makalimot.

[Sure ka? Pero kung makakaabala--]

"I said yes right? I'm sure. Sige na, bye.", sabi ko.

Dumating na rin naman si Krisha.

"Miss Chan, a client wants to buy one of your paintings. Pwede raw po ba bukas ang meeting?", sabi ni Krisha.

"Sure."

Nagbabasa lang ako ng mga papers, mga conditions and agreements. I'm also analyzing my schedule. Then, naisingit ko rin ang sinasabi ni Ivory, siguro one week from now mapag-uusapan din namin.

Napahinto lang ako noong nag-ring ang cellphone ko. It was Elison this time.

"What can I do for you, Elison."

[Architect Chan, I need you tomorrow.]

The Devil was Once an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon