Dumating ang araw at isang pagsubok na naman ang haharapin ko na pinagdadaanan ko sa aking buhay. Nuks! Ang deep! Saan ko hinugot yon?
Ito na nga, papasok na ako sa school at buo na ang desisyon ko, magtatapat na ako kay Ivory para hindi na siya mas mahulog pa at para mas maaga siyang makapagmove-on.
Pinihit ko na ang doorknob ng room at pumasok ako rito. Kinawayan ako ni Ivory, parang walang nangyari kahapon, jolly pa rin siya. Sana ganyan ka pa din pagkatapos kong sabihin sayo ang totoo.
"Hello Vienna!", bati ni Ivory sa akin.
"Hi Ivory!", pinilit kong tapatan ang kasiyahan niya.
Humuhugot na ako ng lakas ng loob para sabihin sa kanya ang tungkol sa amin ni Thaddeus.
"Ivory---"
"Classmates! Wala daw ang next prof. At ngayong araw, siya lang naman ang subject kaya alam niyo na.", sabi ng president namin. Sino pa ba? Edi si Mr. Brecken!
Nagsitayuan na ang mga kaklase ko at umalis na agad. Lumingon agad ako kay Ivory pero wala na siya. Ang bilis naman! Hindi ko man lang naramdaman na nakaalis na siya.
"Naddi, samahan mo ako."
"Ayoko. Kailangan ko pang kausapin si Ivory."
"Hindi kita niyayaya, inuutusan kita. Kung ayaw mong daanin kita sa dahas, sumama ka ng maayos."
Inirapan ko lang si Thaddeus na seryosong nakatingin sa akin. Bigla nalang naging ganito yung mood niya. Parang kahapon lang, magkatinginan lang kami, ngingiti agad. Ngayon, ang blanko ng mukha niya.
"Punyatera ka.", nasabi ko nalang pero hindi niya ito pinansin.
Hinawakan ako ni Thaddeus sa braso. Hindi naman mahigpit pero dahil sa laki ng hakbang niya, nakakaladkad pa rin ako.
"Saan ba tayo pupunta?", tanong ko.
"Kahit saan.", nakakapunyatera niyang sagot.
"Alam mo, punyatera ka. Ang tino-tino ng tanong ko pero nakakagago yung sagot mo. Lugar ba yung kahit saan?!", hindi na naman niya ako pinansin at binuksan na niya ang pinto ng kotse niyang dala na hindi ko alam kung kanya ba talaga.
"Pasok."
Pumasok naman ako at sinira niya ito. Lumipat na siya sa driver's seat at nagsimula ng magmaneho.
~~~~~
Huminto kami sa isang mall.
"Dito lang pala tayo pupunta, pasuspense ka pa! Cheap naman.", binulong ko nalang yung huli kong sinabi. Wala na naman siyang imik. Napupunyatera na talaga ako.
Hawak niya pa rin ang braso ko at dinala niya ako sa ice cream parlor. Hay! Mukhang mapapatawad ko to ngayon ah.
"Flavor?", tanong niya at nagets ko na agad ito. Kapag kasi pagkain mabilis akong makapick-up.
"Chocolate, strawberry, avocado tsaka ayun oh, yung kulay blue. Ay! Gusto ko ring tikman yung chili ice cream!", sabi ko at tinitigan niya lang ako with matching poker face na nagpapahiwatig ng 'P@kyu! Ang takaw mo'-look.
Umupo na kami sa isang table for two at ilang minuto lang, dumating na ang inorder namin. Ang dami pala. Parang di ko to mauubos. Hahaha! Joke! Nagsimula na akong sumubo kahit na nakatitig siya sa akin ng napakaseryoso. Pero binalewala ko ito. Masarap kasi ang pagkain lalo na kapag libre.
"Babayaran mo yan ah.", sabi niya.
"Gago! Di nga? Akala ko libre mo!", sabi ko naman sa kanya at napatigil ako sa pagkain.
BINABASA MO ANG
The Devil was Once an Angel
RomanceNarinig niyo na siguro ang tungkol kay Lucifer, diba? Ngunit hindi tungkol kay Lucifer ang istoryang ito. Ito ay tungkol kay Vienna Addilyn Chan at sa kanyang guardian angel. Ang kanyang guardian angel na hindi niya tiyak kung tunay o gawa lamang ng...